Patang pata siya kinabukasan pag gising niya hindi niya mabilang kung ilang beses niyang isinuko sa asawa ang sarili.
Ngayon naman ay nakaramdam siya ng hiya.Hindi niya malaman kung paano haharapin ang asawa."Morning honey"
Bagong paligo ang asawa at kasalukuyang pinupunasan ang basang buhok.Hindi niya alam kung paano siya titingin dito.
"Kaya mo bang mag shower?"
Narinig niyang tanong nito kaya napilitan siyang tumingin dito.Tumango naman siya.
Sinamantala niya ang pagbibihis nito at nagmamadaling tumakbo papunta ng banyo.
Bago siya nakapasok ay narinig niya pa ang mahinang tawa nito.Kahit medyo masakit ang katawan pakiramdam niya ay nakatungtong siya sa alapaap.Ganito pala kasarap ang maging ganap na babae,kahit na may nangyari na sa kanila noon ng kanyang asawa,ay mas feel niya ngayon.Iba ang pakiramdam ng may pagpapahalaga sa iyo,kahit hindi pa niya naririnig buhat dito ang salitang inaasam lahat ng babaeng nagmamahal.Ano pa ba naman ang hihilingin niya mula rito?magiging gahaman paba siya?.
"Ah ok na ito,dapat na siyang makuntento."
Pag labas niya ng banyo ay naroon ang kanyang mag ama na nagkukulitan sa ibabaw ng kama.
"Mommy'sabi ni daddy aalis daw po kayo mamaya?pwede po ba akong sumama?"
Masayang masaya at ang liwanag ng mukha ng kanyang anak ay walang pagsidlan."Bakit saan ba tayo pupunta?"
Nagtatanong ang kanyang matang dumako sa asawa."Well,gusto ko lang makita ang lahat ng pinagkakaabalahan mo ng nawala ako rito.
Hindi ko kasi masyadong nakita lahat.Alam mo na."Ang tinutukoy nito ay ang kanyang trabaho.Nang dumating kasi ito roon ay nagkainitan sila.
Lumapit siya sa anak at pagkatapos ay tumabi sa ibabaw ng kama.
Hinaplos niya ang ulo nito."Basta promise me huwag kang maglilikot uli doon ah?"
"Yess!"
Sabi nito na tuwang tuwang nagtatalon sa ibabaw ng kama.Mataman namang nakatingin sa kanya ang asawa.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na sila sa mga biyenan at umalis.
Pagdating nila roon ay inilibot niya ang kanyang mag ama at ipinakita sa asawa ang mga bagong disenyo ng mga sasakyan.Mukhang hindi naman ito makapaniwala sa mga nasaksihan.
Ulti mo kasi pagkukulay ng sasakyan ay kaya niyang gawin."You really amaze me,pwede mo bang iset up yung sakin?"
Sabi pa nito.
"How about exporting?pwede kitang tulungan.""Um,meron na Charles.Nung una ay tinulungan ako ni lolo,pero ng magtagal sila na ang lumapit sakin."
"Really?thats great!you are great."
Hindi ko masisisi si lolo kung bakit bilib na bilib siya sa iyo.Seryosong sabi nito.Napatingin siya rito.
"Mommy can i have that one?I want to ride that!"
Ang kanyang anak habang itinuturo ang isang maliit na motor."Ang tawag diyan anak ay mini choppers.Hindi laruan yan na katulad sa mga rides na sinasakyan mo.totoong motor yan."
Natatawang sabi niya rito."And i know that mommy! I want to have it plssss!"
Nakatingin ito sa ama."Huwag mong kunsintihin yan ha!"
Pag papaalala niya sa asawa,dahil nakikinikinita na niya ang na gusto rin nito iyon para sa anak."Bakit?yung iba nga diyan sinosoportahan ang mga anak nila kahit bata pa.Hindi mo ba alam iyon?sports for the kids?"
Pagkukumbinsi nito sa kanya."Basta! Huwag kayong makulet na mag ama."
Pinandilatan niya ito."Sorry son,mommy is the boss.And we have to follow orders from the boss ok?maybe when you grow up,kiddo!"
Pagpapaliwanag nito sa anak."Ok."
Because mommy is the boss and i love her very much.Ikaw daddy,how much do you love mommy?"
Bigla siyang natigilan.Saglit na tumigil ang pagtibok ng kanyang puso."Just,,,more than she'll ever know."
Saka nito kinarga ang anak.Siya naman ay parang nawala sa sarili na kaagad sumunod sa kanyang mag ama.
Nakasakay na sila sa kotse ay wala parin siya sa sarili.Parang sirang plaka na paulit ulit na nagpe play ang sinabi ni Charles kanina.
"More than she'll ever know."
"More than she'll ever know."
"More than she'll ever know.""Hehhhh!"
Napabulalas siya ng malakas at natuptop ang bibig."Hushhh!"
Magigising mo ang bata.Nagulat siya sa boses nito at ngayo'y nakatingin sa kanya.
"What is it?"
Biglang tanong nito."Ah,e,w-wala".
Tinuptop niya ang bibig at saka hinaplos ang natutulog na anak sa kandungan.Mabuti na lamang at biglang tumunog ang telepono nito at agad sinagot ang tawag sa pamamagitan ng earpiece.
Nakita niyang saglit itong natigilan at napasulyap sa kanya."Ok sabihin mo bukas nalang kami magkita."
Narinig niyang sagot nito sa kausap.
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomantikSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...