Chapter 4: Sticky Note

8.4K 194 25
                                    

Shanaia's POV

Lumipas na ang dalawang linggo pero ginugulo parin ako ng uknown number na yun. Pero hindi ko pa rin nirereplayan.

Nung nakaraang araw may nagpadala ng bulaklak sa bahay namin at sabi niya sakanya daw galing yun.

Kahit sa school pagpasok ko may nakalagay na sticky note sa desk ko at may mga nakalagay na 'Goodmorning Miss Beautiful!' at 'Goodmorning! Mas maganda ka pa sa umaga!' may kasama pang flower o chocolate.

Hindi ko kinakain dahil sila Jillianne ang kumakain. Pag flowers ang dala nilalagay ko sa isang lalagyan na may tubig. Sayang din naman kasi yun eh.

Katulad ngayon, pagpasok ko may nakalagay na chocolate at sticky note. Pero hindi ganun yung nakalagay. Ang nakalagay ay, 'I think I'm inlove with you ♥' loko 'tong nagpapadala nito. Kinikilabutan na ako eh. Pa'no maiinlove sakin yun? Psh.

Dumating na si Jillianne, si Ishie nalang ang hindi pa. As usual pagdating niya at may nakitang chocolate kukunin na niya agad at kakainin. "Akin nalang Shan ha?" Sabi niya sakin, tumango nalang ako dahil wala naman akong magagawa.

Tumingin ako sa pinto at nakita kong papasok sila Kenneth. Naging close na kami dahil palagi na siyang sumasabay samin kumain dun sa cottage kasama sila Bryan, David at Kim.

Sila David at Kim close ko na sila. Si Bryan nalang ang hindi pa, di pa nga ako kinakausap nun eh. Palaging ginagamit yung cellphone niya. Tiningnan ko nga dati kung ano yung ginagawa niya pero di ko nakita dahil tiningnan niya agad ako ng masama.

Dumating na si Ishie at kasunod niya yung prof. namin na nakabrace at nagsimula na yung klase.

____________________

Lunch break

Lunch na at nandito kami ngayon sa mall para kumain. Medyo nagsasawa na kami sa pagkain sa canteen kaya nagpunta kami sa mall. Dapat kaming tatlo lang nila Ishie pero sumama sila Kenneth.

Napagdesisyunan namin na kumain nalang sa isang fast food chain. Habang kumakain kami bigla akong tinanong ni Kenneth, "Shan. Napapansin ko, parang palaging may nakalagay na sticky note sa desk mo. Kanino galing yan?"

"Ewan ko. Pati nga sa bahay may mga nagpapadala ng mga gamit eh." Sagot ko, "Katulad ng?" Tanong naman ni David. "Katulad ng mga teddy bear, flower at kung ano ano pa." Sagot ko ulit. Yung iba naming kasama busy sa pagkain habang nakikinig din samin.

"Anong ginagawa mo sa mga natatanggap mo?" Tanong ulit ni Kenneth. Asar ha, hindi ako makakain ng maayos dahil sa pagtatanong nila.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot, "Yung mga teddy bear, nilalagay ko sa kwarto ko. Yung mga bulaklak naman nilalagay ko sa isang lalagyan na may tubig. May tanong pa?" Nakakapagsungit tuloy ako ng wala sa oras. Psh.

"Hehe. Wala na. Sige, kain na ulit tayo." Nahihiyang sagot niya. Nakita kong siniko niya si Bryan na tahimik na kumakain sa tabi niya, si Bryan naman tiningnan siya ng masama at kumain na ulit.

Nung natapos na kaming kumain pumunta kami sa quantum para maglaro, may dalawang oras pa naman eh.

Masarap pala buhay college, matagal yung lunch break niyo kahit medyo mahirap yung mga inaaral. Sila Kenneth maglalaro muna daw sila ng basketball.

Kami naman nakisali na din. Wala naman kaming gagawin dito eh. Unang sumubok samin si Jillianne, nakarami siyang shoot.

Sumunod naman si Ishie, nakarami din siya ng shoot. Ako naman sumunod, nung una kong tira nakashoot ako. Titira palang sana ako pero may biglang tumama na bola sakin dahilan para mawalan ako ng control at bumagsak sa sahig pero may nakasalo sakin, pagtingin ko si Bryan pala.

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon