Chapter 40: PDA

1.7K 43 0
                                    

Bryan POV

Saturday. Pambakla sabihin pero weeksary namin ni Shanaia. 'Di ko nga lang siya kasama, nandito kasi ako sa ospital.

Gusto ko nga sana sabihin kay Shanaia na pumunta dito, kaso nasa mall daw siya, may binibili.

Sino naman kaya kasama niya? 'Di naman 'yun umaalis sa mansion nila ng walang kasama.

Kinuha ko 'yung cellphone ko at tinawagan si Jillianne, baka siya 'yung kasama niya.

[Yes?] Hindi talaga uso mag-hello sa mga kinakausap ko.

"Jillianne, kasama mo ba si Shan?" Tanong ko. [Hindi. Nasa'n ba siya?]

"Nasa mall daw kasi siya. Si Ishie ba, kasama mo?" Tanong ko ulit. [Hindi eh. Kakatawag ko lang sa kanya kanina, magkasama daw sila ni Ate Ivory na pupunta sa Japan ngayon.]

"Sige. Salamat."

[Okay. Bye.]

*toot toot*

Hindi kasama ni Shanaia 'yung dalawa niyang kaibigan. Hindi naman pwedeng sila Kenneth 'yung isama nun.

Sigurado ako na kung isa kila Kenneth 'yung kasama niya, tatawagan muna nila ako para ipaalam na kasama nila si Shanaia.

Sino pa kaya pwedeng isama ni Shanaia? Si Shane? Hindi din, bakit naman niya isasama 'yung kapatid niya sa pagbili ng coloring materials?

Nag-isip pa ako. Sino pa ba pwede?

O____O

'Yung kaibigan niyang ugok! Tama! Foncie yata 'yung pangalan ng ugok niyang kaibigan.

Tch. Sinabihan ko na siya na layuan 'yung ugok na 'yun eh.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya 'yung dahilan dahil 'di pa ako sigurado. Kailangan ko pang masigurado bago ko sabihin kay Shanaia.

Kailangan ko muna yatang mag-tiis dahil sigurado ako na makikipagusap at makikipagusap pa rin si Shanaia sa lalaking 'yun. Tch.

Tumingin ako kay Jingfei na kasalukuyang kumakain. "Jingfei..." Tawag ko.

Tumingin siya sa'kin habang ngumunguya. "Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?" Tanong ko. Nasamid siya at dali-daling uminom ng tubig.

"Bakit mo naman natanong?" Umu-ubo-ubo pa rin siya habang tinatanong 'yun sa'kin. "Wala. May itatanong kasi ako."

Uminom ulit siya ng tubig tapos nagsalita, "Nagkaroon ako. Pero after 1 year, naghiwalay na din kami."

"I see. May pinagselosan ka bang babae?"

Umiling siya. "Wala. Kaya naging kami, dahil pareho naming gustong kalimutan 'yung mahal namin. Pero 1 year na at wala pa ring nangyari ay hindi, may nangyari pala. Pero hindi 'yun dahil sa pagmamahalan namin."

O____O

"M-may nangyari na?"

Tumango siya at sumubo ulit. "Oo, may nangyari na. Gabi nun at pareho kaming lasing, pero hindi naman nagbunga 'yon."

O____O

Ilang taon na ba 'tong si Jingfei? Kasing edad ko lang yata. Mas matanda lang ako ng ilang buwan.

"Chinese din ba 'yung naging boyfriend mo?" Tanong ko ulit. "Hindi. Pilipino din siya pero nakatira siya sa California. Nagpunta siya sa China dahil gusto niya daw ma-experience 'yung buhay sa China."

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon