Chapter 29: Sorry

2.3K 40 0
                                    

Shanaia POV

Pumunta ako sa secret place ko sa school at doon nagpahinga. Walang nakakaalam dito sa lugar na 'to, kahit sila Jillianne hindi 'to alam.

Dito ako madalas pumupunta kapag malungkot ako o kaya naman may problema. Refreshing kasi dito. Maraming mga bulaklak at halaman. Natatanggal 'yung stress ko kapag pumupunta ako dito.

Para siyang garden, may maliit din na bench kung saan ako madalas umupo. Pero mas prefer ko na umupo sa damuhan dahil mas masarap sa pakiramdam na umupo sa damo kaysa sa bato.

Dumating si Bryan kanina dito. Nagsigawan pa nga kami eh. Hindi ko sinasadya na sigawan siya, nagulat lang ako sa pagdating niya kaya ko siya sinigawan.

May pinakita pa akong picture sa kanya. Jusko po. Alam ko naman kung bakit kailangan niyang hawakan 'yung kamay ng bestriend niya eh.

Hindi big deal sa'kin 'yun, nadala lang siguro ako kanina kaya ko nagawa 'yun. Hindi ko kailangan ng explanation niya, alam ko kung bakit niya ginawa 'yun.

Nadala lang siguro talaga ako ng selos. Nagseselos lang ako kanina pero hindi ko ginusto na magalit at sigawan siya.

Aigoo. Pa'no ako makakapag-sorry kay Bryan? Hindi ko na-control 'yung galit ko. Aish. Eotteoke?

May nagpadala kasi kanina ng picture, binigay pa nga sa'kin ng guard eh.

Flashback

"Ma'am?" May narinig kaming nagsalita kaya napatigil kami sa pagkain at tumingin sa pintuan. Si kuya guard pala.

"Hi po kuya guard, may kailangan po ba kayo?" Tanong ni Kenneth. Tumango si kuya guard. "Opo. Pinapabigay po 'to kay Ma'am Shanaia Lhoreign Kim." Sabi niya.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. May binigay sa'kin na isang brown envelope si kuya guard.

Bumalik ako sa couch. "Ano 'yan?" Tanong ni Jillianne. Nagkibit balikat ako. "Buksan mo nga." Utos ko habang binibigay sa kanya 'yung envelope.

Kinuha niya 'yon at binuksan, may picture siyang kinuha at tiningnan 'yon. Biglang nanlaki 'yung mata niya at nagsalita, "Ano 'to? Bakit nandito si Bryan?"

Huh? Inagaw ko sa kanya 'yung picture at tiningan 'yun. Oo nga, nasa picture nga si Bryan. May kaholding hands siyang babae habang nasa airport sila.

O____O

Igo mwoyah?! Kelan 'to? Tinitigan ko muna sandali 'yung picture, maganda 'yung babae. Tsaka parang ang saya niya habang nakahawak sa kamay ni Bryan, mukhang may pinag-uusapan sila sa picture.

Pero wait, sinong kumuha nitong litratong 'to? Ibig sabihin ba nun may nakamasid sa kanilang dalawa?

End of flashback

Wala akong balak na ipakita 'yung picture kay Bryan at wala din akong balak na sabihin sa kanya na ipaliwanag sa'kin 'yun, kaso nadala talaga ako ng selos eh.

Okay lang naman sa'kin na may ka-holding hands siya, basta may kaugnayan sila sa isa't isa. Kunyari, nanay niya o kaya naman kapatid niya, kaibigan o kung ano-ano pa, basta related sa kanya.

Natatakot tuloy ako sa pwedeng mangyari sa susunod, baka mamaya hiwalayan na ako ni Bryan. Okay lang naman sa'kin 'yun, basta valid 'yung reason niya.

Hindi pwedeng makikipaghiwalay siya sa'kin dahil trip lang niya, papatayin ko siya. Ano 'yun? Makikipaghiwalay ka dahil trip mo lang? Psh. Kalokohan.

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon