16:FOLLOW ME

944 39 2
                                    

Pagdating nila sa pamamahay ng mga Cross ay agad sumalubong ang ina ni Charles sa kanila.Nakita naman niya ang kapatid nitong nanunood ng tv sa malaking salas habang nanginginain ng chokolate.Kapag tapos humalik ni Charles sa ina ay nagmano naman siya rito.Napansin niyang nakamata ito sa kanya ngunit tinanggap naman ang kanyang pag galang.

"Kanina pa naghihintay ang matanda sa liblary."Kapagdaka'y sabi nito sa kanila na ang tinutukoy ay ang abuelo Kentin.

Sumunod naman siya sa lalaki ng makita niyang papunta ito kung saan ang sinabi ng ina.Naratnan nga nila ang abuelo sa silid kung saan nakaupo ito sa pang isahang upuan.Nang lumapit sila ay nagmano siya.Ang lalaki naman ay nanatili lang sa lugar kung saan ito nakatayo.

''Umupo kayong dalawa''Sabi nito at kasabay nuon ay umupo sila sa pang tatluhang sofa na hindi kalayuan.

''Pinatawag ko kayo upang malaman nyo na sa linggong ito ang inyong Engagement Party,sapagkat nais kong sa susunod na linggo itakda ang inyong kasal.''Parehas silang nagkatinginan ng lalaki sa sinabing iyon ng matanda.At halos magkapanabayan pa nilang sinabi rito...

''Papano pong---''

''Kung inaalala niyo ang pag-aasikaso at pag pe-prepara ay huwag nyo ng alalahanin dahil nagawan ko na ng paraan 'yan mga apo.Sa darating na ikalawang linggo ang inyong kasal kayat maghanda kayo.Maliwanag ba?''Pag-uutos ng matanda.

''Pero Harabudji!"

''May problema ba Charles?''Sabi nitong ma awtoridad na biglang tumingin sa lalaki.

''Wala po.''

Gusto niyang matawa sa hitsura ni Charles na parang maamong tupa na hindi makabasag pinggan,kapag ang lolo na nito ang nag utos.Pagkatapos ng maraming detalye na matanda ay nakalabas narin sila sa wakas ng silid.Magkasabay silang lumabas nito.At halos mapatalon siya ng biglang magsalita ang lalaki habang naglalakad sila palabas.

''I want you to go with me now!''

''Bakit saan tayo pupunta?''Nagtatakang tanong niya rito.

''Upstairs. Inside my room''

''Ano?????''Pabigla niyang sagot rito.

''Teka,Teka,teka lang ano ba!!?"

Habang pinipilit niyang tanggalin ang malabakal na mga daliri nito na nakakapit sa kaliwa niyang braso.Lalo na ng mapadaan sila sa sala at makita niya ang mapanuring mga mata ng ina nito na nakatingin sa kanila na tila nagtataka.Tinanguhan niya na lamang ang babae at hindi malaman ang gagawin dahil para siyang robot na hinihila nito papanhik sa matarik at kulay puting hagdan na ang hawakan ay kulay ginto.Maige na lamang at carpeted ang bawat baitang nito,kung hindi'y baka nahulog na siya dahil sa walang ingat na paghila nito sa kanya.Binitawan lang siya nito ng makasigurong nasa loob na sila at inilock ang pinto.


''Anong plano mo?Anong gagawin mo sakin?wala sa usapan to ah!'' Nahintakutan niyang sabi rito.


Galit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya at unti unting lumapit ng hindi nagsasalita.

Hindi rin siya makakibo at inilipat ang tingin sa kisame habang palunok lunok na unti unting humakbang paurong.
Nanatili ang mga tingin nito sa kanya.

"Teka!,teka lang,"Hindi niya tuloy malaman ang sasabihin dito.

''Why? Are you afraid of me now?!''Pagkatapos ay sabi nito.

Nagpatuloy ang paglapit ito sa kanya habang siya ay patuloy  ang paglayo rito.Namutla siya ng naging mabilis ang paglapit nito sa kanya.Natatarantang napalingon siya sa likod sa pag asang may uurungan pa siya,lumingon siya bigla sa kanyang likuran at nakita niyang ang nasa likod niya ay isang malaking damitan ay lalo siyang nahintakutan rito.Ihaharang niya sana ang braso niya upang pigilan ito ng maunahan siya at biglang dakmain.
Sa kwelyo??mulagat ang mata niyang tinignan ito deretso sa mata.

''What made you think na papatulan kita?"
Sabi nito na naniningkit at may kasamang pang iinsulto ang mga tingin.Kasunod ang paghagod sa kabuuan niya ,sabay iling.

''Look at you!''Sabi pa nito at binitiwan siya.

Pulang pula siya sa kahihiyan.Kahit naman ganon siya ay may damdamin rin siyang nasasaktan.Katulad na lamang ng ginawa nitong pang iinsulto sa kanya.Parang sa tagal ng panahon na nabuhay siya ,ay ngayon lamang siya tinablan ng pang iinsulto.

''Bakit sino bang hindi mag iisip ng masama?At bakit dinala mo ako rito?Ano ba talaga ang kailangan mo?''
Inayos niya ang kuwelyo ng damit na kanina lang ay hablot nito.

''Sit!''Gamit ang mga mata nitong itinuro ang kamang malaki sa gitna ng silid.Lumapit siya roon at naupo.


''Siguro naman ay naintindiahan mo ang mga sinabi ng lolo?"Pag uumpisa nitong tila sa kanya balak ibunton ang lahat ng nararamdaman nito.
Bakit sa kanya?e sila namang dalawa ang nagplano nito ah?

''Dapat mong malaman ang magiging set up nating dalawa.Ang makikinabang ng higit rito ay ikaw!.Wala kang ibang susundin kundi ang lahat ng sasabihin ko!"

"Grabe! Ano ba ito? Paghuhukom?"

"Shut up! Just listen!"

"Bakit puro nalang ikaw?paano naman ako?lagi nalang ako ang makikinig?"Sagot niya rito bagaman kabado ngunit hindi niya parin napigilan ang sarili.

"Baka nakakalimutan mong nakipagkasundo kana sa akin?Wala ng oras para tumutol!"
Nakita niya ang nagngangalit na mga ugat nito sa leeg na nag uumpisa ng maglabasan dahil sa nauubos na pasensiya.

Oo nga pala!muntik na niyang nakalimutan.Wala na pala siyang magagawa.

Inumpisahan nito ang mahabang litanya na mukhang taliwas sa sinabi nito kanina na higit para sa kanya ang lahat ng iyon.Lumalabas na nagtatago lamang ito sa mga salita ngunit maliwanag pa sa patak ng ulan na mas pabor dito ang mga plano nito.
Ano pa ang dapat niyang sabihin?May magagawa paba siya kung sakasakali?
Para lang siuang iginisa nito sa sariling mantika.

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon