Chapter 63: Happy and Sad Moment

3K 42 0
                                    

Christmas

Bryan POV

Papunta na ako sa bahay nila Shanaia ngayon. Do'n daw ice-celebrate 'yung Pasko. Hindi makakauwi si Jiejie at Cyruz Ge. 7 months na kasi siya.

Nag-park na ako at pumasok sa loob ng bahay nila. Nakita ko sila Jillianne, Ishie Fhey, David, Kim, Kenneth, Shane, Jackie, Jacob at Shanaia na naka-bilog sa sahig ng living room.

Parang ako nalang yata kulang ah.

Napatingin sa'kin si Shane. "Bryan Oppa!" Sigaw niya. Napatingin silang lahat sa'kin at ngumiti si Shanaia. "Bryan! Dito ka." Sabi niya tapos tinuro 'yung space sa tabi niya.

Umupo ako do'n at hinalikan siya sa pisngi. "Hoy! May mga bata dito! Tsaka Bryan, nandito 'yung Mama at Papa ni Shanaia. 'Wag kang ganyan." Sabi ni Jillianne.

O____O

"Nandito si Mr. and Mrs. Kim?" Tanong ko. Sumagot si Shane, "No. They're still in Korea. Doing something with our business."

Tiningnan ko si Jillianne. "Hehe. Joke lang. Naniwala ka naman agad." Sabi niya habang naka-peace sign.

Ngumisi ako at umiling. Tumingin ako kay Shanaia at bumulong, "Merry Christmas, baby."

Nakita kong nag-blush siya. "M-merry Christmas din, Bryan."

Ngumiti ako. "I love you."

"I love you too."

Napatigil kami nang magsalita si Kenneth. "Hep! You! Two love birds! Tama na 'yan. Time na for the gifts."

=____=

Panira. Tumayo ako at nagsalita, "Kukunin ko lang."

Tumayo din si Shanaia. "Sama ako." Lumabas na kami at pumunta sa kotse ko. "Unnie really loves Bryan Oppa." Narinig ko pang sabi ni Shane bago kami tuluyang nakalabas.

"Bryan, nasa'n sila Ate Brianna?" Tanong niya habang naglalakad kami. "Nasa China sila. Dalawang buwan nalang kasi bago manganak si Jiejie. Ayaw siya payagan ni Cyruz Ge na bumyahe at umuwi dito."

"Ahhh." Sagot niya. "Protective si Kuya Cyruz kay Ate Brianna. Sana ganyan din si Bryan sa'kin kapag nagka-anak kami." Narinig ko ring bulong niya.

Ngumiti ako. Nagde-daydream din pala si Shanaia kahit minsan.

Binuksan ko na 'yung kotse ko at kinuha 'yung mga regalo. "Gusto mo tulungan kita?"

"'Wag na. Babae ka."

"Ano naman?"

=____=

"Dapat hindi ka nagbubuhat."

"Psh." Nakasimangot na sagot niya. Binitbit ko na lahat ng paper bag at bumalik sa loob.

"Yow! Bryan! Lagay mo 'yan dito sa gitna." Sabi ni Kim. Nilapag ko dun 'yung dala ko nang may mapansin ako. "Nasa'n si Shanaia?"

"Umakyat. 'Di mo ba nakita?" Sagot ni Ishie. Umiling ako.

Napatigil kami nang bumalik na si Shanaia. May dala din siyang mga paper bag at nilapag sa gitna.

"Kompleto na ba?" Tanong ni David. "Aba malay namin." - Jillianne.

"Tingin ko naman kompleto na. Magbibigayan tayo ng regalo ayon sa first name kaya ikaw muna, Bryan." Sabi ni David.

"Bakit ako? Lloyd ang first name ko ah." Reklamo ko. Nagsalita si Kenneth, "Nga naman. Sa surname nalang tayo para fair talaga."

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon