5:WHAT ARE YOU?

1.1K 46 2
                                    

Nasa kalye sya ng itext siya ng kanyang kapatid sa kanyang pangkaskas na unit ng cellphone.May naghahanap daw sa kanya.

''Sabihin mo wala ako! kasama ko ngayon si Yvette.Baka magka
panabay pa yan,malilintikan ako.''

Halos kakasend pa lang niya ng mensahe ay nagtext na naman ang kanyang kapatid.
Napakamot siya ng ulo dahil hihilahin na niya sana ang kanyang tricycle papunta sa pinaka unahan ng pila ng muli ay  tumunog ang kanyang cellphone.

''Naku kuya hindi po babae .Tatlong lalaki ang narito sa bahay.
Lalong nangunot ang kanyang noo.

"Kuya,baka napasubo ka nanaman sa trobol?!
Bilisan mo dahil  kanina pa nagagalit  si nanay.''

''Oy Jojo ano ba?kanina pa umusad ang pila,hindi kapaba aandar?"
Naiinip na sabi sa kaniya ng kasunod niya sa pila.

''Sige ikaw na!uuwi muna ako ''.
Naaasar niyang sagot dito.

Matay man niyang isipin ay hindi niya maalala kung may nakabangga ba siya nitong mga huling araw?tatlo?
kaya niya ba ito ng sabay sabay?bahala na.Basta ihahanda na niya ang pag ilag lalo na sa kanyang precious face na laging kinokoberan habang nakikipaglaban
dahil  ito ang pinakamahalaga sa kanya.Ewan,sa tagal siguro ng pakikipagbasag ulo niya dati pa ay nasanay na siya.Marami na siyang trobol na nasangkutan at karamihan ay pulos tungkol sa babae.Sa awa naman ng Diyos ay nananalo naman siya.Napatunayan niya kasi na hindi lakas ang batayan ng panalo kundi ang tamang diskarte kung paano iilag sa kalaban.

Pag dating niya sa kanilang bahay ay may nakita nga siyang isang van na  kulay abuhin na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay at pinagkakaguluhan ng mga kapit bahay lalo na ang mga bata.Lalo siyang nagtaka.

May van?mayaman ba ang mga nakabangga nya?ngayon siya nakaramdam ng takot.Idedemanda ba siya ng mga ito?Naku huwag naman sana .Kawawa naman ang kanyang pamilya,mauulila ng dahil sa kanya.
Siya lang naman ang nagtatrabaho.
Di bale. baka naman makuha sa pagmamakaawa.Baka ngayon lang siya makagawa ng ganito pag nagkataon.

Pag pasok niya sa bahay ay sinulyapan niya kagad ang mga lalaking nakaupo sa maliit nilang sofa.
Akala ko tatlo?isip isip nya.

"So here you are!"

Narinig niya ang baritonong boses na nagsalita sa bandang likuran niya.Nakita niyang nakatayo sa likuran ng pinto si Cyrus??tama,yun bang kapartner ni Kim sam soon sa my name is Kim Samsoon.Ba't naligaw to rito?Koreanong Koreano ang dating nito.Koreanong english speaking nga lang.

Isa lang ang napanuod niyang korean novela nuon,pero buhat noon halos lahat ng korean drama sa tv ay kinahiligan na niya.
Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa habang iniikutan niya mula unahan hanggang likuran ng lalaki.
Naka polong puti ito at slacks na kulay krema at naka itim na balat ng pang pormal na sapatos.Bukod sa sobrang puti nito at sobrang bango na tila naging air freshener yata sa buong bahay nila ay matangkad ito.Sa tantya niya'y mga 5'10 yata o 6 footer ito.Ipinagkumpara niya kasi sa taas niyang 5''6.Malapad din ang kaha nito.hindi na masama.Isip isip niya pero hindi niya matatanggap na mas magandang lalaki ito kaysa sa kanya.

Nang makabalik siya buhat sa pagikot dito ay...

"Kilala ba kita?para kasing ngayon lang kita nakita pare,baka naman nagkamali ka lang ng bahay na pinasukan?''
Nakapameywang niyang sabi dito.

"Ano game naba?saan ba tayo? dito o sa labas?basta isa isa lang ha!mahina kalaban.''
Sabi nyang tila naghahamon.

''I dont play games.''
Sa halip ay nakasimangot
na sa sabi nito sa kanya.

"Im here to discuss an unfortunate history involving our future and I need  you to come with me to talk about it."
Inip na inip na sabi nito.

Kahit naman ganoon ay naintindihan naman niya ito,dahil kahit papaano ay nakapag highschool naman siya at ang gusto niyang mga pinanunood ay puro english,tinatamad siya kapag tagalog ang palabas.Para siyang nababaduyan o hindi lang talaga niya feel ang mga pelikula sa ngayon.Napasulyap siya sa kanyang ina.Mukhang nag aalala ito para sa kanya.Ganoon pa man ay tumango ito sa kanya.
Ang kapatid naman niya ay nakatunganga lang sa kanilang lahat.

Ilang beses na niya itong tinanong kung ano iyon ngunit isa lang ang pinanindigan nito.Kailangan daw niyang sumama sa mga ito.Nag aalala man ay sumama na siya pagkatapos niyang sumenyas na kuhanan ng picture ni Jinky ang lalaki ng hindi nito nahahalata.Alam na nila ang mga galawan.Tiyak niyang hindi lang ang lalaki ang kukunan nito ng letrato kundi pati narin ang plaka sa sasakyan ng lalaki.

Nasa loob na sila ng sasakyan ay malayo na ang nilakbay ng kanyang isipan.Magkatabi sila sa upuan sa pinaka gitna ng sinulyapan niya ito na nakatingin sa labas ng bintana habang may kausap sa cellphone na mukhang bagong modelo sa unang tingin niya palang.Samantalang ang cellphone na gamit nila e may camera nga ,secondhand naman na binili pa nila ng 300 sa adik.Iba talaga ang mayayaman lalo na ang loob ng sasakyan nito dahil kanina pa siya nangingikig sa lamig.Sobrang lakas naman kasi ng aircon .

Ang dalawa naman ay nasa unahan.Ang isa sa driver seat.Driver pala ito.Ang isa siguro ay body guard,dahil sa laki ng katawan nito.

Gaya ng kanyang inaasahan sobrang bango.Lalo na rito sa loob dahil kumakalat ang amoy ng lalaki kahit na nakita niya itong pawisang pawisan kanina sa loob ng kanilang bahay.Ganito ba talaga ang mayayaman?hindi bumabaho?e samantalang palagay niya ay mabaho na ang katawan nya ay sobrang lagkit dahil sa pamamasada at sa pagkakaamoy niya ay daig pa niya ang nangalkal ng kilikili ng arabo.

Kung anuman ang sasabihin ng koreanong ito ay gustong gusto nya ng malaman.Tulad nito'y inip na inip narin siya .Ilang minuto narin silang bumabyahe,saan ba balak na mag usap nito?Sa 5 Star hotel pa ba?nagulat pa siya sa pagsulyap nya rito'y nakatingin din ito sa kanya.Tulad ng ginawa niya kanina ay tinignan din siya nito mula ulo hanggang paa.Sabay umiling iling ito at nagsalita.

"What are you?...''

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon