Ilang linggo na siyang nakakatanggap ng bulaklak na hindi naman niya malaman kung kanino nanggagaling.
"Uyyy mukhang may manliligaw si ate,isusumbong kita kay kuya!alam na ba ni kuya yan?"
Si jake sa nang aasar na tono."Shhh! Wag kang makasimula simula nanaman ng kagaganyan mo ha! Kaya ka nadidisgrasya dahil sa pagiging pilyo mo,kita mo hindi ka tuloy nakadalo sa kasal namin ng kuya mo."
Pinandilatan niya ito ng mata,nagbibinata na kasi ito.Nagiging pilyo at makulit gaya ng kuya nitong mang aasar.
Dinilaan lang siya nito."Kanino kaya nanggagaling ang mga bulaklak na ito?dali dali niyang inilagay sa plorera at idinisplay sa sala.Baka makita pa ito ng isa ay magalit nanaman.
Ilang araw niya naring napupuna na lagi itong busy.Ano kaya ang pinagkakaabalahan nito?"Kamusta na kaya si Yvette?gusto pa naman niya sanang dalawin ito ngunit nagdadalawang isip siya.
Ang huling balita niya kay Dave ay umalis naraw ito papuntang Canada.Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa kanya kung bakit galit dito ang kanyang asawa.
At ang sinabi ng kanyang asawa nung nakarang mga araw.Gusto niya sanang ungkatin ang tungkol doon subalit nauunahan siya ng hiya.Ilang araw din siyang hindi pinatulog ng mga salitang 'yon.Ilang oras pa ay pumasok na siya sa trabaho pagkatapos asikasuhin ang anak papasok sa eskwelahan.Gusto niya bukod sa mga biyenan ay personal niya ring inaasikaso ang anak.
Nakaupo siya habang pinipirmahan ang mga papeles ng maalala niya ang tungkol sa pagpapa set up nga pala ng asawa niya sa oto nito.Naisipan niyang tawagan ang asawa dahil hirap siyang kausapin ito ng personal.
Ilang segundo lang ay sumagot ang sekretarya nito.
Napakunot ang noo niya ng sinabi nitong may lunch meeting daw at kasama ang babaeng hinding hindi niya makakalimutan.
Parang gusto niyang pumatay ng sandaling iyon.Kaya pala laging busy ang magaling niyang asawa ng dahil lamang sa babaeng iyon.
Gusto niyang hatakin ang oras ng mga sandaling iyon upang makauwi na siya sa bahay at doon niya iintayin ang magaling niyang asawa.
Hindi na siya nakatiis tumayo na siya at dalu daling umalis."Honey,this is a surprise! Saan ang sunog?"
Halatang nasorpresa nga ito sa pagdating niya.Hindi muna siya sumagot at inilibot ang mga mata sa buong opisina nito.
"May sasabihin sana ako."
Pagkatapos ay sabi niya."Well?"
Naghihintay ito sa itatanong niya."Kailan mo nga pala ipagagawa ang sasakyan mo?"
"Ah yun ba?oo nga no?nakalimutan ko na halos.Mabuti nalang pinaalala mo.
Tamang tama.Isasama sana talaga kita,ngàyong nandito kana,Lets go!"Siya naman ang nasorpresa sa sinabi nito.
"Saan tayo pupunta?""Its a surprise.
Kinindatan siya nito.Iningusan niya lamang ito,dahil kumukulo parin ang dugo niya hanggang ngayon.
Tama ang lalaki nasorpresa nga siya.Paanoy nasa isang malaking bahay sila na napakaganda.May garden sa gilid at maraming mga punong naka palibot sa bahay na may pagka nature ang dating.Parang mas magandang tawaging bahay bakasyunan.
"Ito ang kanyang dreamhouse."
"Like it?"
Maluha luha niyang tiningnan ito.
"Naalala mo noong una kitang dalhin kay tita Minerva?alam kong ganitong klaseng bahay ang gusto mo.Kaya naisip kong ganitong klase ang ipagawa."
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...