38:SHAME

1K 40 7
                                    

Pag uwi niya'y hindi muna siya dumeretso upang sunduin ang kanyang anak,medyo late narin naman kasi sila nakauwi.tatlong araw din sila ni Yvette na nawala.
Bukas ay tatawagan naman niya ang kanyang magulang at kapatid,padaraanin niya nalang dito ang isa sa mga ito upang siya naring kumuha ng mga pasalubong niya.
Baka sa susunod na araw pa siya makabalik sa trabaho dahil ngayon niya lamang naramdaman ang matinding pagod,at nuoy nakatulog narin siya.

Kina umagahan ay nag almusal siya at nagpahinga sandali nagbihis na siya upang dumeretso sa pagkuha ng kanyang anak.

Pag dating niya sa tahanan ng mga ito ay seryoso siyang sinalubong ng ina ni Charles.

"Kamusta po kayo mommy?may mga pasalubong po pala ako sa inyo.
Nasaan po si Jc?''
Nakangiti siya rito.

"Kaninay naglalaro sa kasama si Tinay,baka nariyan lang.Hamo't sasabihin kong dumating kana.Nariyan nga pala sa kanyang liblary ang lolo mo at kanina ka pa niya hinihintay."
Parang hindi mapakali ang mga mata nitong tila may gustong sabihin sa kanya na hindi masabi.

Nagtataka man ay pumunta na rin siya sa sinasabing lugar nito kung saan naroon ang matanda.
Kumatok muna siya bago pumasok.

Hindi lang pala ang matanda ang naroon kundi ang lalaking Prenteng nakatayo at nakasandal habang nakahalukipkip ang mga braso sa malapit sa bintana ng silid na nakatingin sa kanya.

Nakita niyang matiim na nakatingin sa kanya ang matanda at mukhang galit ito.

"Kamusta po kayo lolo Kentin?"lalapit sana siya rito upang magmano,Ngunit iminuwestra ng kamay nito na huwag na siyang lumapit.

Nagtataka man ay nanatili siya sa kinatatayuan.
Hindi pa man niya naibubuka ang bibig niya upang magtanong ay may ibinato ito sa kanyang paanan na nagkalat sa sahig.Awtomatikong napatingin siya sa mga ito.Nanlaki ang kanyang mga mata sa mga nakita.
Mga letrato nila ni Yvette dati pa.Kitang kita rin ang dati niyang itsura.Nasa larawan din ang mga ebidensiyang nagdidiin sa kanya,lalo pa at kuha yon ng mga panahong iba pa siya.Naroon din ang mga letratong kasama niya ang ibat ibang babae kung saan naghahalikan pa sila at naghaharutan.Ang labis niyang ikinabigla ay ang bago nilang letrato nitong pag alis niya.Ang mga anggulo'y hindi mo mahahalatang sinadya.Dahil puro mga nasa tyempo lahat gaya ng pagsusubuan nila at pagyayakapan.
Nagkulay suka siya magmula ulo hanggang paa.

"Ano ang ibig sabihin ng lahat ng iyan.Josa?"
Ang malakas na tinig ng kanyang abuelo.

Hindi siya makasagot dahil hindi niya malaman kung paano at saan siya magsisimula.Nagpapatulong ang kanyang mga matang napatingin bigla sa kinatatayuan ng lalaki ng sa pagtingin niya'y huling huli niyang nakaangat ang isang sulok ng mga labi nito.

Biglang sumulak ang dugo niya sa ulo at hindi niya napigilan na lumapit dito at ng lapit niyang iyon ay bigla niya itong sinuntok sa mukha na siyang nagpabaling ng leeg nito sa kabila halatang hindi nito inaasahan ang gagawin niya.

"Aw,gesekida!!!'' 
Napahawak ito sa mukhang nasaktan.
Lalapitan sana siya nito ng magsalita ang matanda.

"Tama na yan! Huwag kayong gumawa ng gulo sa pamamahay ko."

Nabigla rin siya sa ginawa niya.Hindi kasi niya napigilan ang kanyang sarili kanina ng makita niya ang tinatagong ngisi ng lalaki na animoy batang nagtagumpay sa laban.

"Matagal mo na pala kaming niloloko Josa,masyado akong nagtiwala sayo.Bakit mo nagawa sa amin ang ganito?

Nanlulumo siya sa sinabi ng matanda.Ibubuka ititikom niya ang kanyang bibig ngunit walang lumabas ni isang gaputok na salita mula sa kanya.

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon