Muntik na siyang maduwal sa mga damit na pinili ng babaeng ito sa kanya.
Ilang oras na siyang nagsususukat ng mga damit na siyempre pa,ay sumpa para sa kanya.Kating kati siya lalo na sa mga may lace.Lahat na yata ng kulay at pang lahat ng okasyon ay mayroon na siya.
Pumili rin naman siya ng mga gusto niyang damit at siyempre pa, ay yung mga pang lalaki.
Kailangan niyang magsakripisyo alang alang sa pamilya niya.Minsan lamang kumatok ang ganitong swerte sa kanya,palalagpasin pa ba niya?.Pagkatapos ng mahabang oras ng parusa para sa kanya ay natanaw na niya ang lalaking papasok sa loob ng nasabing botique.At nakita nyang ngumiti ang tinawag nitong Diane.
"Ok na ba?"
Pagkasabi nito sa kanya'y may iniabot itong tila maliit na card na siya nitong ipinambayad sa lahat ng ipinamili.
(Nagtatanong pa,e hindi naman gustong malaman ang isasagot ko!.)"Idedeliver nalang po namin sir Cross"
Narinig niyang sinabi nung Diane.Pagkatapos nito ay huminto sila sa Haciendang sinasabi ng lolo nito.Akala nya'y bababa ang lalaki sa kotse ngunit agad siya nitong pinagsarhan ng pintuan ng makababa siya.
At usok na lang ng sasakyan ang bumalandra sa mukha nya."Abat'!!"*^#?##
Hindi niya malaman kung san banda nanggagaling ang inis niya lahat yata ng himaymay ng kanyang laman ay nagkislutan dahil sa inis sa lalaki.
Ngayon lamang kasi siya naisahan ng ganoon at iyon ang pinaka ayaw na ayaw niya.Kung mabagal lamang ang takbo sana ng sasakyan nito ay baka naibato niya ang kanyang sapatos o kaya ng mga ilang batong nakita niya roon.Inis na inis siyang sumipa sa lupa.
Naubo naman siya sa alikabok na nanggaling mula roon dagdag pa ang usok na nasinghot niya galing sa sasakyan ng lalaki na sadya yatang ginagalit siya."Mam ako po ang naatasan ni sir na sumama sa inyo sa pag libot sa buong hacienda."
Sabi ng boses sa likod niya.Nakita niya ang lalaking nakasuot ng kupasing maong na gaya niya at naka kulay asul na kupasin ding t-shirt.tantya nya'y magkasing edad lang sila nito."Ako po pala si Lando,sir?mam?"Nalilitong sabi nito sa kanya.
"Jojo nalang pre".
Nagpatiuna itong ngumiti sa kanya.
Inikot nilang dalawa ang buong lupain,marami siyang nakitang ibat ibang uri ng punong kahoy,bulaklak at and dami ring ibat ibang kulay ng kabayo.Napakaswerte ng mga mayayaman higit sa kaninoman.
At napakaswerte niya.
Napangiti siya sa naisip.Nawili naman siya sa pag ikot dahil bukod sa napakalaki'y napakaganda pa ng buong lugar.Kayat di na niya namalayan ang oras.
Inihatid narin siya ni Lando sa pinaka labasan ng Hacienda Cross,base sa nakasulat sa malaking tila karatulang yari sa makapal at malaking kahoy na tabla na nakasabit sa bukana ng nasabing lugar.
Natanaw nya narin sa unahan ang kotseng sinakyan nila kanina.Kahit di nakabukas ang kotse aninag nya ang lalaking nakaupo sa bandang likuran ng kotse.
Tingnan mo ang tukmol na ito!prenteng prenteng nakaupo at tila inosente sa ginawang katarantaduhan sa kanya.Ni hindi man lang nagbukas ng bintana ito.
Pag bukas niya ng pinto'y nakita niya ang mukha ng lalaking inip na inip na naghihintay sa kanya.
"What took you so long?.
Kaninang kanina pa ako naghihintay sayo rito ah!"
Sabi ng lalaking nakabadha ang pagkainip sa mukha."Bakit hindi nyo po kasi sinabi kung anong oras kayo darating Panginoon!."
Sagot niyang tila nang aasar.Sinulyapan siya nito ng pagalit,kaya hindi na siya umimik at nanahimik sa biyahe.Kung
Bago siya nakauwi sa kanila ay kumain muna sila ng hapunan kasama ang lolo Kentin.
Gaya kanina ay tahimik lamang ang tatlong tao sa hapag kainan, siya lamang at ang matanda ang nagkukwentuhan."Kamusta iha?nag enjoy kaba sa paglibot sa hacienda kasama si Charles?"
Bigla ang naging sulyap sa kanya ng katabing lalaki.
"Hayyyy naku lolo,ang magaling niyong apo ay sukat iniwan lang ako at pinalamon ng katakot takot na alikabok sa daan!Ako pag hindi ako nakatiis babanatan ko na iyan eh!"
(Siyempre hindi niya sinabi iyon!)"Ok lang po lolo"
Sa halip ay sagot niya rito dahil narin sa nagbabagang tingin sa kanya ni Charles."Siya nga pala iha,bukod sa pagtatricycle ay ano pa ang pinagkakaabalahan mo?"
"Ah,kapagkatapos ko pong mamasada ay sumasideline naman po ako sa pagmememkaniko,pag mahina po sa mekaniko nag bebenta po ng basahan at kapag naman po---"
Bigla siyang natigilan ng makarinig ng pagkakasamid ni Charles.Narinig naman niyang tumikhim ang matanda sa inasal ni Charles.
"Bueno,ako nama'y natutuwa dahil marangal ang iyong trabaho iha,alam mo ang kakayahan mo at alam ang pagpapahalaga sa kung gaanong kahirap ang kumita ng pera."
Imbes na kutyain siya nito gaya sa mga napapanuod niyang mga drama ay kabaligtaran ng lahat.Ayon sa nakikita niya ay totoong tao ang matanda.
Matapos ang kainan ay nag utos ang matanda na ipinahatid siya sa lalaki ng uuwi na siya.
Tumango naman si Charles at kasabay niyang sumakay ito sa kotse.Ang takot lang nito dahil hanggang labas ay hatid sila ng tanaw ng abuelo.Bago sumakay ay kumaway pa siya rito at nagflying kiss.Kahit malayo na ay alam niyang nakangiti ito sa ginawa niya.
"O bakit hanggang dito lang?"
nagtatakang tanong nya ng makitang wala pa sila sa kanilang tahanan."Get yourself a trike, tutal sanay ka naman diyan."
Sabay isinara nito kaagad ang pinto ng makababa siya.Inis na inis siya sa lalaki.
"Wala talgang modo at bastos ang hinayupak".
Pag uwi nya ng bahay ay naratnan niya itong walang tao.Inaasahan niya na ito, dahil alam nyang nagbabantay ang dalawa niyang kapatid sa hospital.
Umupo siya sa maliit nilang sofa at nagkakape kahit gabi na,nakatingin siya sa tv nila ngunit lagpasan ang kanyang tingin dahil sa dami ng kanyang iniisip.Hahabol sana siya sa pagbabantay ng kanyang ina ngunit masyado ng gabi at tiyak na hindi na siya papapasukin sa hospital.Sinubukan niyang tawagan ang kanyang mga kapatid.
Ilang ring lang at sumagot na ang mga ito.Huwag daw siyang mag alala dahil nasa mabuti naman daw kalagayan ang kanyang ina at marami pa silang natitirang pera buhat sa binigay ng binata.
Nakahinga naman siya ng maluwag.Bukas na bukas ay dadalawin niya ang kanyang ina upang makita ang kalagayan nito roon.
Kapag naiisip niya si Charles ay kumukulo ang dugo ni ya dahil sa sobrang pangit ng ugali na ipinamamalas sa kanya.Paano na lamang kapag nag sama na sila sa iisang bubong?matatagalan kaya niya ang ugaling mayroon ito?
Bahala na si Batman!ang mahalagay mabibigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya.Konting sakripisyo lang.Teka baka naman katakutakot na sakripisyo?di bale ng magsakripisyo na may pera kaysa naman nagsasakripisyo kana nga nagugutom kapa.
Sabi nga nila Sa hinabahaba man daw ng prosisyon,iikli rin iyon.Teka!may nagsasakripisyo ba ng habang buhay?naka!mukhang napasubo yata siya ah?!
Anak ng tinapay na buhay to o! ...
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...