Shanaia's POV
Nagkaklase kami ngayon pero wala akong masyadong maintindihan sa sinasabi ng prof. namin. Pa'no ba naman may lisp siya, "Okay clatth, open your bookth on page thikthteen. Read that thtory thilently. " Sabi niya, o diba may lisp talaga siya.
Ang daming teacher dito na may problema sa salita. Una, yung prof. naming nakabrace. Pangalawa, eto'ng prof. namin na may lisp. At pangatlo yung isa pa naming prof. na nagiging v yung b at nagiging f yung p.
Example yung bag magiging vag, tapos yung page magiging fage. Gusto ko nga sana ipatanggal kay Appa pero baka wala silang mahanap na trabaho kaya wag nalang.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISMISS
Break time
Hay salamat after 1207 years natapos na din ang klase. As usual nandito parin kami sa cottage namin at kumakain. "Shan bakit nga pala ang daming biniling manika ni Shane? Diba takot siya dun?" Tanong ni Ishie sakin.
Speaking of doll, may nagpadala ng Barbie kahapon sa bahay. Hindi ko alam kung kanino galing pero tinanggap ko parin tapos nilagay ko nalang sa drawer na puro Barbie ang laman.
May sarili ding lalagyan yung mga Barbie dahil mahilig ako dun nung bata pa ako. "Hoy Shan! Tulala ka nanaman!" Narinig kong sabi ni Jillianne.
"Hindi ako tulala, may iniisip lang ako." Depensa ko. "Psh. Ganun na din yun."
"Hindi naman siya takot, ayaw niya nga lang kila Annabelle at Chucky Doll." Sagot ko.
"Saan nga pala galing yung Chaka Dolls na sinabi ni Shane?" Tanong ulit ni Jillianne. "Aba malay ko, baka napanood niya lang." Sagot ko pero ako talaga nagturo sakanya nun.
Tinanong kasi ako ni Shane kung ano meaning ng Chaka Dolls eh hindi ko alam kung ano yun kaya sinabi ko nalang na Chaka Doll, ang gulo 'no?
Umiinom ako ng tubig nang biglang nagtanong si Jillianne, "Sinong may first kiss na dito?" Tanong niya kaya bigla akong nasamid.
"Oh Shan bakit?" Tanong ni Jillianne. "Bakit mo naman natanong kung sinong may first kiss na dito?" Tanong ko. Ngumiti lang Jillianne tapos lumapit kay Ishie at may binulong, bigla namang napatawa si Ishie tapos ngumisi sakin.
I wonder kung ano yung binulong ni Jillianne kay Ishie.
Natapos na kaming kumain at ako ang maghuhugas. Habang naghuhugas ako nagtatawanan sila Ishie at Jillianne.
Bigla kong nalala yung nangyari kahapon. Hanggang ngayon naiinis parin ako sa ulagang nagnakaw ng first kiss ko. Naku! Pag nalaman ko talaga kung sino yun automatic na ipapa-kick out ko yun.
Dapat ko bang sabihin kila Jillianne at Ishie yun? Kaso baka magalit sila. Mali, hindi magagalit yung dalawang yun dahil sigurado akong matutuwa pa yun.
Natapos na ako sa paghuhugas ng pinagkainan namin at pabalik na sana kaso narinig kong nag uusap sila Ishie at Jillianne kaya nagtago ako at nakinig.
Oo na chismosa na ako, eh sa na-cu-curious ako eh.
"Oo nga, obvious na may first kiss na si Shan. Ilang beses ko nang tinanong yun diba pero hindi siya nag-re-react. Wala siyang pakielam. Pero ngayon, tingnan mo naman yung reaction niya. Omo! I'm so happy, may first kiss na ang baby girl natin Ishie!" Sabi ni Jillianne.
Leche 'tong dalawang 'to. Sinamantala na yung oras para mapagusapan yun. Ngayon ko nga lang naisip na palaging tinatanong ni Jillianne yun pero hindi talaga ako nag-re-react, titingnan ko lang siya sandali tapos babalik na ako sa kung ano man yung ginagawa ko. Pero ngayon.....haysss.
BINABASA MO ANG
Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]
Novela JuvenilPaano kung magkakilala ang isang taong cold at tahimik? Ano ang magiging trato nila sa isa't isa? Will they find LOVE? Date started: June 21, 2015 Date ended: October 29, 2015 Book cover by: Boydon_Jillianne