Chapter 25: Act

2.4K 45 0
                                    

Bryan POV

Nagulat kami nung biglang tumayo si Shanaia at lumabas. "Anong...anong nangyari kay Shan?" Tanong ni Ishie. Nagkibit-balikat lang sila.

"Sundan mo kaya, Bryan." Sabi ni Kenneth sa'kin. Tumango nalang ako at sumunod kay Shanaia. Naabutan ko siya sa pool are na yakap 'yung tuhod niya at umiiyak, alam kong umiiyak siya dahil naririnig ko 'yung pag-hikbi niya.

"Bakit ka na naman umiiyak?" Tanong ko. Hindi niya ako tiningnan pero sumagot siya, "N-nothing. I just remember the movie that I watched earlier. Please leave me now." Utos niya sa'kin.

Nanatili akong nakatayo sa tabi niya. "May problema ka ba, Shanaia? You can tell me. Remember, I'm your suitor, you can tell me anything." Sabi ko. Para kasi talagang problema siya eh.

Tumingin siya sa'kin. Nagulat ako dahila ang pula ng mata niya. Halatang umiyak. "I'm just sad." Sabi pa niya.

Napakunot naman 'yung noo ko. Bakit naman kaya siya malungkot? "Why?" Tanong ko.

"I-i can't tell you. It's confidential." Sagot niya. Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa tabi niya. "Okay. Just tell me if you're ready." Sabi ko. Tumango nalang siya at nanahimik.

Hindi ako sanay na ganito siya kaya nagsalita ulit ako, "Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko. She shruged, "Ewan ko. Ganito na talaga ako eh." Sagot niya.

"Since?" Tanong ko ulit.

"Mula nung nag-transfer si Kyle sa ibang school." Pabulong na sagot niya pero narinig ko 'yun. Napangiti ako ng peke. "Mula nung nag-transfer si Kyle sa ibang school? Haha." Tumawa ako pero deep inside nasasaktan ako.

"S-sorry." Sabi niya sa'kin habang nakatungo. Ngumiti ulit ako, "Okay lang. Dapat lang naman sa mga manliligaw na masaktan 'di ba? Okay la-" Naputol 'yung sinasabi ko nang bigla niya akong yakapin.

O____O

Bakit niya ako niyakap?

"B-bakit?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Ngumiti siya. "Hindi mo na kailangang manligaw. D-dahil s-sinasagot na kita." Sabi niya.

O____O

For real?! Bumitaw ako sa yakap at tiningnan siya. "S-siguardo ka? H-hindi ka nagbibiro?" Tanong ko sa kanya. Baka mamaya niloloko lang ako nito eh.

Umiling siya. "Nope. Bakit naman kita bibiruin? Seryoso ako." Nakangiti niyang sabi sa'kin. Napatayo ako at napatalon. "Yes! Yes! Yes! Sinagot na niya ako! Yes!"

Tumigil na ako sa pagtalon at umupo ulit sa tabi niya. "Bakit ka nga umiiyak kanina?" Pangungulit ko. Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko, sa sobrang saya.

Bigla siyang nag-blush. "K-kasi n-nalulungkot ako sa way ng pagtrato mo sa'kin." Sagot niya. Huh? Nalulungkot sa way ng pagtrato ko sa kanya?

"Paanong 'nalulungkot sa way ng pagtrato mo sa'kin'? 'Di ko gets."

Bumuntong hininga siya. "Kasi parang ang cold mo sa'kin. Nung Thursday, oo at hindi lang ang isasagot mo sa'kin, busy ka pa sa cellphone mo. Nung Friday naman, hindi mo na ako pinapansin. Tapos kanina, hindi ka man lang tumingin sa'kin nung tinanong kita." Sagot niya.

O____O

"Yun lang 'yung dahilan?"

Binatukan niya ako. "Anong 'lang'? Mahirap kaya 'yon. Lalo na't nasanay ako na ngumingiti ka sa'kin." Sabi niya. Shet. Ang nababakla ako. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Mahihimatay na yata ako.

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon