34:BIGBANG

1K 42 3
                                    

"Iho"
Kaagad nilapitan ng nagmamadaling  ina ang bagong dating na anak.Kitang kita ang pag aalala rito dahil sinisipat sipat nito ang mukha ng anak.Where have you been ?Alalang alala kaming lahat sa iyo.Hindi ka man lang tumawag anak.''Maluha luhang tanong nito sa anak.

"Kailan ka pa dumating?ni hindi ka man lang nagpasabi ng naipasundo ka."
Ang ina ulit ng lalaki.

Habang sila ay nagkakatinginan.Ang abuelo'y tumango lamang sa kanila at agad lumayo at pumanhik sa itaas.Ang bagong dating ay nakatingin sa kanila lahat,lalo na sa batang ngayon ay dali daling lumapit sa kinaroroonan niya.Nangunot ang noo ng lalaki papunta sa kanya,bago kay Dave.

"Welcome home Charles.
We're celebrating.Birthday kasi ni Josa."
Si Dave na nagpapaliwanag kung bakit sila naroong lahat.

Ang lalaki naman ay tila hindi interesado sa mga nangyayari.Nakikiramdam ang lahat at walang nagtangkang magsalita o magtanong.Ang abuelo naman ay alam niyang galit dinsa bagong dating.At sino ang matutuwa?
Kayat ng sandali ring 'yon ay nagpaalam na ang kanyang pamilya at agad na umalis.Narinig niya pang bumulong sa mga ito ang mommy ni Charles ng pasensiya.
Habang si Charles ay derederetsong umupo sa sofa ng hindi sila iniiwanan ng tingin.

Ang kanyang anak sa kanyang tabi ay mahigpit na nakakapit sa kanyang braso ng makitang nakatitig sa kanya ang bagong dating.Kilala kasi nito kung sino ang dumating dahil hindi naman siya naglihim sa anak.Si Dave naman ay kaagad na kinarga ang bata mula sa kanya at magkasabay silang lumabas upang ihatid ito.

"Are you ok?"
Nag aalalang tanong ng lalaki sa kanya.
Tumango na lamang siya.

"Kung may problema ay tawagan mo kaagad ako."
Sabi pa nito at hinalikan din ang kanyang anak.

Malayo na ang sasakyan ng lalaki ngunit tila ayaw gumalaw ng kanyang mga paa upang pumasok na sa loob.Napasulyap siya sa anak at nakaramdam ng pagkaawa rito.


''Its ok baby,everything is going to be alright.Dont worry anak.Huwag kang matakot sa daddy mo ha!''Nag aalalang sabi niya rito habang hinahaplos ang noo nito.

"Mommy,something bited me."
Saka lamang siya natauhan sa kanyang narinig buhat sa anak.
Kinarga niya ito at agad na ipinasok sa loob ng bahay.

"Who's that kid?"
Nabigla siya ng maabutan niya pang nakaupo sa sala ang lalaki na tila sadyang hinintay sila.

Bumuntunghininga muna siya at humigop sandali ng hangin bago nagsalita.

"Cj say hello to your dad."
Pagkaraa'y sinabi niya sa kanyang anak.

Nakita niya ang pagkahulog at pagkabasag ng dala nitong kopita pagkatapos niyang magsalita.
Ang paparating buhat sa kusinang ina ay bakas din ang pagtataka sa mukha.

"What? Are you kidding me?"
Naguguluhang tanong nito sa kanya.

"Bakit mukha ba akong nagbibiro?."
Galit na sagot niya rito.

"Bago pa man ang lahat ay hindi ko nilihim na nagka anak tayo at ni wala ka man lang pakielam sa bata,ngayon magtatanong ka?anung klase kang ama?."
Nanunumbat ang kanyang tinig.Napatingin siya sa anak at nakalimutang naroon pala ang bata.Nagpapasaklolo siyng napatingin sa biyenan at agad namang kinarga nito ang bata papanhik sa itaas.

Biglang nagpalipat lipat ang tingin nito sa kanya at sa ina.Tila ba humihingi ng paliwanag ang mga mata.Hindi na ito nasagot ng ina dahil bitbit ang apo at tangkang iiwan sila nitong dalawa.
Ang lalaki'y dahan dahan  napaupo sa sofa na tila naubusan ng lakas.

Hinalikan niya muna ang anak na higit kanino man ay apektadong apektado.
Niyakap niya muna ito ng mahigpit at pinunasan ang mga luhang pumatak sa matatabang pisngi nito.

"Its ok baby,its going to be alright."
Pang aalo niya rito.
At inilayo na ito ng ginang.

Pagkatapos ay lumapit siya rito at naupo di kalayuan sa tabi nito.

"Tell me everything."
Nag uutos ang tinig nito sa kanya.

At isinalaysay niya rito ang lahat.Pagkatapos ay agad itong nagsalita.

"I had an accident, a car accident.Nagkaroon ako ng partial amnesia kaya siguro may ilang bagay akong nakalimutan."
Pagsasalaysay nito sabay sulyap sa kanya.Pinasadahan siya nito ng tingin dahil ang suot niya'y sexy dress na kulay pula nahanggang tuhod ang haba,ngunit medyo umurong iyon dahil umupo siya. Binili iyon ni Dave noong isang araw at kaya ipinipilit nitong suotin niya iyon sa ganoong araw dahil sasapit pala ang kanyang kaarawan.Bigla tuloy siyang nailang at hindi naiwasang kipitin ang bandang dibdib dahil malalim ang ukab noon at hindi maiwasang sumungaw ang punong dibdib niya.Inilayo niya ang tingin ng sa gayon ay mabawasan ang nararamdaman niyang ilang dito.


''Kaya pala kung sino sino nalang ang pinatutuloy mo sa pamamahay ko dahil matagal akong nawala!''


Nanggigigil siyang napasulyap rito.''Dahan dahan ka sa pananalita mo!Pamilya ko iyon at ni sino man ay walang karapatang bastusin ang mga mahal ko!''Mariin ang kanyang boses sa pagkakasabi niyon.


''Hindi sila ang ibig kong sabihin kundi ang lalaki mo!''Sinagot naman siya nito ng may panggigigil.


''Hindi ako magpapatuloy dito kung walang pahintulot ang pamilya mo!Pinahintulutan ako nila mama at lolo,siguro naman ay walang masama kung patuluyin ko siya rito,tutal naman ay wala na tayong kaugnayan sa isat isa!''


''Hindi na mapuputol iyon!''Napalakas na sabi nito.


''Ah,nang dahil sa bata?Huwag kang mag alala.Kung tungkol sa bata ay nasa iyo ang lahat ng karapatan.''


''Hindi kaba nahihiya sa bata at dinadala mo pa rito ang lalaki mo?''


''For your information,sanay na ang anak mo sa kanya at dapat kapa ngang magpasalamat dahil si Dave ang tumayong ama niya ng wala ka.''


''I dont want anybody touches what is originaly mine.''

Sabay sulyap nito sa kabuuan niya.Gusto niyang tadyakan ito ngunit pinilit niyang magpakahinahon.Ano ang nais nitong ipahiwatig?

Marami siyang gustong itanong sa lalaki ngunit sa ilang araw na lagi siyang pagod ay wala na siyang lakas.
Kayat nagpaalam na siya rito.
Tatayo na lamang siya ng pigilan siya nito sa braso.

"Marami pa tayong pag uusapan bukas."
Ngayon naman ay madilim ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

Parang walang narinig na ipiniksi niya ang kanyang braso at walang sabi sabing iniwan niya ito.Ayaw niyang makipagtalo sa taong laging sarado ang isip.Manghihina lang siya,lalo na sa isang Charles.Hindi parin nagbabago ang lalaki,sa halip ay lalong lumala.Ang buong akala pa naman niya ay magmamatured na ito sa tagal ng panahon na nawala ang lalaki.

Ang kapal ng mukha ng lalaking 'yon,matapos ng lahat ay ano ang inaasahan nito?Na para siyang asong susunod kaagad sa ipinag uutos nito?Ano ganoon na lamang 'yon?kahit pa sabihing matibay ang dahilan nito sa pag limot sa kanila ay hindi ba dapat lamang na humingi ito ng tawad unang una sa kanya at sa pamilya nito?.
Taena'baka!!!(bullshit!).

Hinahaplos haplos niya ang buhok ng anak habang gising na gising pa ang kanyang diwa sa pag iisip.

Ano na naman kaya ang mangyayari,ngayong dumating na ang pako sa kanyang gulong?....

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon