Shanaia POV
Nakapikit ako nang biglang mag-ring yung cellphone ko. Ayokong kunin dahil tinatamad ako. Narinig ko si Shane na parang may kausap. Sinagot niya yata 'yung phone ko.
"Hi Bryan Oppa!" Sabi niya. Bryan Oppa? Ibig sabihin si Bryan yung tumatawag?
"Yah! Oppa! I'm not Unnie. I'm Shane. I answered her phone because she's sleeping." Sabi ulit ni Shane. Pinikit ko nalang yung mata ko dahil inaantok na talaga ako.
________________
Nagising ako at nakita ko si Shane na natutulog sa tabi ko. Siguro napagod 'to kanina. Ang hyper eh.
Habang sinusubukan kong matulog naririnig ko siyang kuamakanta at lumulundag dito sa kama ko.
Hinalikan ko siya sa noo bago ako lumabas ng kwarto ko. Bumaba ako at pumunta sa pool area. Gusto ko munang magpahangin.
Umupo ako sa pool at nilublob yung paa ko dun. Kinuha ko yung cellphone ko at nagpatugtog. Hindi ko na kailangan ng earphone dahil ako lang naman mag-isa dito.
Habang nagpapatugtog ako bigla kong naisip si Kyle. Posible kayang may nararamdaman pa ako para sakanya? Kasi kapag nakikita ko siya bumibilis yung tibok ng puso ko.
Mas madalas ko 'tong nararamdaman kay Kyle kesa kay Bryan. Kay Bryan kasi minsan ko lang 'to maramdaman.
Kay Kyle naman pag naiisip ko siya automatic na bumibilis yung tibok ng puso ko. Lalo na kapag nakikita ko siya.
Daig pa may racing dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko na maintindihan 'tong sarili ko. Yung isip ko sinasabi si Bryan. Yung puso ko.....aish ewan. Hindi ko muna iisipin 'yan.
Pumikit nalang ulit ako at dinama yung hangin. Biglang tumugtog yung mahal ko o mahal ako. Parang bigla akong naiyak sa 'di ko malamang dahilan.
Siguro feel ko lang talaga umiyak. Trip ko lang siguro. Bored na bored na kasi ako eh.
Lumipas 'yung oras pero ganito pa din yung posisyon ko. Pero 'di na nakalublob yung paa ko sa pool.
Baka mamaya kumulubot yung paa ko dahil babad na babad sa tubig. Nag-indian sit nalang ako.
Iniisip ko ngayon yung mga pinag-aaralan namin. Nakakainis talaga, ang hirap intindihin ng lesson. Lalo na't hindi mo din maintindihan yung prof.
Ayoko namang mag-aral dahil tinatamad ako. Bakit kaya ganun? 'Yung tipong gustong-gusto mo makakuha ng pasado na grade pero tamad ka mag-aral. Maski sila Jillianne ganyan din.
Umalis na ako sa pool area at pumasok na ulit sa loob. Ang tahimik ng mansion namin. Yung mga maid namin wala namang masyadong ginagawa.
Si Shane naman natutulog kaya wala akong makausap. Si Jillianne umalis na nung 10:00 am. Si Ishie naman sinamahan si Ate Ivory.
Hayss. Pag ako nabwisit mag-a-asawa na agad ako para naman umingay 'tong mansyon. Sobrang tahimik eh.
Sasabihan ko nga sila Eomma at Appa na mag-anak ulit. Para naman may baby kami dito na pwedeng mag-ingay dahil sa iyak.
Wala talaga akong magawa kaya pumunta nalang ako sa kwarto ko kung nasaan yung mga doll ko nung bata pa ako.
Dapat ibibigay ko 'tong mga 'to kay Shane pero naisip ko na itago nalang. Remembrance nalang sa pagka-adik ko sa mga ganyan nung bata pa ako.
Binuksan ko yung isang cabinet na puro Barbie ang laman. Yup. Nasa cabinet siya. Ayokong i-display dito sa labas ng cabinet dahil kapag pumunta ako dito at ako lang mag-isa baka matakot ako. Baka mamaya biglang gumalaw 'yung isa sa kanila.
BINABASA MO ANG
Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]
Novela JuvenilPaano kung magkakilala ang isang taong cold at tahimik? Ano ang magiging trato nila sa isa't isa? Will they find LOVE? Date started: June 21, 2015 Date ended: October 29, 2015 Book cover by: Boydon_Jillianne