l2:CELLOPANE

1K 42 4
                                    

Kinaumagahan ay nagising siya sa malakas na tunog ng cellphone niya na nakalagay sa tabi.
Sino naman kaya ang bwisit sa umaga niya?Tinignan niya ang kanyang pambisig na relos at nakita niya ang oras.Alas singko palang pala ng madaling araw.

Tinignan niya ang screen ng cellphone at nakita nakalagay doon ang pagkakakilanlan ng tumatawag.Kung saan nakalagay ang salitang BWISIT.Gusto n'yang matawa sa sarili,para siyang bata paminsan minsan.
Sinagot niya ang makulit na tumatawag base sa ilang missed calls nito.

Kailangan daw niyang sumama rito mamaya.Pwes maghintay ito sa wala.Mamumuti ang mga mata nito subalit hindi siya makikipagkita.

Pinipilit niyang matulog ngunit di na siya dalawin ng antok kaya nagpasya siyang bumangon at magkape kasabay ang pagkain ng tinapay dahil di siya sanay kumain ng kanin sa umaga.

Saglit lang lumipas ang oras at narito na siya papasok sa silid ng kanyang ina sa ospital.
Pagpasok niya ay nabungaran na niya ang dalawa niyang kapatid na nagkukwentuhan habang kumakain sa dulo kung saan naroon ang malaking sofa at lamesa para sa bisita.

Halos magkapanabay na bumati ang kanyang ina at mga kapatid sa pagdating niya.

"Kamusta napo ang pakiramdam ninyo nay?"
Tanong niya rito at hinalikan ito sa noo.

"Naku anak ayos na ayos na.Baka bukas nga raw ay makalabas nako,hinihintay na lamang ang resulta ng huling test sa akin sabi ng doctor."
Sabi ng kanyang ina na nasisiyahan.

"Mainam naman po pala nay,sana tuloy tuloy na yan."
Nakangiti niyang sabi rito.

"Minsan iniisip ko anak na dumating na ang hinihintay nating swerte sa pamamagitan mo.Yun nga lang magsasakripisyo ka anak".

Malungkot na sabi nito sa kanya.

"Huwag nyong alalahanin 'yon nay, ako na ang bahala roon.Ang intindihin niyo ay ang sarili niyo,akong bahala sa sarili ko."
Sabi niya rito upang huwag mag alala ito.

Nagpaalam narin ang kanyang mga kapatid dahil may pasok pa ang mga ito.Tumango naman siya.
Kasunod ng pagkatok ng kung sino sa labas.Pumasok ang lalaking kinabubwisitan niya.

"Magandang umaga po aling Panyang!"
Sabi nito sa kanyang ina,na ikinagulat niya.Marunong din palang gumalang ang gunggong paminsan minsan.

"Ikaw pala iho!halika dito ka"
Tuwang tuwa naman ang kanyang ina sa pagdating ng lalaki.

"Mukhang napadalaw ka iho?"
Tanong ng kanyang ina rito.

"A oho aling Panyang.Ipagpapaalam ko po sana si Josa na kung maari'y isasama ko po siya ngayon."

"Hindi siguro ako makakasama,nakita mo naman na walang bantay ang nanay?"
Pagtutol niya sa gustong mangyari nito.

"Oy bata ka!Sumama kana kay Charles at nakakahiya!huwag mo na akong alalahanin at malakas pa ako sa kalabaw.Diba't sabi naman ng doctor ay ayos na ako?Isa pa,ang dami dami ng personal nurse na itinalaga sa akin ng lolo ni Charles.Hige at isama mo na yan anak."
Mahabang letanya nanaman nito sa kanya.

"Salamat po aling Panyang,importante lang talaga.Huwag kang mag alala Josa,may kasama ko sa labas na iiwan ko rito upang siyang mag intindi ng lahat ng pangangailangan ng inay mo."

Napaismid siya ng palihim sa mga sinabi nito.Halata namang pakitang tao lang.

"Papano po aling Panyang mauna napo kami!."
Si Charles na ipinapaalam siya.

"Abay oo naman anak,siya nga pala,inay nalamang iho.Ilang panahon nalamang naman ay magpapakasal na kayo ng Josa ko hindi ba anak?"
Pag papaalala nito kay Charles.

"Opo Inay."

Napaubo siya sa sinabi ng ina at muntik na siyang nabilaukan sa sinabi ng lalaki.

Ang kapatid naman ay napapangisi ng lihim at kahit pa kasama niya ang lalaki'y lihim niyang nilapitan ito at kinurot.

"Arayyy,kuya!este ate pala!."

"Ano ba iyan Josa!hindi ba kayo nahihiya kay Charles?Tumigil na nga kayo diyan!Kundi'y ako ang kukurot sa mga singit n'yo diyan."

"Tuloy napo kami Inay"

Singit ni Charles na kahit nakangiti ng bahagya ay nahahalata niyang naiinip na.

"Ay,hala't sige na mga anak at lakad na! Josa sumama kana!."

Nakanguso naman siyang sumunod narin sa lalaki.

Paglabas nila ay lakad takbo nanaman siya pasunod rito.

Ano kaya kung iwan niya ito?kaso napasubo na siya at mukhang asang asa na ang kanyang ina sa swerte niya.

"Pwede ba,magdahan dahan ka naman sa paglakad?Aba kung ang kabayo nga nagpapahinga kapag pagod na,ako pa kayang tao?"

Hindi siya nakatiis na sabihin rito ng makahabol siya at pumwesto sa harap nito sabay pamewang.

"If you'll act like a woman maybe."

"Aba't!"
Sabi niya rito ng nagpatuloy ulit ito sa paglakad ng mabilis.

"Hoy! Bakit ano ba sa palagay mo ang tingin mo sak--?"

Bigla siyang natigilan sa sasabihin niya at pagtingin niya rito ay tila naaaliw sa nadulas niyang dila.

Nang iinsultong nakatunghay ito ngayon sa mukha niya na sinabayan nito ng kunot ng noo.

Nawalan siya ng sasabihin bigla.Bakit ba siya magsasalita e siya ang lalabas na talo.
Wala na naman siyang nagawa kundi ang humabol rito.
Sa pagmamadali niya ay natapilok siya at napasubasob sa sementadong sahig una ang siko na ipinangtukod niya.

Iyong dapa niya na iyon ay biglang upo niya kaagad ng alam niyang lilingunin siya nito.
Pinagpag niya ang kanyang sikong nasugatan at alumpihit na nagpilit na tumayo ngunit gaya ng nasaktang siko ay ganoon din ang naipit na ugat sa kanyang bukongbukong na pumipigil ngayon sa pagtangka niyang tumayo.Napapikit siya sa sakit.

Humalukipkip ito at tila pinanonood siya sa pagpipilit niyang tumayo.
Mataman siyang pinanood nito sa makailang ulit na parang tanga siyang hindi man lang tinulungan nito.

"On the count of three,if you can't get up right there,I'm gonna kiss you!"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.Dinig na dinig niya iyon at hindi siya pwedeng magkamali.
Lumingon lingon siya at wala siyang nakitang tao sa banda roon.Malapit na kasi sila sa mga parkingan ng mga kotse sa likod ng Ospital.

Nang lumapit ito dahan dahan sa kinaroroonan niya ay himalang nakatayo siya kaagad at nakahinga siya ng maluwag ngunit ng ihahakbang na niya ang kanyang isang paa ay naramdaman niyang mapapasama na ang bagsak niya.
Napapikit siya at hinintay na muling lumagapak sa sementadong sahig ngunit sa pagtataka niya ay sa hindi katigasang bagay siya bumagsak at tila umangat siya.

Nagulat siya sa pagmulat ng kanyang mga mata ng makita niya ang nakasibangot na hitsura ng lalaking buhat buhat siya ngayon.

Mula ng magtagpo sila nito ay ngayon lang walang nagsalita sa kanilang dalawa.

May konsensiya rin pala ang hudas kahit papano!.

At mula sa pinto ng kotse ay initsa siya nito sa likuran...


CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon