Ilang araw narin siyang nagpapabalik balik sa tita Minerva at marami na siyang natutunan.
Hindi man niya tuluyang nabago ang pananamit ay titiyakin naman niyang mahusay siyang estudyante at tulad ng sabi ng babae ay fast learner daw siya.Sa sinabing 'yon ng babae'y tanggal ang pagod hirap at tampo niya rito.Sa kabila nito ay marunong din palang makakita ito ng pagsisikap ng isang tao,lalo na ng isang katulad nya.Ngayon ay ipinagtataka niya dahil araw ng sabado at pahinga niya.Kung bakit pinapapunta siya nito ngayon ay pinagtatakhan niya.
Di gaya ng unang punta nya rito'y kasama niya ang lalaki.Subalit pagkatapos ng isang beses na pagsama nito ay hindi na naulit pa.
Kaya kada pupunta siya rito ay namamasahe na siya.Tulad ngayon,mabuti na lamang at maaga siyang umalis upang di siya mapahiya sa babae.Pag dating niya ay dumeretso na siya sa loob at sumilip silip habang tumatawag.Nasa may tapat parin siya sa nakabukas na malaking pinto nagtataka man kung bakit bukas ay tumawag parin siya.Narinig niya ang papalapit na yabag.
"Come in'come in! Dali!
Hinatak siya nito ng may pagmamadali.Nagulat siya sa nabungaran dahil may nakita siyang tatlong katao.Dalawang bakla at isang babae at lahat ng mga ilang kagamitang pamilyar sa kanya na nakalapag lahat halos sa buong lamesa.
"Bakit po?ano pong mayroon?Naguguluhan niyang tanong rito.
"Bakit?hindi ba sinabi sayo ng fiancé mo?abay mamaya na iaanounce ng kuya Kentin ang inyong engagement ah?
"Ow"anyway halika na rito at sila na ang bahala sa iyo."
Hindi na siya nakaporma ng marinig na naman nya ang palakpak nito na indikasyon na magmadali siya.Ilang oras pa ay natapos na ang pag oover haul sa kanya.
Isinuot nya rin ang damit na iniabot nito na kanina pa naka display at nakasuot sa manequin.Pagkatapos nito ay may isinuot na kwintas sa kanya na sinundan ng relos singsing at maliit na hikaw.Tingin niya ay isang set ito.
At ang stiletto heels na kulay midnight blue na makintab dahil sa mga gliters na nagsisilbing designs nito.
Ang kanyang maikling buhok ay nilagyan ng clip na black.Muntik na niyang hindi nakilala ang kanyang sarili ng tignan niya ang kabuuan sa salamin.Parang nakakita siya ng isang prinsesang lumabas mula sa kastilyo.Isa siyang cute na prinsesa kahit na ang suot niya ay ang kulay black na hapit na dress na bare back raw,na hanggang leeg ang neckline at sleeveless na ang pinakaibaba ay may lace na puti.Hanggang kalahating hita niya rin ito,kayat sumilip ang mapuputi niyang hita na may maninipis na balahibo na matagal na niyang itinatago sa pantalon.
Kung hindi niya lang alam na siya yon malamang ay magustuhan nya ang sarili.
"O lakad na at nariyan na ang iyong malaking pumpkin sa labas."
Sa unang pagkakataon ay nakita niyang ngumiti ang babae,kayat medyo nabawasan ang kanyang kabang nararamdaman.Pagdating niya sa pagtitipon ay kabado siya,dahil tila yata siya na ang pinakahuling bisita.
Lahat ng dinaraanan niya ay napapalingon sa kanya lalo na ang mga kalalakihan.Lalo naman siyang nainis sa lalaki dahil hindi man lang siya sinabihan o sinadya na hindi talaga sabihin sa kanya?ngayon ay hiyang hiya siyang naglalakad papasok sa pinaka unahan ng malawak na garden kung saan natatanaw na nya ang lalaki at ang abuelo Kentin.
Nang makalapit na siya ay nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng matanda.Ang lalaki naman na may katabing maganda ring babae ay nakatingin lang sa kanya,wari'y sinusuri siya ng hagod ng mga tingin ng lalaki.
"O iha akala ko'y hindi karaw makakarating?Charles?"
Sinulyapan nito ang lalaki sa tabi."Akala ko rin po lolo! Ok lang po hindi ko rin naman po inaasahan na makakarating rin ako eh."
Ang sabi na lamang niya rito kahit makahulugang nakatingin sa kanya si charles.Nakita naman niyang nilapitan siya ng lalaki at inilapit nito ang bibig sa tainga niya na ikinalilig ng kanyang tainga dahil doon ang malakas niyang kiliti kaya napapapilig siya.Kinabig naman siya sa baywang ng lalaki upang hindi siya makalayo.
"What are you doing here?
Bulong nito sa kanya."Ikaw nga ang dapat magpaliwanag sa akin.Si Tita Minerva ang nagsabi sakin at nagpapunta rito."
Sabi rin niyang paanas rito.Inagaw ng abuelo Kentin ang iba pa nilang dapat pang pag usapan.
"Tutal narito na ang iyong nobya iho,ay itutuloy ko na ang pag a-announce ng inyong nalalapit na kasal sa susunod na buwan."
Pagkatapos nito ay hinila silang dalawa papunta sa pinaka gitna at tulad ng sinabi ng matanda ay sinabi na nito sa lahat ng naroon ang nalalapit nilang kasal.Matapos ay nagpalakpakan ang mga ito.At kasunod ang pag iingay ng mga baso na kinakatok ng mga tinidor at sabay sabay na sigaw ng "Kiss"
"
Siyettttt"Pabulong niyang nasabi.
Namutla siya at hindi alam ang kanyang gagawin,bigla siyang napatingin sa lalaki at humihingi ng tulong ang kanyang mga mata,mukhang hindi niya napaghandaan ang tungkol dito.
Tinignan lamang siya nito at nagulat siya sa sumunod na ginawa nito.Bigla siya nitong hinalikan sa labi,ramdam na ramdam niya ang init ng mga ito at lambot,lalo na ang mabangong hininga na may pinaghalong alak at mint.
Ilang segundo ang haba ng ginawa nito sa kanya.At dahan dahan siyang inilayo mula rito na hindi pinupuknat ang mga tingin sa kanya.Umakyat hanggang ulo ang dugo niya,dahil sa pagkabigla.Kahit hindi niya nakikita ang mukha niya,alam niyang mapulang mapula na siya.
Binalikan niya ang tingin ng lalaki parang walang nangyaring inignora lamang siya nito.
Maliban sa isang babaeng nakatayo sa di kalayuan.
Napakunot ang noo niya.Sino kaya ang babaeng iyon at kanina niya pa nahahalatang mukhang may agenda ito sa kanilang dalawa ni Charles.May kutob siyang malaki ang magiging papel nito sa kanilang dalawa.
Hindi kaya alam nito ang palabas nila ni Charles?kanina kasi ay magka usap ang dalawa.
Malamang syota ito ng lalaki.Maganda nga iyon,alam niyang hindi na siya mamumroblema at may ipapanabla na siya sa lalaki sakaling sikilin nito o silipin man lang ang sarili niya ring agenda.
Pagkatapos ay nagmamadali siyang lumapit sa lamesang mahabang may tapeteng puti at tuwang tuwang nagsalin ng mamahaling alak.
Ngayon lang siya makakatikim nito.Sa kanila kasi'y kung hindi gin ay redhorse lang ang natitikman niya.Hitsura palang ng bote ay alam mo ng mamahalin.
Nang lalagukin na niya ang alak ay may umagaw nito sa kanya,nagtatakang napalingon siya sa gumawa nito."Heto ang para sa iyo!"
Nakita niyang may dala itong basong may laman ng makulay na likido.Galit ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin nalang ang hawak nito.
Nagbabanta ang mga mata nitong iniwan siya.Napasibangot na tinungga niya ang pineapple juice.
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...