6:LINTA..

1.1K 45 4
                                    

Napaingos siya sa sinabi nito sa kanya.

"Eh para palang tanga to eh?baket muka ba akong kalabaw?o di kaya elepante?natural lalaki!
Pabulong bulong nya.

"You're saying something?...
Tanong nito sa ibinubulong nya.

"A wala sabi ko kung malapit na ba tayo?"

"Jude dito na tayo"
Sabay sabi nito sa driver na hindi man lang nag abalang sagutin ang tanong nya.

"Rude!..
Sabi nga sa kanta.
Mukhang ganoong klase ang lalaki ayon sa pakikitungo nito sa kanya.

Sabi na nga ba't sa palasyo sila pupunta eh.Kaya naman pala halos dalawang oras sila sa kalsada,dahil tila ba hindi alam ng lalaking ito kung paano kumain ng tuyo.

Narito ngayon sila sa isang sikat na hotel.
Halos magkandarapa siya sa kasusunod dito dahil tila laging kasali ito sa marathon.

Kayat ng makarating sila sa parang isang malaking kainan na puro mayayaman yata ang kumakain ay hingal kabayo siya at para siyang biglang nanliit sa hitsura nya.

Ipinahatak siya ng upuan na para yatang kamukha ng mga upuan sa isang kapitbahay nilang home owners sa kabilang kalsada na natatakpan ng kanilang bakod, minsang nag mekaniko siya ng sasakyan ng mga ito ay nakasilip siya sandali sa nakabukas na pinto.

Bukod kasi sa pag tatricycle ay marunong din syang mag mekaniko,na pinag aralan niya pa sa Tesda.At isa pay naramdaman niya ring hilig niya ito.

Maya maya may lumapit ng waiter at nakita niyang may ibinulong dito ang lalaki.Agad din namang umalis na at sumulyap sandali ang lalaki sa kanya.Ang body guard naman nito ay umupo sa kabilang table.
Habang ang lalaking katapat niya ay matamang nakatingin sa kanya habang hawak ang baba nitong tila nag iisip.

Maya maya pa ay dumating na ang mga tagkakapirasong pagkain na nakalagay sa platong puti.Hindi niya malaman kung pagkain ba talaga ito o puro lamang mga dekorasyon dahil magaganda ang pagkakalagay nito sa plato.

"Eat first"
Sabi nito sa kanya ng makitang parang nag aalangan pa siya.

Nang makita niya ulit itong nag angat ng noo ay pinagdadampot na niya kaagad ang kutsara't tinidor na sa sobrang bigat ng bawat kubyertos ay mangangawit ang mga daliri mo sa kakahawak.

Ang iba ay di na niya dinampot.Hindi niya kasi alam kung para saan ang mga ito.May maliit na mga kutsarita.At may nakita pa siyang mga kutsilyo at tinidor na dalawa ang pantusok.

Akala nya'y tapos na ang waiter na mag serve ng pagkain.Pero pagbalik nito ay may mga dala ng pang himagas.
May dala itong mga hiwa ng cake at iba pang mga salad na matatamis.

Kukutsarain niya sana ang cake ng makita niyang ginamitan ito ng lalaki ng tinidor na may dalawang tusok at sa pagka ilang ay ginaya niya nalang ang lalaki.Sa totoo lang ay bitin na bitin siya sa pagkain,masasarap naman lahat kahit ang iba'y kakaiba ang lasa.Tagkakaunti lang kasi at isa pa ay nahihiya siyang lumapangga ng marami lalo na at nakita niyang tamilmil ito kumain samantalang siya ay nakaapat na pinggan na yata na may ibat ibang kung ano ano ang laman na ngayon niya lang nakita at natikman.Maya maya ay nagsalita ito.

"Gusto kong malaman mo na ang lahat ng ito'y hindi ko kagustuhan at wala akong planong magpakasal sa iyo dahil unang una,una you're not my type and you irritate me just looking at you!"

Bigla niyang naibagsak ang hawak niyang tinidor habang nakangangang nakatingin dito.

"Anong sabi mo?"
Iritadong tanong niya rin dito.

"Like I've already said,,,,''

"Teka teka lang hindi ko yata maintindihan?pwede bang ipaliwanag mo sakin ng maayos kung ano yang mga sinasabi mo?
Sabi niya rito ng naguguluhan.

Sa haba ng salaysay nito ay unti unti nyang nalaman kung ano ang nangyayari.Iiling iling siya sa mga sinasabi nito.

Maya maya ay tinawag nito ang body guard at may kinuhang kung anong makapal na papel at ballpen at pagkatapos pirmahan ay iniabot sa kanya.Nakakunot naman niyang tinanggap ang kapirasong pahalang na papel na may kutob siyang tila isang cheke.

"Isang milyon,para makapagsimula kayo ng magulang mo at mga kapatid.Siguro naman ay sapat na yan upang magpakalayo layo ka at huwag ng magpakitang muli sa lugar na yon.!"

"Teka teka ano to?anong?sandali lang!"
Nalilito niyang tanong rito.

"Bakit kulang pa?"
Nakaismid na tanong nito sa kanya.
"Pareparehas talaga kayong mahihirap.Hanggat may masisilip na pagkakataon ay susunggab at susunggab!
"Leeches!!!Gguh ju"(get the hell out of my sight!)

"Hoy!wag mo kong pinagsasalitaan ng ganyan ha!Oy kung akala mo'y mga mukha kaming pera pwes ....(sabay punit sa cheke nito) heto,isangag mo at pagkatapos kainin mo at isaksak mo sa baga moooohhhhh!!!!!...''
Galit na galit niyang sabi pasigaw dito at walang pakeelam na sumibat paalis dahil nakita niya ang nanlilisik na mga mata nito.Natakot din siya kaya't halos magkandarapa siya sa pag alis.

Nasulyapan niya pa na pinagtinginan ito ng mga kumakain doon at  alam niyang may balak itong gumanti kaya inunahan na niya ito.Ano bakle?? Ang laki kaya nito!
Hindi siya duwag pero ang laging motto niya pag malaki ang kalaban at tila hindi siya uubra ay''hindi karuwagan ang umatras sa laban"...

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon