Habang nasa biyahe sila ay ganoon parin ito.Tahimik at walang kibo.Ganito naman ito palagi,tila malayo ang tinatakbo ng isip habang nakatingin sa labas ng bintana.
Iaangat niya sana ang kanang binti dahil kanina pa niya ito gustong gawin nang biglang lumingon ito sa gawi niya at ibinaba nito ang mga mata sa binti niyang paangat pa lang.Nang makita niyang masama ang tingin nito sa kanya ay dahan dahan siyang umayos ng pagkakaupo.
Ilang minuto pa'y huminto ang kanilang sinasakyan sa isang malawak na lupain na napapalibutan ng ibat ibang uri ng Orkidiyas.Natanaw nya ang babaeng nagwiwisik ng mga ito.Namataan nito ang pagdating nila aT sinalubong sila nito.
Nakita niyang humalik ang lalaki sa pisngi ng babaeng kahit na nasa katanghalian ang edad ay magaling pumustura.Parang nakita niya ng personal si Jean Garcia lalo na sa uri ng tingin nitong nakataas ang kilay sa kanya."Siya naba?"
Kasunod na tanong ng babae na sumulyap sa tabi niya."Yes tita"Narinig niyang sagot ng lalaki rito.
"Halikayo sa loob"
Pagpapatiuna ng babaeKung kaaya-aya sa labas ay mas lalo na ang sa loob ng malaking bahay.Dahil para siyang dinala sa isang lugar kung saan makikita mo sa loob ng kabahayan ang pagiging makakalikasan ng nakatira rito.
Ang mga upuan ay yari sa mga makikintab na upuan na mula sa mga pinutol na katawan ng puno,ganon din ang mahabang lamesa.Mula sa mga display at mga kagamitan.
Yun nga lamang,bakit nagputol ng maraming puno?
Hayyy's mga mayayaman nga naman."kumain muna tayo"
Narinig niyang paanyaya nito sa kanila
Nakita niya ang mga ibat ibang putahe na naroon sa hapag,ngunit karaniwan ay gulay.Ang inumin ay nahahaluan ng talutot ng bulaklak ng rosas.Sinimulan na nila ang pagkain dahil gutom narin siya.Habang kumakain sila ay nararamdaman niya ang mga tingin ng babae sa kanya.Tulad ng ina ni Charles ramdam niyang hindi siya gusto nito."Let start"
Matapos ng ilang sandali'y sabi nito na nakatingin lamang sa kanya.
At tumayo narin siya.Nag umpisa na sila sa sinasabi nito,wala siyang lakas na magtanong dahil unang una nahihiya siya o wala siyang karapatan.
Nalaman niya kung ano ang tinutukoy nito na pag aaralan niya.Buhat sa table etiquette na sinasabi nito,ang tamang pagkilos at pananalita.At katulad ng sinasabi ni Charles na "everything"ay ito ang nagturo sa kanya.
"FOCUSSSSSS!!!
Nagulantang siya sa boses ng babae kayat ang mga libro niya sa ulo ay nahulog sa lapag at lumikha ng ingay.
"We're not playing here lady !so I need your full attention".
Sabi nitong naniningkit ang mga mata sa kanya.Napapahiyang pinag pupulot niya ang mga nahulog na libro.Hanggang nakarinig siya ng bahagyang pagtawa ng sinundan niya kung saan nagmumula ay lalo siyang nainis.
Nakita niya ito mula sa dulo habang nakaupo sa isang kahoy na upuan at tumitipa sa laptop na nasa kandungan nito.Biglang gusto niyang ibato rito ang mga librong pinupulot nya.
"Come on!!!!"
Ang babae ulit habang sinabayan pa ng palakpak,kayat nagmamadali siyang tumayo.Akala niya'y wala ng katapusan ang pagtuturo nito.Nang matapos sila ay pagod na pagod siya.Pero aminin man niya sa hindi ay marami siyang natutunan rito.
Kailangan niya raw magpabalik balik rito upang matuto raw siya ng mga dapat niyang matutunan.
Ang pahirapan ang sarili.
Bago sila umalis ay kinausap siya nito sa di kalayuan kung saan siya nakaupo.
"Tell me the truth'what are you? Hinagod siya ng tingin nito.
Sasagot sana siya ng magsalita uli ito."Huwag ka ng magsalita!"
Bigla siyang napahiya.Siyempre pa! Isipin nalang nito na maliwanag pa sa sikat ng araw ang dahilan niya kung bakit siya pumayag.
"Isa lang ang gusto kong ipangako mo sa akin."
"Ano po yon?"
Kaagad niyang tanong rito."Ayokong kaladkarin mo sa kahihiyan ang pamangkin ko,ni ang pangalan niya!
Nagkakaintindihan ba tayo?!"Kasunod nito ang pagtango niya dahil sa laki ng mata nitong sinisindak siya.
Ito na nga ba ang sinasabi niya e,magiging tae siya rito.
Mainam pa nga yata na bumalik ka sa pagiging unggoy kesa sa maging etyas!
Anak ng boogie! Buset!.Napatingin siya bigla sa unggoy na tumitipa sa laptop.
Sa pagkapahiya niya sa tita nitong mala Belya Flores ang datingan ay parang gusto niyang ipakain rito ang laptop na gamit nito.
May araw din ito sa kanya,hindi araw araw pasko! May semana Santa rin!.Napabaling ang tingin niya sa tita nitong lumakad palayo.
Ano raw?wag kaladkarin ang pangalan ng unggoy sa kahihiyan?bakit ano ba ang nakakahiya sa kanya?
Mas nakakahiya nga ang unggoy'nagkakamot ng bayag!Nakikita niya lagi tuwing daraan siya sa bandang mayayaman na bahay ang dalawang magka tandem na unggoy at parot sa labas ng malaking bahay.
Sigawan ba naman siya ng panget daw siya?
Hindi na siya nakatiis isang araw ng sinigurado niyang walang nakatingin ay binato niya ang mga ito ng maliit na bato sabay sabi sa dalawang hayop."Bastos kayong hayup kayo!"
Aba sinagot ba naman siya ng..
"Inggit kalang! Inggit kalang! Wala kang bayag! Wala kang bayag!
Sabay tawa ng unggoy at inilabas pa ang dila.
"Abattt!!!"
May balak pa sana siyang muli itong pukulin sa inis niya ngunit biglang may lumabas sa garahe at nagmamadali na siyang umalis dahil baka matyempuhan pa siya sa binabalak niya.
Saka niya naisip,siguro'y bastos din ang may ari ng unggoy at parot?bakit hindi mo sasabihin?e saan nakuha ng mga ito napulot ang ganoong bisyo at salita?
Sabagay,heto nga ang isang unggoy,hindi lang bastos nakapag aral pa!
Nagmamadali siyang inalis ang tingin dito ng makita niyang iniligpit na nito ang laptop at tipong titingin sa gawi niya.
Nagpaalam na ito at siya sa babaeng masungit.
"Tandaan mo lahat ng ituturo niya sa iyo,ng hindi naman ako lumabas na kahiya hiya."
Sabi nito sa kanya ng patalikod.
Bwisit na buhay 'to! Nananahimik ako dati sa buhay ko,ngayon may pumasok na unggoy tiyak niyang mang uungoy sa araw araw niyang buhay!
"Anak ng boogie!
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...