9:THE ALMIGHTY

1K 48 3
                                    

Habang pababa sila sa malapalasyong tahanan kung saan ngayon lamang siya nakakita ng ganito sa personal na karaniwan nya lang nakikita sa mga magazine na mga napupulot niya na ipinangsisilab sa kalan nilang de uling galing basurahan ng mga homeowners.

Kulay puti ang buong kabahayan at makikita mong napapaligiran ito ng mga kulay gintong mga tila rehas na nakapaligid sa buong lupain.bago sila pumasok ay nasa bandang gilid ang napakalaki at napakagandang fountain ng babae na may dalang malaking banga at itoy tumatapon sa pinaka lapag ng buong fountain,kulay puti ito.

Iba talaga mayayaman ano?Kahit anong oras ok lang sa kanilang magtapon ng tubig,samantalang sila halos magpunas nalang ng katawan dahil lintek ang mahal ng isang timbang tubig.Biruin mo kwatro pesos ang isang timba?.
Kaya karamihan sa lugar nila kundi mga amoy malansa mga amoy bulok na daga.Paano siguro'y pagtapos kumain imbes na maghugas ng kamay ay sige lang sigurong pahid sa mga damit na suot.

Teka nasaan ba siya?Mukhang naligaw yata siya sa white house?Hindi kaya mga patay ang pupuntahan nila rito?Aba'y sa sobrang puti kasi ng nakikita niya ay parang nitso na ang mga ito o di kaya'y Museo?.

Bago sila pumasok sa loob ay sinulyapan niya ang lalaki.Nakita niyang bukod sa seryoso ito ay waring naging mas suplado at tila robot sa tigas ng galaw.Bakit naman siya nasuong sa ganitong sitwasyon at mga tao? Ano kaya ang itsura ng Transformer, este ng lolo nito?

Pag tapat nila sa mala higanteng pinto ay nakita nyang binuksan ito ng lalaking may edad na,na nakaitim na terno.Tulad ng katabi nya, para itong isa sa mga taong bantay ni rizal na hindi maibali ang leeg sa tigas.
A

no kaya kung sabuyan niya ng ipis ang mga ito sa mukha gaya ng ginawa niya nung bata siya sa mga bantay ni Rizal noon?Paano nga nama'y masyado siyang naging interesado kung gagalaw nga ang mga ito.Biruin mo iyon gumalaw nga! At nagpapapagpag ang mga ito,siya naman ay halos mamatay matay sa katatawa.At pagkatapos noon ay katakot takot na palo sa puwit ang inabot niya galing sa ina dahil sa sobrang kahihiyan nito ng dahil sa kanya.
Ngingiti ngiti siya dahil sa alaalang iyon ng bata siya na isa sa hindi niya malilimutan ngunit matatalim na tingin ang ipinukol sa kanya ng lalaking nauuna na at pilit siyang pinabibilis.

Pakiramdam niya tuloy ay mas lalo siyang naging interesado sa hitsura ng sinasabi nitong robot,este lolo pala.

Nang tuluyan na silang nakapasok sa napakalaking sala ay nakarinig siya ng tukatok ng baston.Kaya sa pagbungad ng may ari nito ay sa baston siya unang napatingin papataas.At nakita nya ang isang matandang lalaki na hawig ng katabi nya,mataas din ito,at bakas ang kaistriktuhan sa hitsura palang.Ngunit di katulad ng katabi nya,hindi ito mukhang koreano,manapa'y tila isang kastilaloy.

"Harabudji"
Biglang nagsalita ang katabi nya.

Saka lamang ngumiti ang matanda sa kanya.Atas ng kagandahang asal ay lumapit siya dito at sabay inabot ang kanang kamay nito at nagmano siya.Naramdaman niyang hinimas siya nito sa ulo at hinawakan ang isa niyang kamay at tiningnan ang suot nyang sing sing.
Pag angat niya ng paningin ay nakita niyang lumawak lalo ang ngiti nito sa labi.
Gwapo naman pala ang matanda gaya ng inaasahan niya.

"Kumain kana ba iha?"
Tanong nito sa kanya.

"E  hindi pa nga po lolo.Kayo po kumain naba?"
Nakatawa niyang tanong dito.

Tatawa tawa itong inakay siya papunta ng mahabang lamesa.Naramdaman nya namang nakasunod ang apo nito sa kanila.

Siya namang pagdating ng isang may edad na babae na kahit na may edad na ay ubod parin ng ganda.Nakakapit dito ang tila 10 taong gulang na matabang batang lalaki na nakasalamin at may subo subong chokolate na ang iba'y kumalat na sa palibot ng labi at pisngi nito.

"Casandra narito na siya!"
Ang sabi ng matanda sa babae.

Nakita nyang sinulyapan siya nito at tinanguhan.Na kahit hindi nagsasalita ay sigurado siyang hindi siya gusto.Ang batang lalaki naman ay nakatingin lang sa kanya.

Sabay sabay silang dumulog sa hapag. Nakita niya ang ibat ibang putaheng masasarap.Halos lahat yata ng naka lapag sa lamesa ay paborito nya.Mayroon din namang pagkain na hindi nya masyadong kilala,gaya nalang ng isang malaking plato na naglalaman ng tila kulay orange o pula na kung anong hinaluan ng gulay,nakalimutan na niya ang tawag dito.Karaniwan niyang nakikita ito sa mga korean novelas.Teka,ano nga bang tawag dito?k-kuwan,tamaaa,kwamchi!Yun nga ,kwamchi!oha!!!...
Mukhang masarap ito base sa kulay palang.
Kaya't ang kinuha niya ay ang katakam takam na  kaldereta!.

Nakita nya namang patango tango ang matanda sa kanya habang nakatingin ito sa mga pagkaing kinuha nya .Bahagyang  nakangiti ito na ginantihan niya rin ng matamis na ngiti.

Paminsan minsan ay tinatanong siya ng matanda tungkol sa pamilya niya sa mga pinagdaanan  niya,na nasasagot naman niya ng may pag galang.Nang mapasulyap siya sa mag iina ay pareparehas ang itsura ng mga ito.Puro mga seryoso ang mga mukha.
Anong problema ng mga ito?

Samantalang ang lolo Kentin ay masayang pinanonood siyang kumakain. Napasulyap naman siya sa binata.Mukhang masama ang tingin nito sa kanya.Para bang ilang segundo nalang ay gusto na siya nitong banatan.Mabuti nalang at ang hapag kainan nila ay tila katulad ng sa last supper ang haba.Tamang tama na nasa gitna ang lolo,Sino ang hudas?malamang iyong laging nakasibangot.
Ipinagpapasalamat narin niyang lima lang silang naroroon,pwera ang mga katulong na nakapaligid sa kanila.


Ganito ba talaga rito?Parang mga robot ang kasama niya.Ano kaya ang dahilan?Kung titingnan naman niya ang matanda ay mukha naman itong mabait.Pati ang bata ay  patingin tingin sa kanya na tila tinatantiya siya.
Nginitian niya ito ng minsang mapasulyap ulit sa kanya at ang naging sagot?Dila mula rito.Gusto niyang matawa.Atleast normal ang bata.Walang nag uusap habang kumakain.
Siya naman ay tuloy tuloy lang sa masasarap na mga pagkaing nakahain.Akala mo'y piyesta na!Tila pampasko lang yata may ganito at hindi pa sa kanila kundi sa mayayamang bahay sa mga subdivision,samantalang dito ay para lamang iyong natural na natural sa mga ito.

Sayang,kung kasama lang niya ang mga kapatid at kanyang ina siguradong isang kisap mata lang ang mga iyon.
Kaya nga ba sinunggaban na niya ang mga pangyayari,para bang sabi nga sa mga kasabihan, opportunity knocks once.In tagalog ay hihimatayin karaw pagkumatok na ang swerte,yun ang sabi ng nanay niya!Kaya kahit ganoon ang ina na tulad niyang kumikero ay mahal na mahal niya ito,bakit nga ba?Dahil lahat ng problema ay kaya nilang tawanan.Alen?Di nga ba nahuli niya ang mga ito at mga kapatid na tuwang tuwa dahil sa hawak nitong mga lilibuhin.

Tama ang kapatid niya.Mukhang balak na yata nitong ipamigay siya.Para naman sa mga ito ay handa naman siya para sa mga kinabukasan ng mga taong mahal niya.
Sayang nga lang at hindi ito nakikita ng isang taong kanina pa masama ang tingin sa kanya,narito na nga ang lahat ngunit tila bulag ito.
Ganoon nga kaya kapag sobrang dami ng pera ng isang tao?Wala ng kakuntentuhan?hayyy,,,napakaiksi pa naman ng buhay para sa pag gugol ng walang kapararakang paghahangad sa isang bagay na wala naman talagang halaga.

Basta sa kanila,hanggat walang nagkakasakit ay biyaya ng Diyos ang isang bagong umaga at iyon ang isang malaking kayamanang hindi kinakain ng tanga.

Nang isang tangang tulad nitong lalaking ito!.

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon