Shanaia POV
Pagkaubos ko ng cake hinugasan ko na yung pinagkainan ko at bumalik na sa living room.
Tiningnan ko yung calendar sa cellphone ko at July 4 na pala. Oh my 10 days nalang pala at birthday ko na. Ibig sabihin malapit na yung date? Omo!
Wait. Bakit parang na-e-excite ako? Eh di ko naman yata kilala kung sino yung ipapadate. Tsaka baka niloloko lang ako ni Ate Brianna.
Lumabas nalang ako ng bahay at naglakad-lakad. Nasa subdivision kami at kabisado ko naman 'to kaya okay lang.
Habang naglalakad ako may nakita akong pamilyar na mukha sakin.
Si Kenneth pala. Napatingin siya sa gawi ko at tumakbo. "Hi Shan!" Sabi niya pagkalapit niya sakin. "Hello. Dito ba kayo nakatira?" Tanong ko.
Umiling siya, "Hindi, dun kami sa katabi niyong subdivision. Naisip ko lang na maglakad dito." Sagot niya. "Ikaw, dito ka nakatira?" Tanong niya. "Oo." Sagot ko.
"Ga'no katagal na?" Tanong ulit niya. Minsan talaga madaldal 'tong si Kenneth eh. Palatanong. "Simula ng ipanganak ako dito na ako nakatira. So it means 16 years na akong nakatira dito. Mag-se-seventeen years sa July 14." Pagpapaliwanag ko. Baka magtanong nanaman eh.
Napatango nalang siya at tumahimik na, buti naman. Natahamik kami sandali dahil hindi namin alam kung ano'ng sasabihin. Hanggnag sa nagsalita siya, "Shan, gusto mo pumunta sa playground?" Tanong niya.
Tumango nalang ako at nagpunta na kami sa park. Habang naglalakad kami tinanong niya ako. "Shan, may naging crush ka na ba?"
"Oo"
"Sino?" Tanong ulit niya. "Sila Chanyeol, Lay, Kris, Luhan, V, Jungkook, Rap Monster at J-Hope." Sagot ko. Bigla siyang napatigil sa paglalakad at tumingin sakin habang nakakunot yung noo. Ano naman kayang problema nito?
"Bakit ang weird ng pangalan nila?" Tanong niya. Hindi niya yata kilala yung mga yun. Di naman yata siya k-pop fan eh.
"Mga member yun ng boy group." Sagot ko. Wag mo nang itatanong kung anong boy group. Wala kang makukuhang matinong sagot sakin. Tumahimik nalang siya hanggang sa makarating kami sa playground.
Umupo kami sa bench habang kumakain ng ice cream. Bumili kami kanina nung pagdating namin dito. "Di nga Shan, may naging crush ka na ba bukod sa mga sinabi mo kanina?" Tanong ulit niya. Bakit niya ba tinatanong?
"Oo, si Kyle Kazer Dave. Nung grade 4 ako hanggang grade 6." Pag amin ko. Bigla namang nasamid si Kenneth. "Bakit?" Tanong ko.
"N-naging crush mo si Kyle Kazer Dave?" Tanong ni habang umuubo-ubo parin tapos nanlalaki yung mata niya habang nakatingin sakin. Tumango ako. Naging crush ko talaga siya simula nung grade 4 ako hanggang grade 6. Nag transfer siya nung 1st year high school na siya sa ibang school kaya wala na akong balita dun. Naging crush niya din yata ako eh. Yata lang, di ko sure.
Nung parang naging okay na si Kenneth tinanong na niya ulit ako, "Ga'no katagal mo siya naging crush?"
Kumain muna ako ng ice cream tapos sumagot, "Mga 3 years din." Sagot ko.
Bigla ko tuloy naalala yung lalaking nakita namin sa mall, yung lalaking nakatama ng bola sakin. Medyo hawig niya si Kyle. "Kilala mo ba siya?" Ako naman nagtanong sakanya, kanina pa siya eh.
"H-hindi ah! Hindi talaga! Promise!" Sabi niya tapos tinaas pa yung kanan niyang kamay na parang nangangako. Parang ang defensive naman yata ni Kenneth. "Weh?" Tanong ko ulit. "Oo nga promise! Hindi talaga!"
BINABASA MO ANG
Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]
Teen FictionPaano kung magkakilala ang isang taong cold at tahimik? Ano ang magiging trato nila sa isa't isa? Will they find LOVE? Date started: June 21, 2015 Date ended: October 29, 2015 Book cover by: Boydon_Jillianne