22:BEDROOM TALK

961 45 3
                                    

Nag aagaw tulog siya ng maramdaman niya ang pag alog ng kama,kayat unti unti niyang iminulat ang mata kahit nahihirapan.
Nakita niya si Charles na pahiga sa tabi niya na naka brief lamang,kaya napabalikwas siya ng bangon at tumingin dito.

"What?"
Kunot noong tanong nito sa kanya.

Mabilis namang gumana ang utak niya at tuluyan ng bumangon at tumuloy sa malaking closet at kumuha ng comforter upang ilatag sa ibaba ng kama.Malaki ang buong kwarto,kayat walang problema,isa pa'y sanay naman siya ng kahit saan natutulog.

"Turn of the lights!"
Narinig niyang sabi nito.
Napasibangot siya dahil siya naman itong hindi sanay sa patay ang ilaw,hangang sa nakatulog narin siya.

Nagising siya ng maaga dahil sanay naman siya sa ganoong oras ng pag gising.
Nakita niya ang lalaking parang binaril na nakatihaya sa pagkakatulog at pinanlakihan siya ng mata ng matanaw niyang natanggal ang kumot nito na ngayoy nasa lapag na ng kama.Nakita niya tuloy ang pang ibaba nito na nakabukol sa suot nitong brief,tila sundalong lulusob sa giyera ang dating.

Bigla siyang tumalikod dito ng marinig niya ang alarm clock na nasa ulunan nito.
Nagkunwari siyang abala sa pagtitiklop ng kanyang hinigan.

Ng sumulyap siya rito'y nakita niya uli ang pang upo nito at ang mga nag iigtingang mga muscles sa mga binti habang papasok ito sa banyo upang maligo.

"Wala namang delikadesa ang lalaking ito,akala mo'y walang kasama lagi."

Nang makita niya itong lumabas na ay nagmamadali siyang kumuha ng bihisan at pumunta narin ng banyo.
Nang malapit na siya rito ay hinarang siya sa kanyang daraanan,pag tingin niya rito'y para itong demonyo sa tingin niya lalo na't umuusok pa ang lalaki dahil sa hot shower.

Kaya ang ginawa niya ay humakbang siya papakabila,at humakbang uli ito.Hindi siya nakatiis at magsasalita na sana siya ng mauna itong magsalita.

"Are you teasing me?"

"Ikaw nga 'tong nang aasar!hinaharangan mo ako sa pag babanyo!"
Hindi na siya sumagot ng makita niyang galit ito.

Masarap talagang maligo kapag ganito kaganda ang banyo.May bathtub pa!samantalang dati noon sa kanila ay tabong de lata lamang ang gamit.
Hay!"ang buhay talaga parang gulong ng trycicle,minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim.

"Hey there! Nakatulog ka na ba diyan?bilisan mo't kakain na sa ibaba at nandiyan kapa rin!."

At ito ang pako sa gulong!

"Andiyan na!sandali na lang."

"Kulang ang deskripsiyon sa kasabihang iyon!
Dapat may kasunod.Ang buhay ay parang gulong,minsan nasa ilalim,minsan nasa ibabaw.Malas mo lang kung natusok ng pako at kahit nasa ibabaw ka,buta kaparin.Nakakainis!"

Kapapasok pasok pa nga lang niya at ito'y kanina pa nga sa banyo.Naiinis na maktol niya habang paahon na sa bathtub.

Paglabas niya'y nakita pa niya ang mukha nitong nakasambakol sa umaga.

"Bakit ba hinihintay mo pa ako?bakit hindi ka na lang mauna sa ibaba?"
Sinalubong lamang siya ng tingin nito.

Akala niya'y bababa na ito,ngunit nanatili lamang ito at nanalamin.Hindi tuloy siya magkanda ugaga sa pagdadamit.Napilitan tuloy siyang magbihis ng naka twalya.

Nang nakapag bihis na siya ay dali dali siyang hinawakan nito sa braso at iginiya pa labas ng silid.
Inis na inis na naman siya dahil ni hindi man lang siya nito pinayagang makapagsuklay man lang.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam siya rito na pupunta sana siya sa kanyang ina at mga kapatid.
Ngunit hindi siya pinayagan ng lalaki dahil may pupuntahan daw sila at wala siyang nagawa.

Ilang minuto lang ang lumipas ng mag paalam sila sa mga tao sa bahay,wala roon ang lolo Kentin.May nilakad daw ito.
Gusto man niyang tanungin ang lalaki'y ayaw naman niyang mangahas dahil sa sobrang suplado nito,lagi pang nakakunot ang noo.

Wala rin naman siya sa mood dahil tulad ng dati'y hindi niya gusto ang suot niyang light brown na dress at naka 1inches siyang sapatos na kulay cream.
Walang bago sa pangyayari sa loob ng kotse.Parehas silang tahimik.Ang kaibahan lamang ay ito na ang may dala ngayon ng sasakyan.Di tulad noon na kasama lagi nito ang driver alalay ng lalaki.

Nagulat pa siya ng sa pagbaba nila buhat sa sasakyan ay sinalubong sila ng anim na katao mula sa loob ng buillding na 'yon sa groundfloor kung saan naka parada ang maraming sasakyan.

"Good morning sir mam."

Nakita niyang tumango ang lalaki , ganoon narin ang ginawa niya.

Nasaan sila?...

Saka niya lamang nalaman kung nasaan sila,ng makapanhik na ang elevator sa pinaka mataas na palapag.
Nabitin ang pagmumuni muni niya ng hapitin siya nito sa baywang ng naglalakad sila sa buong opisina.

Nagulat man ay nakabawi rin siya kaagad ng makita niya ang mga pamilyar na mukha noon sa kanilang kasal.Ipinakilala siya nito sa lahat ng naroroon.

"Abay ito pala ang opisina ng lalaking ito,di man lang ipinaalam sakin!para tuloy akong tanga na kakapa kapa sa dilim."

Pagpasok nila sa mismong opisina ng lalaki ay muntik na siyang natumba ng bigla siyang bitawan nito ng wala man lang pakundangan.

Nakita niya ang isang pamilyar na mukha ng isang babae na sumalubong rito,at nakita niya kung paanong naghalikan ang mga ito sa presensiya niya na animoy wala siya roon.

Ng matapos ang mga ito ay patay malisya naman siyang naupo sa isang tabi.Nakita niyang nag uusap ang mga ito na may halong tawanan.
Ng mga ilang minuto narin ang lumipas ay nakita niyang papalabas ng silid ang babae,duon siya kumuha ng pagkakataon upang malapitan ang lalaki na abala sa ginagawa.

Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Um,'Charles,makikipagkita ka lang pala sa chikas mo,bakit mo pa ako isinama rito?"

Salubong naman ang kilay nito ng sagutin siya.
"May lunch meeting kami mamaya ng ka business partner ni lolo,kasama ang asawa niya,gusto karaw makilala."
Tila walang ganang sagot nito na hindi man lang siya sinulyapan.

Napabuntung hininga na lamang siya.

Mangani ngani niyang iwan ito roon.Iniisip niya ano nga kaya?ng makaganti naman siya?

"Huwag mong subukan!"

Napalingon siya bigla rito.

Ano nakakabasa rin ba ito ng iniisip?Nalalaman rin ba nitong kahit anong oras ay gusto niya itong sapakin sa pagiging arogante nito?

Napaismid siya ng makita niyang lumapit at nginitian nito  ang babaeng pinaghihinalaan niya na karelasyon ng lalaki.
Kahit ngumiti ito ng bahagyang bahagya, ang dating nito sa kanya'y pagpapanggap lang.
Kung nakakabasa ng isip ang unggoy,siya naman ay malakas ang pakiramdam.

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon