Bryan POV
Kakatapos lang ng klase at kasalukuyan kaming naglalakad ni Shanaia papunta sa rooftop ng Kim University.
Iba 'yung aura ni Shanaia ngayon. Hindi siya 'yung usual na Shanaia na kilala ko. Napakaseryoso ng mukha niya ngayon.
Nung nakarating na kami sa rooftop humarap siya sakin at nagsalita. "Bryan, may sasabihin ako. But promise me na hindi ka sisigaw. Okay lang na magalit ka pero wag kang sisigaw." Tumango nalang ako.
Humugot muna siya ng hininga bago nagsalita, "Bukod sa'yo, may nanliligaw na din sa'kin." Sabi niya na ikinagulat ko.
Bukod sa'yo, may nanliligaw na din sa'kin
Bukod sa'yo, may nanliligaw na din sa'kin
Bukod sa'yo, may nanliligaw na din sa'kin
O____O
"S-sino?" I asked while trying to calm my self. She looked at me before answering, "Si Kyle."
O____O
Ouch. Sa dinami-dami ng lalaki bakit si Kyle pa?
Gusto kong umiyak pero ayokong ipakita 'yun kay Shanaia kaya mabilis akong ngumiti at nagsalita, "Is that so? Thank you sa pagsabi Shanaia. Nanliligaw palang naman ako eh, so I guess wala akong karapatang magalit. Hehe. Sige bye." Sabi ko saka kumaripas ng takbo paalis ng rooftop.
Pumunta ako sa loob ng kotse ko at dun umiyak. Alam ko ang bakla tingnan pero masakit eh.
Alam ko na may past sila Kyle at Shanaia kaya malaki ang posibilidad na may nararamdaman pa din si Shanaia kay Kyle.
Ang galing naman. Kaya siguro madalas na ngumiti si Shanaia nitong nakaraang araw dahil kay Kyle.
Pero kahit ganun, hindi pa din ako susuko. Mahal ko si Shanaia at mahirap nang pigilan 'ting nararamdaman ko kay itutuloy ko ang panliligaw kay Shanaia.
_____________________
Shanaia POV
Ngumiti siya. "Is that so? Thank you sa pagsabi Shanaia. Nanliligaw palang naman ako eh, so I guess wala akong karapatang magalit. Hehe. Sige bye." Sabi ni Bryan saka kumaripas ng takbo paalis ng roodftop.
Lalo tuloy akong nag-guilty. Halatang nasaktan si Bryan sa sinabi ko pero pinilit niya lang na ngumiti.
Napaupo ako sa sahig habang iniisip kung anong gagawin ko ngayong alam na ni Bryan na nangliligaw din sakin si Kyle.
Ilang beses ko na ba siyang nasaktan? Dalawa yata. Nung una ay nung tinanong niya sakin kung may chance ba siya, tapos 'yung ngayon.
Sorry talaga Bryan, ayokong saktan ka pero kailangan mong malaman 'yung totoo eh.
Hindi ko alam kung kanino ba ako dapat humingi ng tulong. Hindi naman pwedeng kila Jillianne dahil wala pa yata silang experience dito. May nanligaw na sakanilang dalawa pero ni-reject naman nila.
Kay Halmeoni kaya? O kay Eomma? Hindi naman pwedeng may Google dahil sigurado akong hindi tama 'yung magiging sagot niya.
Kinuha ko 'yung cellphone ko at tinawagan si Halmeoni.
"Hello? Shan?" Tanong ni Halmeoni pagkasagot ng tawag.
"Halmeoni. Nasaan ka po?" Tanong ko.
"Papunta ako sa bahay niyo ngayon. Dadalawin ko si Shane. Bakit?" Sagot niya. Yes! Sakto, kailangan ko siyang kausapin.
I cleared my throat bago sumagot, "May mga itatanong po kasi ako sainyo. Sa bahay nalang po tayo mag-usap. Annyeong Halmeoni." Saka ko binaba 'yung phone.
BINABASA MO ANG
Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]
Teen FictionPaano kung magkakilala ang isang taong cold at tahimik? Ano ang magiging trato nila sa isa't isa? Will they find LOVE? Date started: June 21, 2015 Date ended: October 29, 2015 Book cover by: Boydon_Jillianne