Chapter 36: Opposite

2.1K 34 3
                                    

Bryan POV

Kakatapos ko lang maligo at magbihis. Kinuha ko 'yung cellphone ko at nag-text kay Shanaia.

To: Baby

Baby, ako na susundo sayo mamaya diyan. Wag ka ng magpahatid sa driver. I love you.

-end-

Inayos ko muna sandali 'yung buhok ko habang hinihintay 'yung reply ni Shanaia.

Tiktok~

Kinuha ko 'yung cellphone ko.

From: Baby

Okay. I love you too.

-end-

'Yun lang? Tch. Sabagay, may PMS yata siya ngayon. Tinatarayan ako kahapon eh, namimilosopo pa.

Tiningnan ko 'yung oras sa cellphone ko. 7:00 palang. 8:00 pa simula ng klase namin.

Bumaba ako at kumain. Wala na akong kasama ngayon bukod sa mga maid. Si Jingfei naman, nasa ospital pa rin.

Gusto ko na nga siyang pabalikin sa China para mas makapag-pahinga siya ng maayos, kaso ayaw niya talaga. Nag-e-enjoy daw siya dito sa Pilipinas.

Pa'no siya mag-e-enjoy dito kung nasa ospital lang siya? Nag-e-enjoy siya dun? Edi sana iniwan ko nalang siya dun sa ospital sa China. Tch.

Nung natapos na akong kumain, bumalik na ako sa kwarto ko para mag toothbrush tapos bumaba na ulit ako.

Kinuha ko 'yung susi ko at sumakay na ng kotse. Nag-text muna ako kay Shanaia bago magsimulang mag-maneho.

To: Baby

Okay ka na ba? Papunta na ako diyan.

-end-

Naghintay muna ako sandali.

Tiktok~

From: Baby

Yup.

-end-

Ang ikili naman niya mag-reply. Tch.

Ini-start ko na 'yung kotse at nagsimula ng magmaneho.

Naka-focus ako sa daan nang biglang mag-ring 'yung cellphone ko. Kinuha ko 'yon at sinagot ng hindi tinitingnan kung sino 'yung tumatawag.

"Hello?"

[Bryan...] Huh? Sino 'to? Garalgal 'yung boses eh.

Tinigil ko muna 'yung kotse sa tabi at tiningnan kung sino 'yung tumawag.

Ahh. Si Jingfei pala.

"Jingfei?"

[Bryan...kumakalat na daw 'yung virus sa katawan ko. May posibilidad daw na umabit na nga stage 2 'yung sakit ko.]

O____O

Kumakalat na 'yung virus? "K-kailan mo nalaman?"

[K-kanina lang, tinawagan agad kita pagkatapos sabihin ng doctor 'yung balita.]

"S-sige. Pupuntahan kita pagkatapos ng klase namin."

[Sige, salamat.]

*toot toot*

Bumuntong hininga muna ako bago magpatuloy sa pagda-drive.

Nakarating na ako sa bahay nila Shanaia. Bumusina ako bago bumaba.

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon