36:SELFISH

1K 41 7
                                    

Nasa trabaho siya at kasulukuyang nagpapahinga.
Ilang minuto lamang ay dumating si Dave na may dalang mapupulang rosas.

"Hi!"
Bati ng lalaki habang nakangiti sa kanya.

"Oh hi."
Inabot niya ang dala nito.

"Thank you dito ha."
Kasabay ng pag samyo niya sa mga rosas na dala nito.

"Kamusta ang trabaho?"
Pagdaka'y tanong nito sa kanya.

"Heto ok naman,pero aaminin kong hindi madali,pero enjoy naman kahit papano."
Sabi niya rito.

"Ikaw naman kasi masyado kang masipag.
Meron ka namang mga tauhan na pwede mong pagkatiwalaan.Baka naman magkasakit ka niyan."
Sa nag aalalang tinig nito.

Nginitian niya lang ito.

"Kumusta naman sa bahay? I mean si Charles?
Um...sorry to ask."

"Ok lang,kaya ko naman eh.Huwag mo akong alalahanin,nariyan naman sina lolo at mommy."
Sagot niya.

"Pwede ba kitang ihatid mamaya?"
Hinging permiso nito sa kanya.

"Oo naman."
Ngiting ngiti ito sa sinabi niya.

Pagkatapos nilang makapag usap sandali ay nagpaalam narin ito sa kanya.
Kung tutuusi'y may sinabi rin naman ang pamilya ng lalaki.
Nagmula rin ito sa mayamang angkan na kilala sa pag eexport ng mga mamahaling uri ng mga ilaw.

Mayamaya'y may kumatok na naman sa pinto at pagkatapos ay narinig niyang bumukas ito.

"O,may nakalimut.-"
Hindi na niya nasundan ang kanyang sasabihin nang sa
pag angat niya ng tingin ay hindi ang lalaki ang nakita niya.Bumungad sa kanya ang isang taong gusto niyang iwasang makita.

"Bakit narito ka?"
Tanong niya sa bagong dating na lalaki.iniiwasan niyang mapasinghap dahil kumalat na naman ang amoy nito sa buong opisina niya.

Parang walang narinig ito na lumakad lakad at iniikot ang paningin sa kanyang opisina.

"Nice."
Sumulyap ito sa kanya.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.Anong kailangan mo?"
Tanong niya rito.Hanggat maaari'y ayaw niya sanang nakakapagsolo sila ng ganito,dahil baka makahalata itong naiilang siya tuwing nasa paligid ang lalaki.

"Why?Masama bang puntahan ka rito?''
Naka taas ang noo nitong tanong sa kanya.

"Hindi naman,kaya lamang ay masyado akong maraming ginagawa kaya hindi kita maeentertain."

"Is that so?If thats the case,bakit si Dave ok lang?"
Nakakunot ang noong tanong nito sa kanya.
Habang nilapitan siya nito sa kanyang desk at dinukwang siya.

"Siguro naman ay wala akong dapat na ipaliwanag sayo.At siguro'y wala ka naman ding karapatang magtanong."
Sa mababa niyang boses,dahil parang nahihirapan siyang huminga sa pagkakalapit ng mukha nito sa kanya.

"Bakit,nakafirst base naba siya?."

Namula siya sa sinabi nito.Kayat hindi siya nagdalawang isip na sampalin ang lalaki.Ngunit mabilis ang reflexes nito at ang utak dahil nahawakan kagad nito ang kanan niyang kamay bago pa man dumapo sa makinis nitong mukha.

"Tsk!tsk!tsk! 'Yan ang huwag na huwag mong gagawin dahil baka hindi mo magustuhan ang kasunod na mangyayari."
Ngiting nakakaloko ang natanggap niya mula rito.

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon