Chapter 9: Confrontation

5.3K 129 0
                                    

Shanaia POV

"Well Shan, si Bryan lang ang makakatulong sayo." Sabi ni Kenneth sakin. Okay? Pano naman niya ako matutulungan?

"Pa'no niya matutulungan si Shan?" Tanong ni Jillianne. Tumingin muna si Kenneth kay Bryan at sumagot.

"Eto lang kasi naisip ko eh. Magpapanggap kayo ni Bryan as a couple. Tapos sasabihin mo sa Papa mo na may boyfriend ka na. Baka sakaling magbago ang isip ng Papa mo at wag ka nang i-arrange marriage kay Kyle." Pagpapaliwanag niya. "Ano Bryan, okay lang ba?" Tanong ni Kenneth.

"Pag-iisipan ko pa." Sagot niya.

Okay lang naman sakin yung suggestion ni Kenneth. Si Bryan nalang talaga ang problema. Jusko. Sana pumayag siya.

"Okay. Manood nalang tayo ng movie." Sabi ko at pumunta sa lalagyan ng mga CD. Pumili ako dun nang may mahagip yung mata ko.

"Gusto niyo ba ng horror?" Tanong ko. Tumango silang lahat. Buti naman. Gusto ko din ng horror eh. Unfriended pinili ko. Kapag may bagong movie may mga CD na pinapadala samin kaya hindi na namin kailangan pumunta ng cinema.

Nagsimula na yung movie kaya natahimik na kami.

___________________

Kakatapos lang namin panuorin yung unfriended. Medyo nanginginig parin ako dahil nakakatakot syempre.

Nandito kami ngayon sa may swimming area. "Anong gagawin natin ngayon? Uuwi na ba kami?" Tanong ni Kenneth. "Ewan ko sa inyo kung gusto niyong umuwi na. Mag-s-swimming kami eh." Sabi ni Jillianne.

"U-uh. U-uuwi nalang kami kung mag-s-swimming kayo." Nauutal na sabi ni Kenneth habang namumula. Bakit kaya siya namula? Hmm.

"Dejoke lang. Hindi kami mag-s-swimming. Kain nalang tayo ng dinner." Sabi ni Jillianne. Parang nakahinga ng maluwag si Kenneth dahil sa sinabi ni Jillianne.

"Okay. Tara." Sabi ko at lalakad na sana pero pinigilan ako ni Bryan. "Bakit?" Tanong ko habang nakatingin sakanya.

"May sasabihin ako sayo." Sagot niya pero hindi siya makatingin ng direcho sakin. Sinenyasan ko sila Ishie na mauna na. Mukhang na-gets naman nila.

"Ano yun?"

"A-ano k-kasi..."

"Kasi?"

"P-pumapayag na ako na magpanggap bilang boyfriend mo." Sabi niya kaya napayakap ako sa kanya pero agad din akong bumitaw nang ma-realize ko yung ginawa ko.

"S-sorry. Masaya lang ako kaya kita nayakap. Sorry talaga." Sabi ko habang nakatungo.

Inangat niya yung ulo ko at ngumiti, "Okay lang." Sabi niya habang nakangiti tapos pumasok na sa loob. Omo! Am I dreaming?! Ngumiti siya! Oh my God! Ngumiti siya! Ang pogi niya pala lalo kapag nakangiti.

Palagi kasi siyang walang expression kaya nagulat ako nung ngumiti siya sakin.

Sumunod na ako sa kanya sa loob pero napatigil ako nang makita ko sila Appa at Eomma. "Hello po Tito, Tita!" Sabi ni Jillianne at Ishie sakanila.

"Hello po Mr. and Mrs. Kim." Sabi naman nila Bryan at nag bow kila Eomma at Appa.

"Eomma, Appa!" Pag-aagaw ko ng pansin sakanila. Tumingin sila sakin, "Oh hello Shanaia. Kaibigan mo ba sila?" Tanong ni Eomma sakin.

"Ne. Pero boyfriend ko po yung isa sakanila." Sabi ko na ikinagulat nilang lahat except kay Bryan.

"Boyfriend? May boyfriend ka na Shan?" Tanong ni Appa sakin. Tumango ako. Oh my, patawarin sana ako ni God sa pagsisinungaling ko.

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon