28: DESIRE

1K 42 4
                                    

Nagising siyang masakit ang buong katawan na para siyang binugbog na di niya mawari.
Dahan dahan siyang nagmulat ng mga mata.Naramdaman niyang hubad siyang nakadapa sa kama.

Kasabay ng maliit na liwanag na sumisilip sa kurtinang bahagyang nakaawang sa isang malaking bintana,ang unti unting pagbalik ng alaala niya kagabi.
Kasunod ng isang katawan  ng lalaking nakatapi ng twalya na humarang sa maliit na liwanag.

"You're awake."

Dahan dahan siyang bumangon at napahawak sa kumot na bumabalot sa buo niyang katawan.

"Anong ginawa mo sakin?"
Maluha luha niyang sabi rito ng may pagdaramdam.

"Im very sorry."
Hindi rin nito alam ang sasabihin sa kanya.

"Ganon lang? Matapos ng ginawa mo sakin,ganon lang?"
Nanunumbat ang kanyang mga tingin rito.

Napalayo siya sa biglang paglapit nito sa kanya.

"Huwag mo akong hawakan!"
Ng magtangka itong haplusin siya.

Sa galit niya'y pinagsusuntok niya ito kahit saan tamaan at tinanggap naman lahat yon ng lalaki.
Nang mapagod ay nanghina siya ng kaiiyak at niyakap naman siya nito ng mahigpit kahit ayaw niya.

"Hussh,Im very sorry.Hindi ko sinasadya."
Napapitlag siya ng halikan siya nito sa noo.

Ilang minuto silang ganoon ang ayos.Nang maramdaman ng lalaki na medyo kumalma na siya ay nagsalita itong muli.

"Kumain kana.Nagpaakyat ako ng pagkain upang huwag ka ng bumaba."

Lumayo ito at inabot sa kanya ang bagong kuhang mga damit.At lumapit sa kanya na may dalang palangganang may tubig na siya ring pinaglagyan niya ng pampunas rito .
Nagulat siya ng bigla siyang punasan nito.

"Ako na."
Sabi niya rito.

"No let me."
Pagpipilit nito.

Hawak parin niya ng mahigpit ang kumot niya.

"Paano kita mapupunasan niyan?
Ngayon ka paba mahihiya,nakita ko ng lahat yan?."

Iningusan niya lang ito at pagkatapos ay inagaw niya parin dito ang pamunas.
Tumayo narin siya at nagpunta sa banyo para makapagbihis.

Nag magbibihis na siya ay nakita niya ang ilang mga pasa sa kanyang mga braso at hita.Ang iba naman ay bahagyang namumula lalo na ang bandang dibdib at puson.
Pilit man niyang balikan ang nangyari kagabi ngunit wala talaga siyang maalala.Magsisi man siya ngunit huli na.Hindi na niya maibabalik kung ano ang mga nangyari.Ganoon lang ba iyon?Paano na siya?Kahit pa walang halaga iyon sa kanya ngunit kahihiyan ang nararamdaman niya,pakiramdam niya'y naisahan siya nv walang kalabanlaban.

Ang kanyang kaliwang singit naman ay may mga natuyong dugo.Masakit din ang bahaging 'yon ng kanyang pagkababae.
Hindi niya napigilan uli ang kanyang pagluha dahil sa nangyaring ito sa kanya,na hindi niya matanggap.

Paglabas niya ay wala na roon ang lalaki, nagkaroon siya ng pagkakataong hamigin ang sarili.Napasulyap siya sa mga kumot na na may bahid ng mga dugo.Nagmamadali siyang tinanggal ang lahat ng 'yon.

Maya maya pa'y naramdaman niya ang pagkulo ng kanyang tiyan.Nagpasiya siya na kumain na.
Hindi tuloy siya makapag isip ng matino dahil sa nangyari.Ano ganoon na lang iyon?

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon