Ilang araw na lamang ay ikakasal na siya,siyempre pa'y narito siya ngayon sa kandungan ng isa niyang chikas.Ilang araw narin siyang nagpapa ikot ikot sa mga ito.Nagpaalam rin siya na medyo magla lie low muna siya dahil magbabakasyon kuno siya sa probinsiya nila sa davao.Siyempre pa nagsasamahan ang mga ito,ngunit gumamit siya ng mga mabibigat na dahilan upang makumbinsi niya lahat.
Narito silang dalawa ngayon ni Betty sa isang maingay na bar.Inukopa niya ang isang lamesa,marami rin siyang inorder na alak.Sa ngayon ay hindi na niya problema ang pera dahil gaya ng napagkasunduan nila ni Charles ay may sarili siyang savings kayat tuwang tuwa ang babes niya dahil sabi nga e,"sky is the limit daw."
Libang na libang siya sa mga bandang tumutugtog habang naka akbay sa chiks niya.
Hanggang sa hinalikan siya nito na tinugon naman niya.
Habang nakikipaghalikan siya rito'y bigla siyang nag angat ng paningin dahil pakiramdam niya ay may taong nagmamasid sa kanya.Inilibot niya ang paningin,subalit wala siyang makita.Medyo madilim ang bahaging yon na kinalalagyan nila.
Binalewala niya ang pakiramdam na yon dahil sigurado naman siyang walang makakakilala sa kanya ngayon dahil lalaking lalaki siya ngayong gabi.Malalim na ang gabi ng magdesisyon siyang umuwi.Una niyang hinatid ang ang babae gamit ang kanyang hulugang motor.Kahit may pera na siya ngayon ayaw niya paring gumasta ng gumasta ng sa tingin niya'y hindi naman importante.
Bago siya umuwi ay naisipan niya munang dumaan sa isang mataas na lugar kung saan tanaw ang malaking syudad. Huminto siya roon at lumapit sa pinaka dulo ng bangin.
Nakita niya ang ibat ibang kulay ng mga ilaw at ang mabining hangin na siyang yumayakap sa kanyang kabuuan.
Sabay nagpakawala ng malakas na sigawAhhhhhhhhhh!!!!
Pinakawalan niya ang bigat na kanyang nadarama buhat ng mangyari ito sa kanya.
Kahit anong gawin at isipin niya ay nahihirapan parin siya.Napabuntong hininga siya ng malalim.
Hindi lang niya masabi sa kanyang ina na talagang nahihirapan na siya,ngunit mamamatay na muna siya bago nito malaman kung ano ang nararamdaman niya.Mahal na mahal niya ang kanyang ina at mga kapatid.Pagkatapos ng ilang minuto ay umuwi narin siya.
Ang ina niya parin ang nagbukas sa kanya ng pinto,kahit na alanganin na ang oras ng kanyang pag uwi."O anak?late ka nanaman umuwi?baka naman dahil sa nalalapit mong kasal ha!
Hindi ba't sinabi ko naman sa iyo na umurong kana hanggat maaga pa?."
Sabi ng kanyang nag aalalang ina."Nay ok lang po ako,hindi bat sabi ko naman na huwag nyo kong alalahanin!Ang isipin nyo ay ang sarili nyo at ang magiging kinabukasan ng mga kapatid ko."
Nginitian nya ito."Baka kung ano na yan Josa ha!"
Habang sinusuri siya nitong maige kung talagang nagsasabi siya ng totoo."Ano naman po ang ipag aalala ko?e malinaw ang usapan namin ni Charles na malaya ang bawat isa,basta kailangan lang ibayong pag iingat"
Pag lilitanya niya sa kanyang ina."Huhh ! o e,hanggang kailan kayo magtatago at maglolokohan?Ako ang higit na kinakabahan sa gusto ninyong gawin.Baka naman bandang huli'y ikaw ang matatalo diyan ha anak?"
"Inay,saan naman po ako matatalo?E hindi bat sila ang maituturing na talo dahil sa kanila mang gagaling ang lahat nating kailangan?"
Sabi niya ritong nagpapaliwanag."Hindi ko alam Josa!
Hindi ko alam kung bakit ako ang kinakabahan sa gagawin mo"
Sabi nitong iiling iling."Relax lang mommy! Relax!"
Sabi niya rito at sabay yakap sa ina."He! Momyhin mo 'yang mukha mo!"
Ingos nito sa kanya,ngunit
alam naman niyang nakangiti ito.Pag higa niya'y maraming nag sasalimbayan sa isip niya,unang una na ang lalaking makakasama niya,at wala pa silang napag uusapan kung hanggang kailan sila mag papanggap.
Tulad ng sinabi ng kanyang ina,hanggang kailan?Tumayo siya at tinignan ang sarili sa salamin.
Magandang lalaki talaga siya kung ikukumpara sa iba.Nasa hitsura niya na malaki na talaga ang nagawa ng pera.Pati ang suot niyang sapatos ay mamahalin narin.
Hindi kagaya ng suot niyang converse na bagamat orihinal nga ay sa ukay ukay naman galing.
Nakasuot rin siya ng mamahaling relo at ilang mga bracelet na nakasabit sa kanyang kamay.
Inilibot niya ang paningin sa malaking silid na punong puno na ngayon ng ibat ibang klase at kulay na mga sumbrelo,ibat ibang uri ng sapatos na galing lahat sa credit card na ibinigay sa kanya ni Charles.
Sa ibabaw ng mga estante ay mga pabango.Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nagkaroon ng mga ganito.Minsan tuloy ay iniisip niya na kung ito'y masamang panaginip sana'y huwag na muna siyang magising.
Lumapit siya sa maliit na mga bagay na iyon na nakapatong sa side table niya.
Isang pirasong mamahaling clip,isang pares na hikaw at isang hairband.Dinampot niya ang mga ito at masuring tinignan isa isa.Napailing siya.
Akala niya'y sa pelikula lang nagkakaroon ng dalawang pag ganap sa iisang katawan.
Heto ngayon siya,nagpapanggap.
At sa dinami dami ng gagampanan ay iyong hindi pa niya matatanggap.
Hinubad niya ang sombrerong suot at ipinalit ang hairband sa ngayon ay humahaba na niyang buhok.Isinuot ang hikaw at hinubad ang mga bracelet sa kamay at tumingin sa salamin.Ang nakita niya ay isang magandang babae.Hindi lang maganda,magandang maganda!
Umawra awra siya ng konti at ngumiti ng bahagya.Kaya niya ba?...
Kaya niya bang mag mukhang bakla?
Sabay dali daling hinubad ang mga suot at inihagis sa kung saan.
Siyet!Parang tanga lang!
Sabay kuskos sa mga balahibong nagtayuan at ibinagsak sa kama ang katawan.
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...