37:DIRTY MIND

1K 40 3
                                    

Naguguluhan siya sa mga nangyayari sa kanya ngayon.Sabi nga ng nanay niya kanina"Iba na ang maganda".Na ikinatawa naman ng dalawa niyang kapatid.Ngayo'y magkasama sila ni Yvette na magbuhat ng talikuran niya ang dating siya ay naging mabuti pa lalo ang kanilang pagiging mag kaibigan,lalo pa't masaya naman ito sa karelasyon.Kilala niya ang lalaki na ngayo'y nobyo nito dahil narin sa ito ay isa sa mga kasama niya ngayon sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo.

Magkasama sila ngayong umuwi dahil narin galing sila sa pag sa shoping.Tuwang tuwa ito lalo na at inilibre niya ito ng mga bagong damit at sapatos.
Magkasama silang pumasok sa silid upang isukat nito ang mga napamili,nagka ayaan silang mamasyal sa pagudpud bukas kaya dito na ito dumeretso habang hinahalungkat nito ang mga napamili nila ay dumeretso naman siya sa banyo upang mag hot bath dahil kanina pa sila nag iikot.Pakiramdam niya pati ay malagkit na siya.

Paglabas niya ng banyo ng nakatapi ng twalya ay nakita niyang papatapos na ito sa pagsusukat at malinis na ulit ang kama na kanina ay punong puno ng mga pinamili nila ngayon ay kasalukuyang naghuhubad upang makapag bihis ng pantulog.

Nang bigla na lang may nagbukas ng pinto at sabay silang napalingon sa nagbukas . Nakita nila kung sino 'yon.

"What the hell...!"...
Kasunod ng mga tinging alam mong may kahulugan.

Nagpalipat lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa.Sila naman sa kabiglaan ay hindi malaman ang sasabihin.Pagtatanong ang nasa mga mata ni Yvette. Ang kanya'y pagkalito.
Ang sa lalaki'y nagbabanta ang mga tingin.

Nakalabas na ang lalaki ng saka sila nahulasan.

"Anong problema non?"
Si Yvette na nagtataka.
"Teka,huwag mong sabihing...?"

"Malamang.Hay naku hayaan mo siya.Nuon pa'y marumi na talaga ang isip nun."
Pambabalewala niya sa nangyari.

"Sigurado ka?E bakit mukha kang nag aalala?"
Sabi pa nito.

"Hindi naman.Hindi ba pwedeng nabigla rin ako?Nag aalala kaagad?"

"Alam mo natatawa lang ako sa kanya.Alam mo best kung ako lang ang tatanungin?Palagay ko may gusto sayo ang lalaking iyon."
Pagkasabi'y hinuhuli nito ang tingin niya.

"Wala na akong interes kung magkagayon man."
Ngunit sa puso niya ay naroon ang pag asam...


Maganda ang mga pinuntahan nila at nakapamili narin sila ng mga pasalubong at mga souvenirs
Pero mayroon siyang kakaibang nararamdamang hindi niya maipaliwanag.Kanina pa siya hindi mapakali.Hindi niya tuloy ma enjoy ang kanilang lakad.

"Ok ka lang? Mukhang hindi ka mapakali ah!Magmula ng dumating tayo rito ay lagi kang tahimik diyan?Ano ba talaga ang problema?"
Nakakahalata narin si Yvette.

"Hindi ko rin maintindihan eh.Ewan ko ba,parang kinakabahan ako na di mawari."
Pagtatapat niya rito.

''Paranoid kalang."Natatawang sabi nito sa kanya.


''Kapatid ba yan ng mongoloid?''Sabi niya upang marelax naman ang utak niya.


At nagkatawanan sila...

Nagpasama nalang siya rito sa pagbili ng pasalubong sa anak.Pinilit niyang libangin ang isipan sa mga nakikita sa paligid.

Gusto niya sanang tumawag at makibalita sa bahay kaya lang ay naiwan niya ang kanyang telepono sa bahay sa kagustuhan narin na makapamasyal siya ng maayos ng walang istorbo.
Alam niya namang nasa mabuting kamay ang kanyang anak kaya tiwala siyang walang mangyayaring masama rito.

Aliw na aliw naman si Yvette sa kanilang pamamasyal.
Maige pa ito,samantalang siya ay hindi mapakali.Dapat sana ay ang anak ang kasama niya rito,ngunit gaya ng inaasahan ay may pasok ito.Alanganin kasi ang araw na napili niya.
Isa pa ay matagal narin nagtatampo sa kanya si Yvette kaya ito nalang ang tanging maireregalo niya sa kaarawan nito.

Nag iinom sila sa silid kung saan sila naka check in habang nakasalampak sa carpet.

"Best,mahal mo pa ba siya?"
Napatingin siya rito at biglang natigilan.

"Hindi ko na alam eh,Sa tagal kasi ng iniwan niya kami,hindi ko na masabi kung mahal ko pa nga siya.Sobrang sama kasi ng ugali ng lalaking 'yon eh."
Sagot niya sa katanungan nito.

"E baka naman kasi nung panahon na iyon ang tingin niya sa iyo'y lalaki?kaya ginaganon ka niya.E baka naman ngayong girl na girl kana,e iba na ang tingin niya sa iyo?Isa pa me anak na kayo.Kinikilig nga ako sa inyong dalawa,sa totoo lang.Ikaw na dating macho ngayon ay mas babaeng babae pa sakin."
Pilyang sabi nito.

" Ah,ewan.Hindi na mahalaga kung ano pa ang magiging tingin niya sakin.Wala na akong pakieelam."
Sabi pa niya rito.


''Naaalala ko pa nuon,ang dami mong chicks.Selos na selos ako noon.Kadalasan pinagsasabay mo pa kaming lahat.Ang tindi mo noon no?Sinong mag aakala na ang dating gwapong maton noon  ay babae na ngayon?Uy alam mo ba yung si ano non,Sino ba yun?ay basta!Isa sa mga syota mong patay na patay sa 'yo non,e ipinagtirik kapa ng itim na kandila?Ang ibay pumunta pa pa sa magaling na mangkukulam para lang ipakulam ka.Tsk!tsk!tsk!Alam mo naman satin,mat tenga ang tsimosa at may pakpak ang inggetera.BAlitang balita kasi ang malaking pagbabago mo at naging swerte mo sa lugar natin.''

Tawa siya ng tawa sa kwento nito.


''Hindi ko rin alam kung paanong nauwi sa ganito.Pero wala naman akong pinagsisisihan sa mga nangyari.Maganda naman ang naging resulta.Naiahaon ko sa hirap ang pamilya ko at higit sa lahat,nagkaroon ako ng anak.Iyon ang naing tubo ko sa lahat ng sakripisyo ko.''


"Oy alam mo totoo iyan!At mayroon pang isa! May Dave kapa eh.Mabait na maginoo pa!"

"Kaya nga sobra ang pasasalamat ko sa pag tatyaga niya eh."

"Teka nga pala maalala ko,bakit nga pala galit na galit sa kanya si Charles gayong mag pinsan naman sila?May alam kaba tungkol doon?"
Sabi nito ng may pagtataka.

"Alam mo hindi pa namin napag uusapan yan,maige nalang at ipinaalala mo.Madalas kong makalimutang itanong yan sa kanya."

"Bakit hindi ba siya nagkukwento sayo tungkol doon?

"Hinde eh."

"Bakit kaya sa pagtatama palang ng mga mata nila ay tila laging magkakaroon ng giyera?"
Tanong pa nito.

"Baka naman dahil sa natatapakan nito ang ego nung isa.Yun lang ang nakikita kong dahilan bukod doon ay wala na.Si Yvette parin habang lumalagok ng beer.

''Wala namang nababanggit sakin ang Abuwelo.''Sabi niya na nag iisip parin.''



''Humpp!Baka naman kasi masyado lang talagang may sapak sa ulo yang si Charles.Hindi na ako magtataka.E ikaw nga itong nananahimik na ay  ginugulo pa niya!Siya nanga itong pinagsimulan ng gulo ng dahil sa pagiging imature at selfish niya,tapos itong kararating niya lang ay ganoon pa ang ibubungad niya.Pasalamat nga siya at napakabait mo,alen?kung wala ka ay paano nalang ang pamilyang iniwan niya?Kapal naman talaga.''



''Ano kaya ang gagawin ko?''Napabuntunghininga niyang tanong dito.''



''Ano pa?Huwag mo siyang bigyan ng pagkakataong bwisitin ka nanaman.Madaliin mo ang kasal niyo ni Dave para wala ng hahabulin pa ang pako na iyon sa iyo.''


At napaisip siya sa sinabi ng kaibigan.



CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon