Bryan POV
Nagiging boring na rin dito sa ospital. Ganito naman lagi eh.
Pagkatapos ko sa school, uwi sa bahay, gawa ng mga assignment, punta dito sa ospital, bantayan si Jingfei, uwi sa bahay kapag pagabi na, pahinga.
Ganyan 'yung daily routine ko mula nung maghiwalay kami ni Shanaia.
Wala akong nakakausap dahil palaging tulog si Jingfei. Dahil na din siguro sa chemotherapy niya kaya palagi siyang ganyan.
Kailangan ko 'tong tiisin dahil una sa lahat, girlfriend ko si Jingfei at may responsibilidad ako sa kanya. Pangalawa, ako ang nagsama sa kanya dito kaya dapat ko talaga siyang bantayan.
Ano kaya ginagawa ng tatlo ngayon? Matawagan nga. Una kong tinawagan si Kenneth.
[Yow! Musta diyan sa ospital?] Bungad niya sa'kin pagkasagot niya sa tawag. "Ayos naman. Boring nga lang."
[Tch. Pinakawalan pa kasi.] Bulong niya pero dahil nag-uusap kami over the phone, narinig ko 'yung sinabi niya. "Anong pinakawalan?"
[Ha? Wala. Pinakawalan pa kasi ng kakilala ko 'yung alaga nilang baboy. Wala tuloy silang makatay.] Tch. Pasulot nga naman ni Kenneth. Kapani-paniwala.
"Anong ginagawa mo ngayon?"
[Tsk. I'm on a date. Sama ka?]
"Date? Kanino ka naman makikipag-date?"
[Date with my sister. Pinilit ako na samahan siya sa mall. Ako daw magbibitbit lahat ng bibilin niya. Gusto mo akong tulungan?]
"No, thanks." Sagot ko. Kilala ko 'yang kapatid na babae ni Kenneth. Kapag nag-shopping 'yan, lagot kung sino man kasama niyan. Siya pagbibitbitin ng lahat ng bibilin niya.
"Ge. Enjoy nalang kayo ni Keith."
[Loko! Kilala mo kapatid ko! Alam mong hindi ako makakapag-enjoy kapag kasama siya sa mall.]
"Bahala ka."
*toot toot*
Sunod kong tinawagan si David.
[Ano, brad? Musta?]
"Ayos lang. Anong ginagawa mo? Kasama mo pa ba 'yung girlfriend mong mukhang hipon? Sayang ka, brad. Pangit ng taste mo sa babae."
[Loko! 'Di ka updated sa buhay ko. Matagal na kaming wala ng babaeng 'yun.]
Wala na sila? Eh 'di mo nga maihiwalay 'yung hipon ni David sa kanya. "Kelan pa?"
[Malay ko. Kailangan ko pa ba tandaan?]
[David!] May narinig ako na boses babae sa kabilang linya. Kaboses ni Jillianne ah. Magkasama ba sila?
[Yow! Sandali lang!] Sagot ni David tapos nagsalita ulit siya, [Bryan, ibababa ko muna 'to. Kasama ko kasi si Jillianne ngayon sa mall. Bye!]
*toot toot*
Bakit magkasama 'yung dalawang 'yun? Magka-date? Tch.
Last, si Kim.
[Hello?!]
-____-
Bakit ganito magsabi ng hello si Kim? Parang hello ni Vice Ganda.
"Kim? Ikaw ba yan?"
[Oo. Bakit?]
"Anong ginagawa mo?"
BINABASA MO ANG
Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]
Roman pour AdolescentsPaano kung magkakilala ang isang taong cold at tahimik? Ano ang magiging trato nila sa isa't isa? Will they find LOVE? Date started: June 21, 2015 Date ended: October 29, 2015 Book cover by: Boydon_Jillianne