After 2 months
Shanaia POV
5 days nalang at Pasko na. And I'm so excited.
Wala namang nangyaring kakaiba sa dalawang buwan na relasyon namin ni Bryan. Minsan nag-aaway kami. Pero kami na rin may gawa nun. Palagi kaming nag-aasaran eh.
Si Tae Shin naman, once a week nalang siya tumatawag at nagte-text. Siguro naging busy na din siya.
Ang alam ko kasi, sinusubukan niya i-handle 'yung company nila.
"Shanaia, " Napaangat ako ng tingin. Si Bryan pala. Karga niya 'yung anak namin na mahimbing na natutulog.
Oo. May anak na kami. Anak-anakan.
Iniwan kasi dito si Jackie, 'yung kapatid ni Jillianne.
Nag-out of town kasi ang loka. Ayaw isama sila Jacob at Jackie. Kaya kami ngayon 'yung nag-aalaga. Si Ishie kay Jacob at kami ni Bryan kay Jackie.
Wala 'yung Mama at Papa ni Jillianne dahil nag-out of country. Si Jillianne sa Quezon City lang pumunta pero 'yung parents niya ay sa Paris nagpunta.
Si Jillianne babalik na daw bukas pero 'yung parents niya baka daw sa 24 pa.
"Yes?"
Umupo si Bryan sa tabi ko at inupo si Jackie sa kanan niya. So bali, sa gitna si Bryan, sa kaliwa niya ako at sa kanan niya si Jackie.
"I love you."
>///<
Lalanggamin na ako sa sobrang sweet ni Bryan. Palagi nalang siyang ganyan, tatawagin ako tapos magsasabi ng sweet words.
"I love you too." Sagot ko. Hindi na kami nagkakailangan ni Bryan sa pagsasabi niya. Halos oras-oras ba naman. Sinong hindi masasanay dun?
He smiled tapos sumandal siya sa balikat ko.
____________________
Bryan POV
Hindi ko maipaliwanag 'yung nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko. Pakiramdam ko isa kaming pamilya ngayon. Si Jackie, ako at si Shanaia.
Pero alam ko nadadating 'yung panahon na magkakaroon din kami ng tunay naming anak.
Hindi ko akalain na mamahalin ko siya ng ganito. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa'kin.
Inaamin ko, sa loob ng dalawang buwan namin ni Shanaia, naging possessive ako. Ayoko kasi na mawala siya gaya nang nangyari dati.
Kapag may nakita akong lalaking hindi ko kilala ang palapit sa kanya, aalisin ko siya sa lugar na 'yon o kaya dadaldalin ko si Shanaia.
Si Jiejie naman, dalawang buwan nalang din at manganganak na siya. 7 months na kasi 'yung tiyan na.
"Shanaia?" Tawag ko habang nakasandal pa rin sa balikat niya.
"Hmm?"
"Mahal na mahal kita. Palagi mong tatandaan 'yan. Alam ko na marami akong kasalanan na nagawa sa'yo, at sana patawarin mo ako do'n. Ngayong malapit na 'yung pasko, can we..?"
"Can we..?" Tanong niya. "You know, make lo-ay putek!" Nagulat ako nang tumayo siya. Napahiga tuloy ako sa sofa. Buti 'di ko natamaan si Jackie.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Alam mo, Lloyd Bryan Chua, okay na sana eh. Kaso pinasok mo 'yang kamanyakan mo. Panira. Psh." Nakasimangot niyang sabi.
Tumayo ako at niyakap siya sa likod. "I'm just kidding. Masyado kang seryoso." Umupo ulit siya sa upuan at syempre tumabi ako sa kanya.
"Bryan," Tawag niya naman sa'kin. Tumingin ako sa kanya. "Anong gagawin mo kung mawala ako? Hahanap ka ba ng iba?"
BINABASA MO ANG
Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]
Fiksi RemajaPaano kung magkakilala ang isang taong cold at tahimik? Ano ang magiging trato nila sa isa't isa? Will they find LOVE? Date started: June 21, 2015 Date ended: October 29, 2015 Book cover by: Boydon_Jillianne