Chapter 39: Weeksary

1.7K 28 0
                                    

Shanaia POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Ginagawa ko na 'yung mga project namin habang nagpapatugtog.

Mas nakakapag-gawa kasi ako kapag may music. Hindi ako sanay na walang tugtog kapag may ginagawa. Parang ang boring.

Nahihirapan akong gawin 'yung project namin sa Arts. Bakit kasi kailangan pang mag portrait? Dapat daw isipin namin na kami si Leonardo da Vinci.

Kailangan daw namin gumawa ng portrait ng isang tao. 'Di daw pwede na totoong tao, gamitin daw 'yung imagination namin.

Natapos ko lahat ng pinapagawa namin sa loob ng tatlong araw. Ito nalang 'yung hindi pero malapit na, kukulayan ko nalang.

Ang pangit nga ng gawa ko eh. Mukhang alien. Ang weird ng mata niya, hindi pantay 'yung laki. Tapos 'yung kilay, diretso lang. Mukhang galit tuloy.

Ganito 'yung mahirap kapag wala kang talent sa pagdo-drawing eh. Mamomroblema ka talaga.

Sa coloring lang kasi ako magaling eh. Kaya 'pag magkukulay kami nung Kinder, ang saya-saya ko.

'Pag naman magdo-drawing, nakabusangot mukha ko. Gano'n pa rin naman hanggang ngayon. 'Di ko nga alam kung bakit hindi ako gumaling sa arts eh. I used to draw when I was a child. But nothing happened. Psh.

Niligpit ko na 'yung gamit ko. Bukas ko nalang kukulayan kapag hindi na ako pagod.

Iniisip ko pa nga kung anong pang-kulay gagamitin ko eh. Pero sabi naman ng prof. namin na kahit ano daw pwede.

Magse-search nalang ako kung anong pang-kulay sa mga portrait drawing. Baka bumili ako bukas.

Pinatay ko na 'yung tugtog at humiga sa kama ko.

Ang bilis pala ng araw. Friday agad. Sinimulan ko kasing gawin 'yung project namin nung Tuesday natapos ko 'yun ngayon. So bale apat na araw ko ginawa 'yung project namin.

Baka nga limang araw pa dahil hindi ko pa nakukulayan.

Pupunta na naman ako ng mall bukas. Magpapasama nalang ako kay Bryan, pero kapag busy si Bryan, si Foncie nalang.

Lately kasi, 'di na kami nakakapagusap ni Bryan. Inaalagaan niya si Jingfei. Lalo kasing lumalala 'yung sakit niya.

Kapag busy si Bryan, ako naman 'yung pumupunta sa ospital para tingnan si Jingfei. Medyo close na rin kami, ang madalas naming topic ay EXO. Nagulat nga ako eh, EXO-L din pala siya.

Close na kami ni Jingfei pero sila Bryan at Foncie hindi pa nag-uusap. Nagpunta dito nung isang araw si Bryan eh.

Tapos nakita niya kaming dalawa ni Foncie na nag-uusap sa garage namin. Ayun, bigla akong hinila at kinulong sa kwarto ko.

Sinabihan pa nga ako na 'wag na daw akong makikipag-usap kay Foncie dahil mapapahamak daw ako.

Bakit niya naman kaya sinabi 'yun? Eh hindi niya naman kilala si Foncie. Mabait kaya si Foncie, hindi pa ako sinasaktan nun eh.

Kahit palagi ko siyang inaasar nung bata pa kami, hindi niya pa ako sinasaktan. Tinatakot niya lang ako na aawayin niya ako pero 'di niya naman ginawa.

Pero okay na naman kami ni Bryan ngayon. Hindi naman kami nag-away eh. Siguro misunderstanding lang namin.

Normal naman kasi 'yun sa couple 'di ba? 'Yung hindi pagkakaintindihan.

Kinuha ko 'yung cellphone ko at nag-text kay Bryan.

To: Bryan

Hi Bryan, may gagawin ka ba bukas?

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon