Nagising siya sa pagtapik na nararamdaman niya sa kanyang mukha.
"What are you doing here?!"
Boses na tila nanggagaling sa malapit.Tulog pa ang kanyang diwa kaya hindi niya mawawaan ang ang boses na naririnig niya. Hindi niya pinagtuunan ng pansin 'yon,sa halip ay nag unat siya at naghikab.Matutulog pa ulit sana siya ng marinig niya ulit ang makulit na tinig.Ngunit ngayon ay mas malakas at may kasabay pang yugyog.
Dahan dahan siyang nag mulat at nanlaki ang kanyang mga mata sa isang bultong nakahubad na ang tanging takip lang ay kapirasong twalya habang tumutulo tulo pa ang buhok nito.
"Ang sabi ko,bakit narito ka sa kama ko?".
Kunot noo nitong tanong sa kanya.Napabalikwas siya agad ng bangon at hilam sa tubig ang mga matang kinukusot dahil napatakan nito ng tubig galing sa tumutulong buhok nito ng matapat kanina sa kanya.
"Bakit?hindi mo naba naaalala ang nangyari kagabi?
Balik tanong niya rito na hindi napigil ang pag kainis."Bakit may nangyari ba sa atin?tell me.Did you enjoyed it?"
Painsultong tanong ng lalaki habang taas baba ang tingin nito sa kanya na nang iinis."Ano???
Anong?!..."
Nang lumiwanag sa isip niya kung ano ang sinasabi nito ay tinignan niya ang lalaki ng pailalim."Why?kailangan ba tagalugin ko pa sayo?"
Seryoso parin itong nagtatanong sa kanya."Hoy!lalaking mayabang!may nangyari nga kagabi,pero hindi gaya ng iniisip mo! Ang ginawa mo lang naman ay nagpabuhat ka sakin at pagkatapos no'n ay sinukahan mo ako!"
Bwelta niya sa lalaki.Tila nag isip ang lalaki sa kanyang sinabi at kasunod ang pag iling nito.Sinulyapan siya sandali at lumayo.
Nang tignan niya ang lalaki'y bigla nitong hinubad ang twalya at nakita niya ang pang upo nito ng hindi sinasadya.Kayat agad siyang tumalikod sa hiya."Why?ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking hubad?"
Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya.Kaya kahit nakatalikod siya ay naalarma siya bigla.Ng maramdaman niyang iniharap siya nito rito ay awtomatikong pumikit ang kanyang mga mata at nanigas siya sa kinatatayuan.
"Akala ko ba'y parehas tayong lalaki?"
Narinig niyang sabi nito.Wala siyang nagawa lalo na at ayaw niyang mapahiya kaya't dahan dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata.
At siniguro niyang sa mga mata nito siya nakatingin.
Nang sa pagbukas niya ng kanyang mga mata ay dahan dahan itong lumapit sa kanya at nakita niyang gumalaw ang mga kamay nito bandang ibaba na naging dahilan ng bahagya niyang pag layo.Lumapit naman ito ng dahan dahan sa kanya,habang deretsong nakatingin sa mga mata niya.Maya maya sa pag urong niya ay naramdaman niya ang patungan sa likod niya ay pinagkrus niya ang kanyang mga braso bilang proteksyon sa pagkakalapit nito sa kanya.
Amoy na amoy niya ang pabangong gamit ng lalaki at ang aftershave nito.
Kitang kita niya ang pungay ng mga mata nito at ang tangos ng ilong na ang kulay rosas na makipot na mga labi.Bigla tuloy pumasok sa isip niya ang mga labing iyon na natikman na niya.
Nakaramdam nanaman siya ng pangangalisag ng balahibo dahil sa isiping 'yon.Kabadong kabado siya lalo ng unti unting umangat ang braso nito papunta sa tagiliran niya.
Hindi niya malaman ang gagawin.Hanggang sa...Lumigid ang kamay nito papunta sa bandang likuran niya.Hinihintay niya ang pagdampi ng mga kamay nito sa kanya ngunit naghintay siya sa wala.
Nakita niya na lamang na iwinawadwad nito sa mukha niya ang cellphone nito na nakapatong sa side table na nasa bandang likuran niya.
Napahigit siya ng hininga."Dissapointed?"
Nang iinsulto ang mga ngiti nito.Namula siya sa sobrang kahihiyan.Kayat bago pa siya nakahuma ay nakalayo na ito.At nakita niya ring naka short pala ang lalaki.Bwisit na bwisit siya.Pakiramdam niya'y naisahan siya nito.
"Bastos!"
Sigaw niya sa papalayong lalaki.Derederetso lang ito palabas ng silid rinig ang malulutong na tawa.
Natapos na siyang nakapaghilamos at nakapag toothbrush ay bumaba na rin siya upang mag agahan.Ayaw niya rin namang mahuli siya,dahil sa iyon ang unang araw niya bilang asawa ni Charles dito sa pamamahay ng mga Cross.
Suot ang kanyang white tshirt at hanggang hitang short ay bumaba na siya sa matarik na hagdan.
Nang makababa'y dumeretso siya sa hapag kung saan naroon na ang lahat maliban sa ina ng lalaki na siyang biyenan na niya ngayon.
Nakita nanaman niya ang batang mataba na naka salamin at nakatingin rin sa kanya.
Nginitian niya ito.At tulad ng inaasahan ay bumaling lamang sa iba ang paningin ng bata.Ah,magkakadugo nga!Iisa ng style.Suplada ang ina suplado ang bunso at lalong suplado ang kuya.Isip isip niya.
Mabuti na lamang at hindi ganoon ang matanda sa kanya.'Yon na lamang ang tanging konsolasyon niya sa pamamahay na ito."Nasaan ang iyong mama?"
Narinig niyang sabi ng matanda."Nagpapahinga po sa itaas dahil masakit raw po ang ulo."
Pagpapaliwanag ng lalaki.Pagkatapos ng kanilang umagahan ay nakita na niyang papasok sa opisina ang lalaki,
Dahil sa hitsura pa lang nito.
Parehas silang nakatambay ng matanda sa garden upang magkwentuhan at humingi narin ng bitamina na nanggagaling sa araw.Naramdaman niyang papalapit sa kanila ang kanyang asawa.
At sa paglapit nito ay awtomatikong nag mano ito sa matanda.
Inaasahan na niya ang pag alis nito,ng sa hindi niya inaasahan ay lumakad din ito sa gawi niya at kasabay ng pagdampi ng malamig na labi sa kanyang pisngi.Kagyat siyang natigilan."Bye sweatheart."
Gusto niyang maduwal sa mga inaasal nito sa harap ng abuelo.Hindi nabibigo itong inisin siya sa araw araw.Sweetheart?@#$*€£
Sweetheart mayasssssss!
Mudafakah!
Sana!..
Mudafakah sana...'elell!
"Ano yon iha?!"
"Ho! ELE! Po!"
"Anong "ele"iha?"
"Ele.Ele di nyo po alam?Ele means tsk!Walei lo alam nyo?"Lalong nagtaka ang abuelo.
"Dyaskeng bata are!"
Tawa sila ng tawang dalawa ng matanda.
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...