33:THE RETURN.

987 44 5
                                    

Pag angat niya ng kanyang tingin ay napangiti siya sa lalaki na ngayon ay inaabot sa kanya ang kulumpon ng pulang rosas.

"Hi Dave!"

"Happy Birthday Josa"

"Thank you Dave."

"Ready to go?"
Tanong naman nito na tinanguhan niya naman.

"Baka kanina pa naiinip si Jc boy."
Sinulyapan siya nito habang nag da drive.

"Naku sinabi mo pa.Kanina pa nga ako tinatawagan e."

At sinabayan nito ng tawa.

Mula ng iwan siya ni charles ay lagi na ito sa kanyang tabi.Hindi man ito nagsasalita ay alam niyang may pagtingin ang lalaki sa kanya.

Mabait naman ito at gwapo rin.Hinihintay na lamang niyang magtapat ito at hindi siya magdadalawang isip para rito.Alam niyang mahal siya nito at sapat na siguro ang limang taon na pag a alalaga nito sa kanilang mag ina upang suklian niya naman ang lahat ng 'yon.Sa ilang taon na ipinakita nitong pagmamahal  hindi lang sa kanya kundi sa kanyang anak ay aaminin niyang napukaw nito ang isang bahagi ng kanyang puso na sa palagay niya ay konting konti nalang at bibigay na.Ang itinanim nito roon ay kulang nalamang nang pagpapayaman at nararamdaman niya ang malapit na pagsibol ng kung ano sa kanyang dibdib.Unang una kasi'y hindi naman mahirap mahalin ang lalaki.Narito ang mga katangiang hinahanap niya noon pa,dangan nga lamang ay nahulog siya sa maling lalaki.

Pag uwi nila sa bahay ng mga Cross ay tahimik,nagkatinginan sila ni Dave bigla dahil narin sa iniwang nakaawang ang malaking pinto ng buong kabahayan.HIndi niya naiwasang kabahan.

Pag hakbang pa lamang nila ay nabigla siya sa mga sumabog na confetti sa kanyang mukha at ang mga tunog ng torotot kasabay ng pagbaba ng ibat ibang kulay na lobo sa sahig.

"Happy birthday!!!"

Sabay sabay na sabi ng kanyang buong pamilya kasabay ng paglapit sa kanya ng kanyang anak na may bitbit na kulay pulang lobo na may tatak ng kanyang mukha at sinalubong siya ng nguso nito.Tuwang tuwa siya sa mga ito.

" I love you mommy"

"I love you too baby"
Sabi niya sa kanyang anak.

"And I love you all guys!
Hindi parin kayo nabibigong sopresahin ako tuwing birthday ko."
Maluha luha niyang sabi sa mga ito.


"Si Mommy,lagi nalang nakakalimutan ang birthday niya!''

Pagpapa alala sa kanya ng kanyang anak.

Bigla siyang natigilan.Bakit nga ba taon taon nalang ay nakakalimutan niya ang kanyang kaarawan?Ngunit ano pa ang mas hihigit sa pagkakalimot niya sa kaarawan kung ganitong suportado naman siya ng mga minamahal.Hindi lamang iyon,ng buong pamilya,ng dalawang pamilya.Ano pa ang hahanapin niya?Nawalan nga siya ng asawa,isang malaking pamilya naman ang naiwan sa kanya.Naging pamilyar na ang ina at mga kapatid niya sa mga Cross mula ng iwan siya ng dating asawa.Natanggap na ng pamilya niya ang kanyang sinapit.Ang inaasahan niyang pagtatanim ng galit mula sa mga ito ay hindi nangyari.Ngunit hindi siya.Hindi niya masisi ang sarili kung siya ang tinubuan ng galit sa dibdib dahil sa pag aabandona ng magaling na lalaki sa pamilya para lamang sa sariling kapakanan nito.Para sa kanya'y isang malaking ''selfish'' si Charles.Kung siya nga'y nagsakripisyo nuon para sa pamilya kahititinapon niya noon ang dating sarili para lang sa ikaririwasa ng buhay ng kanyang pamilya,bakit ito'y hindi man lang nagawa ang ganoon?

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon