15:AKWARD

1K 47 2
                                    

Matapos ang nagdaang gabi ay sariwa parin sa kanyang isipan ang nangyari.Tuwang tuwa sa kanya ang abuelo Kentin at tulad ng ipinahayag nito sa nalalapit na pagpapakasal nila ng lalaki'y habang papalapit ang nasabing kasal ay lalo namang sumisikip ang mundo para sa kanya.Lagi siyang balisa at wala sa sarili, katulad ngayon.

''Ano ba babe! mukhang kanina ka pa walang kibo ah?"

Sabi ni Yvette ng hindi siya nakakatugon sa mga halik nito.Kagaya ng naipangako niyang ipapasyal ang babae'y, narito ngayon sila sa Victoria Court kung saan medyo malayo sa kanilang lugar.Mahirap na at baka may makakilala sa kanya.

Hangang ngayon kasi ay hindi niya makalimutan ang halik na iginawad sa kanya ni Charles noong gabing yon.Naaalibadbaran siya kapag may humahalik sa kanya,pakiramdam niya ay labi parin yon ng lalaki.Papano'y para rin kasing labi ng babae ang sa lalaki dahil sa lambot nito.Pagkatapos ng isiping 'yon ay agad siyang napatakbo papunta sa banyo at duon nagduduwal.

''Ano ba talagang nangyayari sa iyo Babe?paglingon niyay nakatayo sa pinto ang isa sa kanyang nobya na may pagtataka sa mukha.

''Ok lang ako Babe ,medyo may nakain lang akong hindi nagustuhan ng sikmura ko.''Aniyang sabi sa babae upang matahimik na ito.Hindi rin sila nagtagal ng babae dahil nawalan siya bigla ng gana.Dati rati'y hindi niya pinalalagpas ang ganitong pagkakataon.Nakasibangot naman ang babae ng lumabas sila mula sa lugar na 'yon.

''Hayaan mo Babe babawi nalang ako sa ibang pagkakataon''Pampalubag loob na sabi niya rito at bago sila naghiwalay ay hinalikan niya ito sa noo na ikinapagtaka nito ngunit ikinangiti rin.


Ano ba itong nangyayari sa kanya?masyado siyang naaapektuhan sa mga bagay na wala namang halaga.Pati tuloy ang sarili niyang buhay ay apektado narin.
Handa ba talaga siya sa lahat ng ito?kaya ba niyang panindigan ang buhay may asawa,kung sa bawat sandaling lumilipas ay katumbas ng unti unti niyang pagtalikod sa tunay na siya?

O e,bakit mukhang nagsisisi kana ngayon?kala ko ba ay handa kang magsakripisyo alang alang sa mga mahal mo?

Tama!kaya niya ito! Kakayanin niya alang alang sa nanay at mga kapatid niya.Ano ba naman iyong magpanggap lang siya sa mahabang panahon?hindi ba't maliwanag naman na sinabi ni Charles na may hangganan din ang lahat ng ito?mapadito lang ang lahat ng kayamanang ninanais nito?

Gamit ang motor niya ay pinaarangkada niya ito at pinatakbo ng mabilis na mabilis upang sa lakas ng dapyo ng hanging malamig ay madala man lang nito ang lahat niyang mga isipin.
Sinigurado niyang hindi siya makikilala ng kahit na sino sa suot niyang jacket na itim at  helmet ding itim.
Tulad ng sinabi ng tita ni Charles at ng lalaki na wag siyang magkakamaling kaladkarin ang mga ito sa kahihiyan kaya nag iingat siya ng sobra...


.....

Kinaumagahan ay bunganga nanaman ng kanyang ina na tumatawag sa kanyang pangalan ang bumati sa kanya habang nasa kasarapan siya ng tulog.Paano ba naman ay hindi siya pinatutulog ng isiping iyon dalawang gabi na ang magkasunod na lumipas kaya ngayon pa lamang siya nakakuha ng tulog kung kelan malapit na kaninang sumikat ang araw bago siya pumikit.Ngayon ay ginising naman kagad siya ng ina.

''Bakit nanaman po Inay?''Kakamot kamot siya sa ulo ng pinagbuksan ito.

''Oy Jojo! abay alas onse na ng umaga'y nakahilata ka pa?isang oras na lang ay tanghali na bumangon ka na diyan at may bisita ka!''

''Ang inay naman hanggang ngayon ay para paring trompa ang bunganga'Nayyy mayaman na tayo ho! konting pakitang tao naman sa mga kapitbahay at baka may nakakarinig sa inyo nakakahiya''.Pahabol niya rito ng tatalikod na ito.

''Aba, aba!Diyaskeng bata ito! o, e bat hindi ka parin nagbabago?tanghali ka parin magising?Abay ano na lamang ang sasabihin ng aking balae kapag ganyan ka?ikaw ang dapat mahiya JOSA!''Sabay batok sa kanya.

''Ang inay naman!.Kakamot kamot niyang sabi rito.Jojo po nay Jojo!''

''Jojo- in mo 'yang mukha mo!Sabi ng kanyang ina na tila nang aasar habang papalayo.

Ito ang gusto niya sa kanyang ina.Para lamang silang magkapatid kung magturingan.hindi niya napigilang ngumiti dahil narin sa bukod sa masigla ng muli ito ay magaling na sa tulong ng salapi ng mga Cross.Iba talaga ang nagagawa ng salapi napapabilis ang lahat ng mga bagay.

Pagbaba niya buhat sa itaas ay nagulat pa siya ng makita nyang ang bisita palang sinasabi ng kanyang inay ay ang lalaking siyang dahilan ng pagkawala ng kanyang gana nitong mga huling araw.Prenteng nakaupo ito at magkapatong ang binting hawak ang babang nakatingin sa kanya.napasibangot siya lalo nat ito lang pala ang magiging dahilan ng pagkabitin ng kanyang tulog.

''Ano ang kailangan mo't mukhang naligaw ka yata?Sabi niya ritong walang kagana gana.

''Baka nakakalimutan mong pinasusundo ka ni Lolo!"Seryosong sabi nito sa kanya.

Bigla nya tuloy naalala na pinapupunta nga pala siya nito dahil may pag uusapan daw silang importante.Ngayon lamang niya naalala.''Sandali lang at magbibihis lang ako.''Sabi niya rito ng walang kagana gana.

Nagsuot lang siya ng puting tshirt at pantalong maong na kulay dark blue.nagpulbos lamang siya at bababa na sana ng maisipan niyang isuot ang black headband na may mga batong puti na nagsisilbing palamuti rito.Ayaw niya sana, kaya lang nagaalala siya baka magtaka nanaman ang matanda.

Pagbaba niya ng hagdan ay may narinig siyang tawang pinigil na pumutok.Napasibangot siya ng makita niyang sabay sabay na iniihit ng tawa ng kanyang dalawang kapatid at ina ng makita ang kanyang hitsura.Napasibangot siya.Ang aga'y sinira nitong lahat ang araw niya.Mabuti na lamang at parang walang pakielam si Charles na seryoso lang ang mukhang nakatunghay sa kanya.

Mabuti naman at wala siyang nakitang reaksiyon mula rito kung hindi'y ihahagis niya ang headband na suot.
Malalaki na naman ang hakbang na sinundan niya ito ng nakapag paalam na sa ina't mga kapatid.

Pagkaupong pagkaupo niya sa loob ng kotse ay may iniabot itong maliit na kahon sa kanya.Nagtaka siya at nagtatanong ang mga matang hindi kaagad niya ito kinuha.

"Ano ba?nangangawit na mga daliri ko! Kunin mo na!"

Nakasimangot niyang kinuha iyon at binuksan.

Nakita niya ang isang pares na gintong hikaw na kasing liit ng butil ng munggo ang batong puti sa ibabaw niyon na nagingintab.
Kahit hindi niya itanong rito ay sigurado niyang diyamante iyon dahil sa kakaibang kinang na nanggagaling mula roon.
Kahit siya ay nagandahan sa hikaw.
Ano kaya kung ibigay niya iyon kay Yvette?siguradong tulad niya ay tiyak niyang matutuwa ang babae.

"Huwag mong ibibigay sa iba iyan! Isuot mo ng hindi ganyan ang hitsura mo."

Parang nabasa na naman nito ang kanyang iniisip.
Napasimangot na isinuot niya iyon.
Sayang! Kailangan dalawa pa! Di bale,kapag hindi niya kasama ang lalaki'y isa lamang ang isusuot niya sa kaliwang tainga,para pogi lang ang dating.

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon