40:JUST LIKE THE OLD TIMES

1.1K 43 3
                                    

Parang panaginip nanaman ang lahat nuong una ay masamang panaginip,ngunit ngayon ay hindi niya alam kung ano naman ang tawag rito.
Tulad ng inaasahan ay magarbong magarbo ang kasal.Kahit alam niyang may mga taong hindi pabor sa pagkuha niya kay Yvette bilang brides maid ay wala na siyang pakielam.
Ang mahalaga'y wala itong alam sa tunay na nangyayari.Mabuti narin iyon upang hindi ito magdamdam.

Isa sa mga naging masaya ay ang kanyang nanay at dalawa niyang kapatid.Gaya ni Yvette ay wala ring alam ang mga ito na muntik na siyang mademanda.
Ang kanyang anak ay lagi nilang kasama sa picture taking lalo na at ito ang kanilang ring bearer.Ayaw nitong paawat sa pagpapakuha ng pictures.Ang mga lolo at lola ay aliw na aliw naman rito.

Marami na rin silang natanggap na regalo,lalo na sa mga tao niya na masayang masaya ngayon para sa kanya,pasalamat din sa Diyos dahil maayos ang takbo ng negosyong kanyang pinaghirapan.
Ang tita Minerva ay panay ang kindat sa kanya.Nanunudyo ang mga mata.Pilit naman niya itong nginingitian.
Si Charles ay naka Poker face.Hindi mo malaman ang nasasaloob ng lalaki.Minsan kasi'y nakangiti ito minsan ay seryoso ang mukhang titingin sa kanya.

Hindi niya na nabilang ang mga kapalastikang pinag gagagawa niya.Alalang alala siya kung ano ang kahihinatnan nitong gulong pinasok niya na matagal ng nagsimula.
Dapat nuon pa man ay umatras na siya.Subalit paano naman ang cute na cute niyang anak
na ngayo'y nasa bisig ng asawa.Kay gandang pagmasdan ng mag ama niya.

"Iakyat mo na ang bata magpalit ka na muna ng damit.Ako nalang muna ang bahala sa mga bisita."
Ang kanyang asawa habang pinapasa sa kanya ang anak na tulog na tulog at halatang pagod.

Tumango na lamang siya.

Nang naipasok na niya sa kwarto ang anak ay siya naman ang nagpalit ng casual dress.Tinapunan niya saglit ng sulyap ang kanyang damit pangkasal na ngayo'y nasa ibabaw ng kama.
Napakaganda ng kanyang trahe.
Nang sinulyapan niya ang kanyang sarili sa salamin ay nakita niya ang isang babaeng napakaganda.Ang layo na talaga ng kanyang pinagbago.Babaeng babae na siya,sa kilos at pananalita, na ayaw paniwalaan ni Charles.

Mayroong isang bagay na pilit sumisiksik sa kanyang isipan at pilit niyang isinasa isang tabi.
Kung ano iyon ay nasa kanyang mga balahibo ang sagot.

"Are you ready?"

Nagulat siya sa boses ng lalaki na ngayo'y nagbukas ng pinto.

"Ha?"
Pinagpawisan siya ng malamig.

"Ang sabi ko halika na at bumaba dahil nagpapaalam na ang ibang mga bisita."

Saka niya lamang nakuha ang ibig nitong sabihin.

Mabuti na lang at nauna itong bumaba ng sinabi niyang magreretouch muna siya saglit,kung hindi'y baka makahalata pa ito sa nangyayari sa kanya ngayon.

Habang nagpapaaalam ang mga bisita'y kumakabog ang dibdib niya.
Parang naulit nanito noon.

Sa wakas ay natapos na ang lahat.
Ano na ang susunod?Nauna na siyang umakyat at naligo.Habang nasa loob siya ng banyo ay nakakaramdam siya ng kaba.May mga paruparo na nagliliparan sa kanyang tiyan.
Parang napakahaba ng oras ngayon.Sinabon niya maigi ang buong katawan at matagal na nagbabad.

Pagkatapos niya ay nakita niya ang asawa na naghuhubad at mukhang maliligo narin.Nagkatinginan sila at siya ang unang nag iwas ng tingin.
Pumasok na ito sa banyo siya naman ay nagpatuyo ng buhok.Nagsuot narin siya ng pantulog.Siyempre pa ay ang kanyang ternong panjama na kinaugalian na niyang ipantulog.

Nasulyapan niya ang kanilang regalo na nakatambak sa malapit sa pinto.Sa kawalan ng magagawa ay nilapitan niya ito at sinimulang buksan.
Sinadya niyang hanapin ang regalo ni Tita Minerva.At ng makita'y kaagad niya itong binuksan.

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon