Chapter 11: Plan

4.8K 113 0
                                    

Lunch break

Shanaia POV

Bukas na birthday ko at naghahanda na sila Eomma at Appa. Simpleng birthday lang ang gagawin nila. Ayoko gawing elegante. Yung tipong nakagown ka pa. Parang debut eh. Pero naka-dress daw.

"Shanaia." Tawag ni Bryan sakin. Magkasama kami ngayon sa cottage. Kaming dalawa lang yung naiwan dahil nagmall yung lima. Ayaw naman naming sumama dahil wala kaming gagawin dun. "Bakit?" Tanong ko.

"Pupunta daw si Jiejie bukas sa birthday mo?" Tanong niya. Tumango ako, "Oo. Invited si Ate Brianna. Pati naman ikaw invited. Pero kung ayaw mong pumunta, okay lang sakin." Sabi ko habang nakangiti sakanya. "H-hindi. P-pupunta ako." Sabi niya habang namumula at halatang naiilang. "Okay."

"Ano bang isusuot?" Tanong ulit niya. Nagiging madaldal na talaga 'tong si Bryan. "Ikaw bahala. Pero wag kang magsusuot ng masyadong formal na damit." Sabi ko, tumango nalang siya at kumain na ulit.

____________________

Natapos na kaming kumain pero wala pa din sila Jillianne. Isang oras na sila sa mall ah. Nilabas ko yung cellphone ko at tinawagan si Ishie, "Hello? Shan?" Sabi niya pagkasagot ng tawag.

"Nasaan na ba kayo? Isang oras na kayo dyan ah." Sabi ko. "May ginagawa kasi kami okay? Kaya matatagalan talaga kami." Sabi niya. Napasimangot nalang ako, ang tagal na nila. Bored na talaga ako. Hindi naman nagsasalita si Bryan at busy sa paggamit ng cellphone.

"Bryan. Magkwento ka nga." Sabi ko kay Bryan. Boyfriend ko naman siya kaya okay lang. Dejoke. Feel na feel ko naman

"Ano namang ikukwento ko sayo?" Tanong niya habang nakatingin sakin. "Kahit ano. Bored kasi ako eh." Pagsagot ko. "Wala akong ikukwento sayo. Manood ka nalang dyan sa cellphone mo." Sabi niya.

Hmp! Ang sungit naman nito. Psh. Pasalamat ka tinulungan mo akong makaalis sa arrange marriage. Kundi isasaksak ko 'tong hawak kong tinidor sayo.

Kinuha ko nalang yung cellphone ko at nanood nalang ng video. Pinanood ko yung EXO's Showtime. Halos 1 hour din kasi yun. Ayos na pampalipas ng oras.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang biglang may pumasok sa cottage, "Hi Shan!" Bati nila Jillianne sakin. Tumayo ako at sinalubong sila, "Bakit ang tagal niyo?" Tanong ko habang nakataas yung kilay. "May ginawa nga kasi kami. Malalaman mo din mamaya." Sabi nila tapos umupo na. Nakatingin lang ako sakanila.

"Psst. Bryan." Tawag ni Jillianne. Tumingin si Bryan sakaniya. Lumapit si Jillianne kay Bryan tapos hinila palabas ng cottage. Ouch. I'm jealous. Haha. Joke lang ulit. Di ako nagseselos.

___________________

Jillianne POV

Hinila ko si Bryan papunta sa likod ng school. May sasabihin kasi ako sakanya, "Bryan. Pupunta ka bukas sa party ni Shan diba?" Tanong ko. Tumango naman siya.

"Yung regalo ikaw nalang pumili. Hindi kasi namin alam kung anong gusto mong style kaya hindi muna kami bumili ng sayo. Yung sarili naming regalo para kay Shan nalang ang binili namin." Sabi ko. Nagpapabili kasi siya ng isang kwintas para kay Shan, eh hindi naman namin alam kung anong gusto niyang style kaya hindi muna kami bumili.

"Okay lang. Salamat." Sabi niya tapos umalis na. Sumunod na ako sakanya pabalik sa cottage.

Dati, kapag mag bibigay kami ng regalo palaging may coding. Katulad last year, ang dapat naming iregalo ay damit kaya lahat kami damit ang bibilhin. Ngayon naman accessories, katulad ng singsing, bracelet, kwintas at hikaw.

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon