Shanaia POV
Tapos na yung exam namin. Saturday na ngayon at naghahanda na ako papunta sa bahay nila Bryan.
Tumingin muna ako sa wall clock ng kwarto ko at 4:15 pm na. Mamayang 4:30 pa daw ako susunduin ni Bryan.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin nabubuksan yung mga regalo. Ayaw daw nila Jillianne na buksan ko na hindi sila kasama nila Kenneth. Kaya hanggang ngayon nandito pa rin yung mga regalo sa kwarto ko.
Nakasuot ako ngayon ng simpleng t-shirt at pantalon at doll shoes. Tumingin ulit ako sa wall clock at 4:25 na pala. Parang ang bilis naman yata ng oras.
Bumaba na ako at nakita ko na nandun na sa labas ng bahay namin yung kotse ni Bryan. "Shan, aalis ka?" Tanong ni Eomma sakin. Tumango nalang ako at lumabas dahil nakakahiya naman kung paghintayin ko pa si Bryan.
Paglabas ko sumakay na ako sa passenger seat at pinaandar na niya agad yung kotse. Sobrang tahimik sa loob kaya kinuha ko nalang yung cellphone at headset ko saka nagpatugtog.
Buti nalang pala at dinala ko 'to. Napakatahimik naman kasi ni Bryan eh. Nakakainis. Tahimik ako dati pero naging maingay na ako dahil kila Kenneth.
"Nandito na tayo." Narinig kong sabi ni Bryan kaya napatingin ako sa labas. Malaki pala mansion nila eh. Halos kasinglaki lang ng samin.
Tinanggal ko na yung seatbelt at bumaba na ng sasakyan.
Pumasok na kami ng bahay nila at nakita ko si Ate Brianna at yung asawa niya na si Cyruz sa living room na nanonood.
"Jiejie. Gege." Tawag sakanila ni Bryan. Napatingin sila samin at nagsalita, "Hello Shanaia! Hi Bryan!" Sabi nung asawa ni Ate Brianna.
Nag-bow ako sakanya. "Jiejie, si Papa?" Tanong ni Bryan. "Nasa library. Puntahan mo nalang." Sagot naman ni Ate Brianna. Hinila ako ni Bryan papunta sa taas. Oo, hinila niya talaga ako.
Tumigil siya sa isang pinto at binuksan. Pagbukas niya may nakita akong lalaki na parang nasa 40's na busy sa pagpirma ng mga papeles.
"'Pa. Eto na po si Shanaia Lhoreign Kim. Yung girlfriend ko." Dire-diretsong sabi ni Bryan kaya napatingin yung Papa niya samin.
"Hmm. This is the first time na pinakilala mo sa personal yung girlfriend mo ah." Nakangiting sabi ng Papa ni Bryan samin tapos tumayo at lumapit samin.
Nag-bow ako sakanya, "Hello po. Ako po si Shanaia Lhoreign Kim. Girlfriend po ng anak niyo." Sabi ko habang naka-awkward smile.
"Nice meeting you miss Kim. Gano katagal na kayo ni Bryan?" Tanong niya. Bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko.
I cleared my throat bago sumagot, "1 month na po kami." Pagsisinungaling ko. "Okay. Good to hear." Sabi niya tapos umupo.
AWKWARD
"Uh, 'Pa. Alis na po kami." Sabi ni Bryan. Tumingin samin yung Papa niya bago sumagot, "Okay. Nice to meet you miss Kim." Sabi niya. Nag-bow nalang ulit ako dahil wala naman akong sasabihin.
Lumabas na kami ng library at bumaba. "Anyare Bryan?" Tanong ni Cyruz or Kuya Cyruz or asawa ni Ate Brianna.
"Okay lang. Wala naman masyadong sinabi si Papa." Sagot ni Bryan tapos hinila niya ulit ako palabas ng bahay nila.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya kaya sumakay na ako. "Uuwi na ba tayo?" Tanong ko pagkapasok niya sa kotse. "Hindi. May pupuntahan pa tayo." Sabi niya tapos pinaandar na niya yung kotse.
BINABASA MO ANG
Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]
Teen FictionPaano kung magkakilala ang isang taong cold at tahimik? Ano ang magiging trato nila sa isa't isa? Will they find LOVE? Date started: June 21, 2015 Date ended: October 29, 2015 Book cover by: Boydon_Jillianne