Chapter 12: Party

4.7K 113 8
                                    

Shanaia POV

Birthday ko na! Kakatapos ko lang maligo at nagsuot lang ng simpleng damit. Mamaya pang 6:00 pm yung party. Sa garden yun gagawin. Bumaba na ako para kumain.

Pagbaba ko tumakbo agad sakin si Shane at hinalikan ako sa pisngi, "Saengil chukhahaeyo!" Bati niya sakin pagkatapos niya akong halikan.

"Kansahamnida." Sabi ko habang nakangiti, "Where is Eomma and Appa?" Tanong ko. [Saengil chukhahaeyo - happy birthday!]

"Eating." Sabi niya tapos nauna na sa dining room. Sumunod ako sakanya at nakita ko sila na kumakain.

Nung nakita nila ako tumayo agad sila at lumapit sakin tapos niyakap nila ako, "Happy birthday Shan. 17 years old ka na at may boyfriend ka na. Wag ka muna magpapakasal ha?" Sabi sakin ni Eomma.

Napasimangot naman ako, porket may boyfriend magpapakasal agad? Kung alam na nilana nagpapanggap lang naman kami ni Bryan.

"Hehe. Hindi pa po ako magpapakasal Eomma. Bata pa po ako." Sabi ko habang naka-awkward smile.

"She's right Yeobo. Masyado pang bata si Shan para magpakasal." Sabi ni Appa, tumango lang si Eomma at bumalik na sa upuan niya at kumain. Yeah right, masyado pa akong bata para magpakasal.

"Hey Shan, are you okay?" Narinig kong tanong ni Appa. Tumango ako at ngumiti sakanya. Umupo na ako at nagsimula nang kumain.

_________________

SCHOOL

Kakadating ko lang sa school. Pagpasok ko wala pa sila Jillianne at Ishie. Mala-late daw sila dahil may ginagawa daw sila. Pag-upo ko sa upuan ko may napansin akong sticky note. Matagal na akong hindi nakakatanggap nito ah. Ngayon nalang ulit.

Kinuha ko yung sticky note at binasa yun,

'HAPPY BIRTHDAY MISS BEAUTIFUL!

-LBC'

Yan yung nakasulat. Anong LBC? Yung LBC as in LBC pera padala? Psh. Anong kalokohan 'to? Magbibigay na nga lang ng clue LBC pa yung nilagay.

Kinuha ko nalang yung cellphone at headset ko saka nagpatugtog. 30 minutes pa bago magklase kaya natulog muna ako.

__________________

Nakaramdam ako na may kumikiliti sakin kaya nagising ako. Pagtingin ko nasa harap ko sila Jillianne, Ishie, Bryan, Kenneth, Kim at David na nakatingin sakin habang nakangiti.

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you. Happy birthday Shan!" Sabay sabay nilang sabi.

Tumayo ako at ngumiti, "Thank you guys!" Sabi ko sakanila. "Anong oras na pala?" Tanong ko. Tumingin muna si Kim sa relo niya at sumagot, "10:05"

O____O

Ibig sabihin natulog ako ng 2 hours? 8:00 kasi ang simula ng klase at 10:00-11:00 ang break time. 12:00-2:00 ang lunch namin. Ang bilis namin mag-break time 'no? After lunch magkaklase kami ng 3 oras tapos uwian na.

"Hoy Shan! Bingi ka na ba? Kanina ka pa namin tinatawag eh." Nakasimangot na sabi ni Jillianne sakin. "Sorry naman. May iniisip lang. Tara na." Sabi ko at lumakad na papunta sa cottage.

Pagdating namin sa cottage kumuha agad sila ng pagkain. Habang kumakain kami nagtanong ako, "May kilala ba kayong LBC?" Tanong ko.

Bigla namang nasamid si Bryan. "Pfft. LBC? Padalahan ng pera yun ah." Natatawang sabi ni Kim. Umiling ako, "Hindi LBC na padalahan ng pera. May nakalagay nanaman kasi na sticky note sa desk ko at may nakalagay na LBC." Sabi ko tapos kinuha sa bulsa ko yung sticky note at binigay sakanila.

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon