Bryan POV
Nagda-drive ako papunta sa bahay nila Shanaia, nag-isang kotse nalang kami para mas madali.
"Bryan, tinext ko na si Shan na aalis ka mamaya." Sabi sa'kin ni Kenneth. Tumango nalang ako dahil nagco-concentrate ako sa dinadaanan namin.
"Anong sabi?" Tanong ni Kim.
"Bakit daw pupunta si Bryan 'dun sa China."
"Anong sinagot mo?" Tanong naman ni David. "Dahil dadalawin niya 'yung kaibigan niya na may bone cancer." Sagot niya kaya napa-preno ako ng sasakyan.
"Huy Bryan! Bakit bigla kang nag-preno?!" Sigaw sa'kin ni Jillianne. Buti nalang nasa gilid kami.
Tiningnan ko ng masama si Kenneth na nakaupo sa tabi ko. "Bakit kailangan mo pa sabihin na may bone cancer 'yung kaibigan ko?! Tsk. Naman oh." Sabi ko saka nagpatuloy sa pagmamaneho.
"Baka kasi magtanong ulit siya eh. Kaya sinabi ko na, na may bone cancer si Jingfei." Pagpapaliwanag niya sa'kin. Hay nako. Minsan talaga hindi nakakatulong 'tong kadaldalan ni Kenneth.
________________
Nakarating na kami sa bahay nila Shanaia. Nag-park nalang ako sa tapat ng bahay nila dahil nakakahiya naman kung sa garage pa nila.
Pumasok na kami at naabutan namin si Shanaia na umiiyak habang hawak 'yung cellphone niya.
"Shan! Uy! Bakit ka umiiyak?!" Tanong agad ni Jillianne pagpasok namin.
Dali-dali niyang pinunasan 'yung luha niya. "Hi!" Bati niya sa'min.
Seryoso ko siyang tiningnan at tinanong, "Bakit ka umiiyak?"
"W-wala, nanonood lang ako ng movie kaya ako umiiyak." Sagot niya habang nakangiti. Tumango nalang ako.
Umupo na kami sa lapag at sinimulan nang ituloy 'yung lapbook na pinapagawa sa'min.
"Bryan, talaga bang pupunta kang China?" Tanong ni Shanaia sa'kin. Tumingin ako sa kanya at tumango.
Napansin ko na ang lungkot ng mata ni Shanaia ngayon, parang naiiyak siya. Ito lang ang pwedeng dahilan;
A. Nalulungkot siya sa pag-alis ko.
B. Iniisip niya 'yung movie na pinapanood niya kaya siya umiiyak kanina.
C. Nalulungkot siya dahil hindi niya nakikita si Kyle.
D. Namimiss niya 'yung mga magulang niya.
E. All of the above
Pwedeng wala diyan 'yung sagot pero pwedeng nandiyan din naman. Malapit na pala 'yung flight ko.
May part sa'kin na nagsasabing wag umalis dahil may asungot na pwedeng gumawa ng kalokohan sa babaeng mahal ko at nililigawan ko ngayon. May part din naman sa'kin na nagsasabing umalis at dalawin si Jingfei.
Pero wala na akong magagawa, kailangan kong ituloy ang pag-alis ko. Nasabi ko na kay Jingfei na dadalawin ko siya at aalagaan, nasabi ko na rin kila Kenneth na aalis ako. So wala akong magagawa kung 'di ituloy 'yun.
Tsaka 1 week lang naman akong mawawala eh. May communication pa din ako sa kanila. Palagi ko nalang tatawagan si Shanaia para itanong kung ayos lang ba siya.
Parang boyfriend na niya ako 'no? Ang feeler ko naman kasi, parang sa'kin na si Shanaia.
Palagi kong sinasabi sa sarili ko na nililigawan ko palang si Shanaia, pero wala naman sigurong masama kung umakto akong boyfriend niya 'di ba? 'Wag ko lang siyang pagbabawalan sa gusto niyang gawin.
BINABASA MO ANG
Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]
Teen FictionPaano kung magkakilala ang isang taong cold at tahimik? Ano ang magiging trato nila sa isa't isa? Will they find LOVE? Date started: June 21, 2015 Date ended: October 29, 2015 Book cover by: Boydon_Jillianne