Bryan POV
"Jingfei, pupunta muna ako sa China, may gagawin kasi ako sa kumpanya namin. Okay lang ba sa'yo?" Tanong ko kay Jingfei. Ngumiti siya at sumagot, "Okay lang sa'kin. Ilang araw ka ba dun?"
"Sa ngayon, hindi ko pa alam, tatawag nalang siguro ako kapag pabalik na ako." Sagot ko habang nakangiti din. "Sige, ngayon na ba flight mo?"
Tumango ako. "Oo. Ngayon na talaga ako aalis. Ngayong oras na 'to kaya ako nagpapaalam sa'yo." Sagot ko.
Tumango din siya. "Biglaan ah. Hehe. Sige, ingat ka nalang." Sabi niya tapos hinalikan ako sa pisngi. Uminit ulo ko pero ngumiti ako. "Sige, Jingfei, aalis na ako."
"Okay. Ingat."
Lumabas na akong kwarto niya at sumakay na ng elevator. Bakit ganito 'yung nararamdaman ko?
Mula nung umalis si Shanaia at pumuntang Korea, pakiramdam ko nabawasan 'yung pagkatao ko. Para akong zombie na nabubuhay. Pinipilit kong ngumiti kahit nahihirapan ako.
Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na dapat maging masaya ako dahil masaya din si Jingfei. Pero 'di ko magawa eh.
Isang tao lang ang nakakapagpasaya sa'kin, at 'yung taong 'yun ay wala sa tabi ko.
Gusto kong makausap si Shanaia. Pagkatapos kasi namin maghiwalay ni Shanaia, iba na naging pakiramdam ko.
Malaki talaga naging epekto niya sa'kin. Nabago niya ako at naging masaya naman ako sa pagbabago ko.
Pero hindi na ngayon dahil wala na siya sa tabi ko, wala na tabi ko 'yung taong nakapagpabago sa'kin at ang dahilan ng pagbabago ko.
Kaya ngayon, gusto kong makausap si Shanaia. Susundan ko siya sa China kahit hindi ko alam kung saang lupalop ng China ko siya makikita.
Pupuntahan ko nga muna ulit si Kenneth bago pumunta ng China, para malaman ko na rin 'yung konting impormasyon kung nasa'n si Shanaia.
Tinigil ko na 'yung kotse ko sa bahay naming apat. Na-miss ko dito. Tatlo nalang sila dito dahil dun pa rin ako sa mansion namin nakatira.
Pumasok na ako sa loob at naabutan ko 'yung tatlo na nanonood ng AlDub. Pffft. Fan pala silang tatlo.
"Pssst." Sitsit ko dahilan para mapatingin si Kenneth sa'kin. "Uy, si Bryan!" Sigaw pa niya.
-____-
Kailangan pang isigaw? "Uy, Bryan! Napadalaw ka?" Tanong ni Kim habang nakatingin sa'kin tapos binalik 'yung tingin sa pinapanood niya.
"Kakausapin ko lang si Kenneth. Ituloy niyo lang 'yan." Sabi ko tapos inakbayan si Kenneth papasok ng kwarto niya.
"Kakausapin tungkol saan?" Tanong niya pagkatapos kong isara 'yung pinto. "Tungkol kay Shanaia, gagamitin ko lang sana cellphone mo."
"Kakausapin tungkol kay Shanaia tapos gagamitin mo cellphone ko? Ang gulo mo, Bryan."
@____@
Oo nga 'no? Dapat pala sinabi ko na hihiramin ko lang cellphone niya. Tch.
"Hihiramin ko lang pala cellphone mo, may load ka ba?"
"Syempre! Eto oh. I-text mo nalang si Shan, alam kong mahihirapan kang gayahin boses ko." Natatawang sabi niya bago ako iwan dito habang hawak 'yung cellphone niya.
In-enter ko 'yung password, madali lang naman eh. 1111 lang 'yung password ni Kenneth.
Nagpunta ako sa messages at nag-text kay Shanaia. Pa'no ba? Dapat mag mukhang si Kenneth talaga. Masaya si Kenneth 'pag nagte-text eh.
BINABASA MO ANG
Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]
Fiksi RemajaPaano kung magkakilala ang isang taong cold at tahimik? Ano ang magiging trato nila sa isa't isa? Will they find LOVE? Date started: June 21, 2015 Date ended: October 29, 2015 Book cover by: Boydon_Jillianne