Chapter 23: Crush

2.4K 54 2
                                    

Bryan POV

Nakatingin ako ngayon kila Shanaia at Kyle na kasalukuyang nag-uusap sa labas ng classroom.

Itong kulugong 'to nakakainis na. Lalo tuloy akong natakot. Baka mamaya pagbalik ko galing China, sila na pala. Tch.

Gusto kong makita at alagaan si Jingfei, pero ayoko namang iwan si Shanaia dahil baka samantalahin ni Kyle 'yung pagkakataon.

Tss. Hindi naman akin si Shanaia. Bakit ko ba 'to sinasabi? Parang pag-aari ko siya eh.

Napangiti nalang ako ng mapakla. Wala akong ginagawa para mahalin niya ako.

Araw-araw akong nag-iisip kung anong pwede kong gawin para kay Shanaia. Pero walang pumapasok sa utak ko. Nag-search na nga din ako sa Google eh.

Ting!

May biglang pumasok sa isip ko. Habang nandun ako sa China, sasabihan ko 'yung lima na obserbahan si Shanaia. Kung magbabago ba 'yung mga kilos ni Shanaia kapag umalis ako.

^____^

"Huy Bryan. Para kang tanga diyan, ngumingiti mag-isa." Narinig kong sabi ni Kenneth kaya tiningnan ko siya ng masama. Ngumiti nalang siya ng pilit at bumalik sa ginagawa niya.

Tch. Istorbo. Nagmu-muni ako eh.

"Goodmorning class." Sabi ng prof. at nagsimula na 'yung klase.

____________

After class

"Hi Bryan! Bakit tayo nandito?" Tanong ni Jillianne sa'kin. Nandito kami ngayon sa likod ng school.

Dito ko sasabihin sa kanila 'yung tungkol sa pag-alis ko at 'yung ipapagawa ko sa kanila.

"May sasabihin lang ako." Sagot ko. Sandali, kailangan ko pala munang itanong sa kanila 'to.

I cleared my throat bago nagsalita ulit, "S-sinong boto sa inyo dito kay Kyle para kay Shanaia?" Tanong ko.

"Oh! Haha. Bakit mo naman natanong?" Sabi ni Ishie. Sasagot palang sana ako pero nagsalita si Kenneth, "Pupunta kasi siyang China para dalawain 'yung kaibigan niya. Gusto niyang obserbahan muna natin si Shan pagka-alis ni Bryan, kung may magbabago sa magiging kilos niya kapag umalis si Bryan." Sabi niya.

-____-

Ang galing. Napakadaldal talaga nitong lalaking 'to. "Ganon ba? Sure! Ayaw naman namin kay Kyle eh. Mas boto kami sa'yo, Bryan, kaya tutulungan ka namin." Nakangiting sabi ni Jillianne.

Ayos! Okay naman pala eh.

"Alam na ba ni Shan na aalis ka?" Tanong ni Kim. Umiling ako.

"Ngek. Hindi niya pa alam? Kelan mo sasabihin?" Sabi naman ni David. Hinintay ko muna kung sisingit na naman ba si Kenneth o hindi. Hindi naman kaya ako na 'yung sumagot, "Sasabihin ko bukas. Kapag medyo malapit na 'yung flight ko."

Binatukan naman ako ni Jillianne. "Baliw ka ba? Bakit hindi mo pa ngayon sabihin? Ipapabukas mo pa."

"Dahil gusto ko na bukas nalang sabihin."

"Bakit nga?" Pangungulit niya sa'kin. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot, "Dahil gusto ko siyang biglain. Parang surprise."

Binigyan naman niya ako ng 'anong-pinagsasasabi-mong-loko-ka?' na tingin.

"Ewan ko sa'yo, Bryan. Kung gusto mong surpresahin si Shan at wala kangmaisip, edi sana nagpatulong ka sa'min. Langyang surprise 'yan. Magugulat talaga si Shan diyan. Psh." Sabi naman sa'kin ni Ishie Fhey.

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon