Bryan POV
Nasa tapat na ako ng bahay namin sa Beijing. Pinindot ko 'yung doorbell at agad naman na nabuksan 'yon ng maid.
"Huānyíng nín, Bryan Xiānshēng." Bati niya sa'kin tapos nag-bow. Nag-bow din ako at pumasok. [Huānyíng nín, Bryan Xiānshēng - welcome, Sir Bryan]
Isang backpack kang ang dala ko dahil cellphone, wallet, passport at visa lang ang dala ko. May mga sapatos ako dito at damit kaya hindi ko na kailangang magdala.
Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga. Nag-text ako kay Jiejie.
To: Jiejie
Jie, nandito na ako sa bahay. Sa loob ng kwarto ko.
-end-
Wala pang ilang sandali ay narinig kong bumukas 'yung pinto. Si Jiejie, nakatingin siya ng masama sa'kin habang naka-simangot. Problema nito?
Tumayo siya sa harap ng kama ko, sa tapat ko pa mismo at pumawewang. "LLOYD...BRYAN...CHUA, TOTOO BA NA WALA NA KAYO NI SHAN?" Mahinhin pero madiin 'yung pagkakasabi niya. Lalo na 'yung pangalan ko.
Tumango ako. "J-jiejie. Duí bu qí, ako ang may kasalanan kaya kami naghiwalay. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makapag-explain sa'kin. Dahil sa pagseselos ko, tuluyan na akong naniwala sa sinabi ni Jingfei, na-" [Duí bu qí - sorry]
"ANO? INVOLVE SI JINGFEI DITO? 'YUNG KAPITBAHAY NATIN NA BESTFRIEND MO?"
"O-oo. Siya 'yung nagsabi na niloloko ako ni Shanaia at...at may iba siya." Sagot ko. Hindi ako makatingin kay Jiejie. Iba siya magalit.
She sighed. "Okay. Sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan 'yang si Jingfei. Unang pagkakita ko palang sa kanya, I already knew that she's a bitch."
O____O
"Jie! 'Wag ka ngang mag-mura. Hindi 'yan pwede sa mga buntis." Saway ko. "Fine. Pero seryoso Bryan, bakit hindi mo hinayaan na makapag-explain si Shan?"
"Dahil sa pagseselos ko. Kilala mo ako 'pag nagagalit, wala talaga akong pakialam sa nararamdaman ng ibang tao."
"Kaya nga push ako ng push kay Shan para sa'yo eh, para magbago ka. Ngayon, nagalit ako ng konti pero on the other side, natuwa din ako. Dahil sa tingin ko, dahil sa nangyari sa inyo ni Shan, matatauhan ka kahit konti. Magbago ka na kasi. Hindi ko alam kung anong pinakain sa'yo ni Mama't Papa't lumaki kang ganyan. Ang cold-cold mo, hindi ka masyadong nagsasalita, wala kang pakialam sa paligid mo. Buti nalang talaga at nakilala mo si Shan, nabago ka niya. Malaki 'yung naging pagbabago mula nung ma-"
"Lynn, that's enough. Tama na ang pagsermon kay Bryan. Ganyan ka din naman dati, selosa at possessive. Ilang beses tayong nag-away dati dahil ganyan ka." Pagsingit ni Cyruz Ge sa usapan.
Tiningnan siya ng masama ni Jiejie. "Tse! Wala kang kiss sa'kin mamaya! Na'san na 'yung mangga na may soy sauce at vinegar? Kakain ako."
Mukhang nasita si Cyruz Ge dahil napaayos siya ng tayo. "Kukunin ko na. Sandali lang." Tapos lumabas na siya.
Tumingin ulit si Jiejie sa'kin. "Ikaw! Anong plano mo sa buhay mo? Bakit ba kasi sinama mo sa pag-uwi 'yang si Jingfei? Alam mo naman na may sakit 'yun. At! 'Wag na 'wag mong sasabihin na siya ang dahilan kaya naghiwalay kayo ni Shan, lagot ka talaga sa'kin!"
O____O
"Siya naman talaga 'yung may dahilan. Kung ano-ano sinabi niya sa'kin. Siniraan niya si Shanaia." Bulong ko.
BINABASA MO ANG
Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]
Teen FictionPaano kung magkakilala ang isang taong cold at tahimik? Ano ang magiging trato nila sa isa't isa? Will they find LOVE? Date started: June 21, 2015 Date ended: October 29, 2015 Book cover by: Boydon_Jillianne