Simula

296 5 1
                                    

Simula





“Hand me the gun.”

Umiling ako.

“A-ayoko. Please…”

“Do you trust me?”

Oo! Oo, may tiwala ako sakaniya. Gusto ko man sagutin ‘yon pero alam ko ang magiging kapalit niyon.

Napapikit ako ng sunod-sunod na pumutok ang baril mula sa baba. Alam kong ilang minuto na lang ay makakarating na sila sa kung nasaang floor man kami at kung wala kaming gagawin ay pareho kaming mamamatay dito.

“I need to end it, baby.”

Umiling ulit ako. Lalong humigpit ang hawak ko sa baril.

I want to say that I can do it too. Na kaya kong lumaban para sakaniya, pero alam kong hindi. Hindi ako marunong sa ganito, ni hindi ko alam kung makakalabas pa ba kaming buhay dito kung sakaling maabutan kami rito.

“Alam mo kung ano’ng mangyayari sa’yo, Caden! Isang segundo lang,” lumunok ako at pinilit na iwala ang namumuong luha sa mata. “Isang segundo lang na makita ka nila… hindi mo sila mapipigilan na paulanan ka ng bala! They want your head! Kaya pasensya ka na kung sa puntong ‘to magiging selfish ako. I can’t lose you, too.”

“Pangako. Babalik ako. Tatapusin ko lang ‘to para makauwi na tayo. You are not going to lose me. If I needed to kill those who would stand in my way, I'd do it. For you.”

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Napapikit ako roon at sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng ginhawa. Dahan dahang lumuwag ang pagkakakapit ko sa baril. Kinuha iyon ni Caden at ichineck ang bala bago ako binalingan ng tingin.

“I want to end this here. You trust me, right?”

Tumango ako.

Masakit para sa akin na pinaplano niya. Gusto niyang lumabas sa kung saan kami nagtatago ngayon. Patay na ang kapitan ng barko, at kung hindi lalaban si Caden, pareho kaming mamamatay dito. Kung hihintayin naman namin ang back up, baka huli na rin lahat.

“Paglabas ko, you’ll go through that door.”

Tinuro niya pinto sa dulo. Malayo iyon sa pwesto namin at kapag binuksan ko ‘yon, alam kong gagawa iyon ng ingay na magiging dahilan para makatunog ang mga armadong tao sa baba.

“Listen to me very carefully. You can only do this once.” Tumango ako. Sinilip niya ang suot na relo bago ibinalik ang tingin sa akin. “On the count of three, you'll open the door at the same time as I open the door in front of me. I'll give you enough time. That room is typically equipped with communication devices to contact authorities or signal for help. You'll do that. Radio Jethro.”

Tumango ulit ako at sinilip ang pinto. Kinakabahan ako at ramdam ko na ang pagtulo ng pawis sa leeg at mukha ko. Hindi ako p’wedeng magkamali. Kung kinakailangan kong ulit-ulitin na contact-in si Jethro, gagawin ko.

“Kapag naradyohan ko na si Jethro, susunod ka na sa akin sa loob?” Tanong ko.

Matagal bago siya sumagot. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko sabay halik doon. When he looked at me, urgency flickered in his eyes. I knew without words what he needed me to do. With a nod from him, I understood the plan: radio Jethro, get the life vests, and jump aboard while Caden bought us time. The weight of the situation settled on my shoulders, but I focused, determined to act swiftly to keep us safe.

“Susunod ka, ‘di ba?” Ulit ko ulit.

Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

“Susunod ako. Humanap ka ng life vest at kapag nilingon kita, tumalon ka na. Jethro will be able to find you after he receives the text.”

“A-anong ako lang? Susunod ka, hindi ba? Mangako ka, Caden!” Tumulo ang luha ko. May pakiramdam akong kakaiba pero ayokong kilalanin ‘yon. Alam kong hindi niya ‘yon gagawin.

“I promised. Mas kailangan lang na ikaw ang unang mailigtas bago ako, Vallia.”

Lumunok ako. Nababalisa na ako sa nangyayari at sa sandaling katahimikan sa baba. Alam kong bilang na lang ang minuto at siguradong paakyat na sila rito.

Sa isang tango mula kay Caden ay mabilis kong tinungo ang pinto. Sabay namin binuksan ang magkaibang pinto at sa nanginginig na kamay ay tinawagan ko si Jethro.

“Please, answer the call…” bulong ko.

Sinilip ko si Caden at nakatago pa rin siya sa gilid ng pinto. Naririnig ko na ang yabag ng mga sapatos nila mula sa baba. Muli kong tinignan ang tawag, may sumagot na!

Nanginginig pa ako nang halughugin ko ang buong paligid para sa life vest habang hinihintay na sumagot si Jethro.

“Jethro!” Tawag ko mula sa radyo.

“The fuck are you giving me a distress ca—”

“This is Vallia. I’m with Caden. Please, we need help. We’re…we’re in a ship. Maraming armadong lalaki sa baba at sigurado akong paakyat na sila. They want Caden’s head. Please…” tumulo ang luha ko. “Please, locate us.”

Saglit na tumahimik ang kabilang linya bago ko narinig na sumagot si Jethro.

“On it. Get the life vest now, Vallia. Kami na ang bahala.”

Ngumiti ako at binitawan ang radio. Napaigtad ako nang magsimula akong makarinig ng putukan ng baril. Nanginginig ang kamay ko habang isinusuot ang life vest. Saktong dalawa ang nandito kaya naman nang masuot ko na ang akin, tumakbo ako papunta sa pinto para mabigay ang isang life vest kay Caden para sabay na lang kaming tatalon kaso natigilan ako.

Lying on the floor is him, bathing in his own blood. Lifeless.

My hand instinctively rose to cover my trembling mouth as tears streamed down my cheeks, betraying the fear and disbelief swirling within me. How could he? The realization hit hard, like a sudden gust of wind knocking the breath from my lungs. Caden knew... From the moment he checked the gun, he knew. I couldn't accept it; I couldn't fathom that he would take such a risk, knowing that there was only one bullet in the gun. It didn't make sense, yet my heart is slowly breaking into pieces.

Nakita ako ng isang armadong lalaki na nakasilip sa walang buhay na katawan ni Caden. Ayokong umalis. Kung papatayin nila ako, dito na! Kung gagawin man nila ‘yon, gusto kong dito na. Pero sa tuwing naalala ko ang pag-asa sa mga mata ni Caden nang sabihin niyang radyohan ko si Jethro, agad akong nakaramdam ng lungkot. Alam niya… sa simula palang alam niyang wala siyang laban. Alam niyang kung hindi niya haharangin ang mga armadong lalaki, pareho kaming mamamatay.

Nanghihina man ay mabilis kong sinarado ang pinto at inilock mula rito sa loob. Hinubad ko ang suot na life vest dahil alam kong mas mabilis nila akong makikita kung suot ko ito kapag tumalon ako.

Trembling uncontrollably, I stood on the deck, the violent sea churning beneath me as the fiery hues of the sunset painted the horizon. Unable to bear the weight of it all, at bago pa man ako abutan ng mga armadong lalaki, I let my body fall to the sea. The waves tossed me like a ragdoll, their cold embrace a stark reminder of the unforgiving power of nature.

My heart pounded against my chest, its frantic rhythm echoing the turmoil within me. In that moment, amidst the chaos of the storm and the deafening roar of the ocean, my thoughts were consumed by one thing: Caden.

Desperately, although it's impossible, I clung to the impossibility that he was still alive and refused to let go. With every fiber of my being, I held onto the belief that Caden was out there, somewhere, fighting against the storm, against all odds. And so, as the violent sea raged around me, As I slowly sank into the unforgiving embrace of the sea, I clung to that hope, praying for a miracle to guide him safely back to me.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon