Chapter 49: Picture

1.8K 39 0
                                    

Shanaia POV

"Where do you want to go first?" Tanong ni Tae Shin. Kakadating lang namin dito sa condo unit niya.

Dito na ako hanggang sa umuwi kami dahil dalawa naman 'yung kwarto dito. Pinayagan naman kami ni Appa. 'Wag lang daw gagawa ng masama.

"Can we go to Great Wall of China?" Tanong ko. 'Di pa ako nakakapunta dun dahil nga first time ko dito sa China.

Tumango siya. "Great idea. After there?"

"M-mollayo. Ikaw nalang mag decide." Sagot ko. Tumango naman siya. [Mollayo - I don't know]

"Since we're at the Beijing, it won't be hard for us to go there. Don't go far from me, okay? I'm sure that you don't know how to speak in Chinese." Natatawang sabi niya.

Aba. Parang lahat naman marunong magsalita ng Chinese. "Is it my fault? Eh sa hindi ko alam kung pa'no ako magsisimulang matuto na magsalita sa Chinese eh. May angal ka?"

"None. Fix your things, then after that, we'll go to the Great Wall of China. Although I don't know if it's open right now."

"Hindi ba palagi namang bukas 'yung Great Wall of China?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Umiling siya. "No, it has an opening hours and closing hours too. I'll just search it on Google. Just fix your things already."

"Okay. Where's the other room?" Tanong ko habang dala ko 'yung mga gamit ko. Makautos naman kasi 'tong si Tae Shin. Ayaw niya yata sa makalat.

"Go upstairs, turn right, then you'll see a black door. Just go in there. Don't forget to lock the door. I might come in without permission." Sabi niya tapos kinindatan ako.

Emeged. Cute pa rin talaga siya.

Umakyat na ako at kumanan, may nakita naman akong itim na pinto. Binuksan ko 'yon at pumasok.

Nilapag ko 'yung gamit ko at binuksan 'yung kurtina.

Hindi ko akalain na sasama ako sa isang lalaki na kahapon ko lang nakilala. Sinusngitan ko pa si Tae Shin kahapon. Pero ngayon, magkasama kami dito sa Beijing.

Dito rin pala nakatira sa Bryan, dito rin sa Beijing. Saan kaya 'yung bahay nila? Ang alam ko kasi, nakatira sila sa apartment.

Aish. Ayan na naman ako. Lagi nalang Bryan. Bryan dito. Bryan doon. Ano ba?

Dapat ko talagang itatak sa kokote ko na wala na kaming koneksyon at dapat ko na siyang kalimutan. Masaya na nga siya ngayon kay Jingfei. Kaya dapat, 'wag ko na siyang isipin.

Pero naaksidente daw siya..

Argh! Hajima! Hindi ko na dapat talaga siyang isipin. Hajima! Hajima! Hajima! [Hajima - stop!]

Umupo nalang ako sa kama at naglaro ng Criminal Case. Level 5 palang ako eh, tapos nasa Additional Investigation. 'Di ko matapos kasi 'di ko ma-solve 'yung Broken Action Figure. 'Di mo malaman kung sa'n ilalagay 'yung parang flag ng babae.

Since genius si Tae Shin, baka alam niya kung saan 'to ilalagay kaya tinawag ko siya, "Tae Shin!" Sigaw ko. Sana marinig niya.

"Ne?!"

"Punta ka nga dito!"

"I'm already in front of your door. You just need to open it." Sagot niya kaya lumapit ako sa pintuan at binuksan 'yon. "Sabi mo kasi i-lock ko." Sabi ko habang nakasimangot.

Tinapik na naman niya ulo ko. "Good dongsaeng." Ito 'yung advantage kapag mas matangkad sa'yo 'yung tao eh. Kayang-kaya niyang tapikin ulo mo o kaya akbayan ka.

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon