Tapos na silang kumain ng pasunurin sila ng matanda sa tila museo ng mga aklat sa dami nito na nakapalibot sa hindi mabilang na palapag.Habang naglalakad ay halos magkanda bali ang kanyang leeg sa pagtingala sa mga ibat ibang uri ng aklat.Paikot sa buong silid ang mga aklat,para bang yung napanuod nya sa mga adventure movies sa mga local dvd's na nabibili sa palengke.
"Maupo kayo"Habang iminuwestra ng matanda ang dalawang upuan sa gitna ng silid.
"Siguro naman iha ay alam mo na kung bakit ka narito! at alam kong nasabi na sa'yo ng aking apo ang mga pangyayari."
Napatango siya sa matanda at napatingin sa lalaking katabi na tikom ang bibig.
"Gusto kong maikasal kayo kaagad sa lalong madaling panahon.Ang mapapangasawa mo ang magmamana ng buong kayamanan ng mga Cross at inaasahan kong magiging maayos ang lahat sa inyong dalawa."
Kita ang awtoridad hindi lamang sa panlabas na anyo ng matanda kung hindi sa kung paano ito mag salita.Napalunok naman siya ng biglang nagtama ang kanilang mga mata ni Charles.
Seryoso itong nakatingin sa kanya."Ah iha, gusto ko sanang makaharap ang iyong ina upang makausap narin siya tungkol dito.
Charles ikaw na munang bahala sa kanya. Ipasyal mo muna siya sa buong Hacienda at ipamili mo narin siya ng mga bagong damit.Iha magpapahinga na muna ako."
Pagpapaalam nito sa kanila.Agad naman siyang tumayo upang alalayan ang matanda.Ni hindi man lang niya nga pala nasabi na malubha ngayon ang kanyang ina.Bigla naman tumalikod ang katabi niya at sumunod siya rito.Hindi man lang siya pinagkaabalahang yayain man lang.Para tuloy siyang alalay na susunod sunod sa lalaki.
Habang nasa sasakyan sila ay wala silang kibuan sa likod ng sasakyan.Tila lagi nalang nag iisip ang lalaki.Siya naman ay prenteng nakaupo habang nakadekwatro sa tabi nito.
Gusto man niyang tanungin ito kung saan sila pupunta ngunit tila nagdadalawang isip siya,kayat tumingin na lamang siya sa bintana.
Nang bigla niyang naramdaman ang pagtabig nito sa kanyang binti na kanina lang ay naka dekwatro,gamit nito ang mga daliri at kasabay ng pagkagulat niya.Nang sulyapan nya ito'y nakita niya ang mapanukat at mapandarag na mga matang nakatunghay sa kanya.Nagtataka nanaman siya kung ano nanaman ang hindi nito nagustuhan sa kanya.
"Dont ever do that again when you're with me."
Bigla nitong hirit sa kanya.Na ang ibig tukuyin ay ang pagdedekwatro niya."Bakit ka ba nakikielam? Pati ba naman pag upo ko?."
Nakaingos niyang sabi rito.Tinignan naman siya nito at sabay nagsalita.
"From this day onward I have all the rights, especialy when I'm involve.Babo!."
Mariing sabi nito na magkalapat ang mga labi."Hindi ako bobo ha!"
Galit na sabi niya rito.Napangisi ito sa kanya bigla.
"May sinabi ba akong bobo?dangsin-eun babo!.""Huwag ka ngang nagsasalita ng hindi ko naiintindihan!baka minumura mo na ko nyan eh".
Para namang walang narinig itong inignora lamang siya.
"Akala mo'y kung sinong Poncio Pilato itong mestisong bangus na ito'.May araw ka rin!!!.
At biglang huminto ang sasakyan sa isang sikat na bilihan ng mga magagarang damit.Magkasabay silang pumasok at narinig niyang binati nito ang isang kagagalang galang na babaeng naka two piece Suit na unang lumapit sa kanila.
Kahit hindi pa ito ipinakikilala sa kanya ay alam nyang eksperto ito pagdating sa damit dahil sa hitsura pa lamang ng babae'y hindi mo maipagkakaila.At naka ngiti itong sinulyapan siya.
"Ikaw na ang bahala sa kanya Diane, All sets.".Narinig nyang sabi nito sa babae, kasabay ng pagsulyap nito sa relos.
Iiwan na sana siya nito ng bigla siyang tumayo at hinawakan ito sa braso.
"Teka,teka iiwan moko rito?"Hindi muna sumagot ang lalaki, sa halip ay sinundan niya ang tingin nito sa kamay niyang nakakapit sa braso nito, kayat para siyang napapasong bumitiw.
"Siya na ang bahala sayo"
At pagkatapos ay tumalikod na at lumakad papalayo.Siya naman kasi,kung bakit ba naman nagtanong tanong pa siya, 'e ano ba namang kasing alam nya rito?Samantalang maliwanag pa sa sikat ng araw na sinabi ng matanda na samahan siya.Ano't para siyang basurang iniwan na lamang sa kalsada.
Kaya nga ba't marami na talagang mga kababaihan ngayon ang mas ginugusto ang isang katulad nya, dahil tingnan mo naman ang mga lalaki sa ngayon, puro mga walang modo at bastos!.
Bakit nga ba kasi hindi pa siya ginawang tunay na lalaki?Patutunayan niya na mas may ibubuga siya rito kung pag uugali lang ang pagbabasehan.
Ang dami pa namang pagdurusa sa pagiging babae.Ops!Ops! Bawal sisihin ang Diyos! Ang sabi nga,lahat daw ng nangyayari ay may dahilan at siya lamang ang nakakaalam ng lahat.
Ang sisihin niya ay ang lalaking masungit.Nararamdaman niya na hindi magiging madali para sa kanya ang makasama ito.Ngayon pa nga lang ay bangayan na sila ng bangayan e....
Hindi humihinto ang kanyang isip.Buhat noong umuwi siya galing Korea ay worried na siya dahil alam na niya kung ano ang haharapin sa pag uwi.
Tama nga at hindi siya nagkamali.
Doon lamang sa tomboy na iyon ay tiyak niyang bibigyan siya nito ng sakit sa ulo.
Hindi naman siya papayag na gawin nito ang lahat ng nais,hindi siya nagsumikap ng husto upang ipamigay lamang ang kanilang kayamanan sa isang tulad nito.Nagkakamali rin ang kanyang abuelo sa pag aakalang muli itong masusunod at susunod naman siya.Ngayon pa na pagkatapos siyang ikasal ay nasa kanya na ang lahat ng karapatan upang siya naman ang masunod.
Hindi ba maliwanag na sabi nito na mula sa araw na siya ay magpakasal sa babaeng gusto nito para sa kanya ay awtomatikong ililipat nito ang pamamahala ng lahat ng kanilang negosyo sa kanyang pangalan.Alam niyang may isang salita ang abuelo at iyon ang kumpiyansa niyang matutupad ang kanyang mga ninanais.Sa ngayon ay dapat na niyang ipalagay ang isip.Alam narin niya kung paano hahawakan ang tomboy na iyon.Hindi niya alam kung talagang matalino ang abuelo o nagtatangatangahan lang.Hindi ba nahalata nito na iisa lang gusto ng tomboy na iyon at siya?
Babae...
Unpredictable talaga ito.Hindi niya kasi alam kung ano ang plano nito.Alam niyang alam nito kung ano ang babaeng iyon.Hindi na kasi kaylangang hulaan.Sa kilos galaw at pananalita palang ay malalaman mo na.Sa tulad pa ng kanyang lolo?
Idagdag pa ang pamilya ng tomboy nasa tingin niya ay kaagad niyang makukuha ang loob.
Sa mga dukhang katulad ng mga ito iisa lamang ang matunog.Salapi.
Pagkatapos ng kanyang plano ay siya na ang bahala sa mga ito.Hindi naman siya ganoong kasama.Magagamit niya ang mga ito sa katuparan ng kanyang mga plano sa sandaling maisalin na sa kanyang pangalan ang lahat ng negosyo ng matanda ayon sa ipinangako nito sa kanya.
Panahon na upang siya naman ang masunod.
Aahunin niya ang kapatid at ina sa isang diktador na katulad ng kanyang abuelo.Gusto niyang magtanggal ng sakit sa ulo at alam niya kung saan niya iyon matatagpuan.
Napangisi siya.
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...