Shanaia POV
Kinuha ko na 'yung cellphone ko at tinawagan si Tae Shin. Ang bilis talaga pumayag ni Appa.
[Okay na ba?] Tanong niya agad sa'kin. Excited? 'Di uso magsabi ng hello?
"Oo. Pumayag agad si Appa." Sagot ko habang nakangiti. [I know, tinawagan niya ako kanina, saying that I should take care of you while we're on China.]
O____O
Tinawagan? Magkakilala ba sila? "Magkakilala kayo ni Appa?" Tanong ko habang nakakunot 'yung noo. Pwedeng magkakilala talaga sila dahil magkapit bahay lang naman.
[Yes, we know each other, very well. I'm very close with your Dad and your Mom, Mr. Kim and Mrs. Park, right? Kayo ang may ari ng isa sa mga malalaking kumpanya dito sa Korea, 'di ba?]
"You're right. Kelan pala alis?" Pag-iiba ko ng topic dahil close naman pala siya kay Appa at Eomma. [Kung nakapag-impake ka na and ayos na 'yung passport at visa mo, pwede na tayong umalis. Na sa'kin na din 'yung plane ticket mo.]
"Sige, mag-aayos lang ako ng gamit. Ga'no katagal ba tayo dun?"
[Maybe 2-3 days lang, pwede tayong mag extend if you want.]
2-3 days? Okay na 'yun. 'Di na kailangan mag extend, depende nalang kung gusto ni Tae Shin.
"Okay na 'yun, gusto mo pa bang mag extend?"
[That's fine. Mag-aayos ka na ba ng gamit?]
"Yeah, kaya ibababa ko muna 'to. Bye!"
[Bye.]
*toot toot*
Umakyat na ako at nag-ayos ng gamit. Ano ba kailangan kong dalhin?
Damit, toothbrush, toothpaste, sandals, tsinelas, make-up kit, first-aid kit, pony at pagkain. Kasya na siguro 'to sa dalawang bag.
Nilagay ko na 'yung mga kailangan kong dalhin at nagkasya naman 'yung mga 'yun sa dalawang bag. Galing ko talaga mang hula.
Nilugay ko 'yung buhok ko at nagsuot ng coat.
Kinuha ko muna 'yung passport, visa, plane ticket, cellphone at wallet ko. Ipapapalit ko nalang sa Chinese yuan 'yung mga Korean won ko. Pwede naman akong humingi kay Appa eh. Hehe.
Sinearch ko sa internet kung gaano katagal 'yung flight mula South Korea hanggang Beijing, China at 1 hour and 27 minutes lang pala. Sabagay, malapit lang naman kasi 'yung South Korea sa China.
Sinuot ko na 'yung backpack ko at kinuha 'yung bag. Bumaba na ako at uupo palang sana sa sofa nang mapansin ko na nasa labas na si Tae Shin at nakatingin sa'kin kaya lumabas na ako ng bahay.
"Hi, parang ang konti naman yata ng dala mo?" Bati niya sa'kin paglabas ko sa gate namin. "Anong konti? Tingnan mo nga 'yang dala mo, isang backpack lang."
"It's because I have my things at my condo on China."
"Okay. Sa Incheon International Airport ba tayo or what?" Tanong ko habang naglalakad kami papuntang kotse niya. Oo, gagamitin daw namin kotse niya.
'Di ba iiwan din naman namin 'yan pagdating namin sa airport? Ewan ko ba diyan kay Tae Shin. Lakas ng trip.
"Yes, saan mo ba gusto, sa Cheongju, Daegu, Gimhae, Gimpo, Jeju, Muan, Yangyang International Airport? O baka naman gusto mo sa Gwangju, Yeosu, Ulsan, Wonju Airport? Saan mo gusto? Dun tayo."
O____O
Kabisado niya 'yung mga airport dito sa Korea? 'Di niya nasabi lahat pero ang dami na nun ah.
BINABASA MO ANG
Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]
Teen FictionPaano kung magkakilala ang isang taong cold at tahimik? Ano ang magiging trato nila sa isa't isa? Will they find LOVE? Date started: June 21, 2015 Date ended: October 29, 2015 Book cover by: Boydon_Jillianne