Chapter 37: Girlfriend and Bestfriend's Meeting

1.9K 39 0
                                    

Shanaia POV

Nandito na kami ngayon sa tapat ng kwarto ni Jingfei. Dahan-dahan na binuksan ni Bryan 'yung pinto ng kwarto niya at pumasok.

Naabutan namin siya na mahimbing natutulog. "Baby, upo ka muna diyan. Kakausapin ko muna sandali 'yung doctor niya." Sabi ni Bryan habang tinuturo 'yung sofa dito sa loob ng kwarto.

Tumango ako at umupo dun. "Eto jacket oh, baka lamigin ka. Lalabas muna ako sandali. I love you."

"Sige. I love you too." Sagot ko bago kinuha 'yung jacket at sinuot 'yon. Nanginginig ako eh. Ang lamig pala dito.

Pa'no nakaka-survive 'tong si Jingfei sa ganitong lamig? Grabe eh. Maninigas yata ako sa sobrang lamig.

Lumapit ako sa aircon at hininaan 'yon ng konti. Para akong nasa North Pole sa sobrang lamig eh.

Bumalik ako sa sofa at tinitigan si Jingfei. Tama nga ako, maganda siya.

Napansin ko na bumukas 'yung mata niya. Gising na kaya siya? Umupo siya sa kama niya at sumandal sa dingding.

Hindi pa yata ako napapansin. Hindi din naman tumitingin sa direksyon ko eh.

Inikot niya 'yung paningin niya at biglang nanlaki 'yung mata nang makita niya ako.

"S-sino ka?" Tanong niya habang nanlalaki pa rin 'yung mata. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. "Shanaia Lhoreign Kim, ako 'yung girlfriend ni Bryan." Sabi ko tapos nilahad ko 'yung kamay ko.

Dahan-dahan niyang inabot 'yon at nagsalita, "Hi Shanaia, I'm Jingfei, bestfriend niya." Tumango ako at umupo sa upuan sa tabi niya.

"Lumabas muna sandali si Bryan, kakausapin niya daw 'yung doctor mo. Tsaka medyo hininaan ko rin 'yung aircon, ang lamig kasi eh." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

She chuckled. "Oo nga, gusto ko nga na pahinaan 'yung aircon eh, kaso nakakahiya sa mga nurse kaya tiniis ko nalang 'yung lamig." Sabi niya habang natatawa ng konti.

"Nga pala, ga'no katagal ka na dito sa ospital?" Tanong ko. Natahimik siya sandali. "Hmm. Malapit na sigurong mag 1 week. Nung dumating kasi kami dito, biglang sumakit 'yung katawan ko, kaya dinala agad ako dito sa ospital."

"Pwede pa ba akong mag tanong sa'yo?" I asked while looking at her. She noded. "Syempre, bakit mo naman natanong?"

"Kasi parang ang akward kapag tinanong kita ng tinanong eh hindi naman tayo close."

"Okay lang 'yun. Siguro naman pwede din tayong maging magkaibigan, since girlfriend ka ni Bryan at bestfriend niya ako."

O....kay? Anong connect ng huli niyang sinabi sa pagiging magkaibigan namin?

I cleared my throat. "Nakakaintindi ka ba ng English?" Ewan ko ba kung bakit ko tinanong 'yon. Siguro dahil mas komportable ako na magtanong sa medyo hindi ko ka-close sa English.

Tumango siya. "Nakakaintindi ako ng English pero hindi pa ako gano'n kagaling mag-English, pinag-aaralan ko pa."

"So, pwede akong magtanong sa'yo in English?"

Sasagot palang sana siya nang biglang bumukas 'yung pinto, bumalik na pala si Bryan.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan 'yung kamay ko. "Jingfei, ito si Shanaia, 'yung girlfriend ko na kinu-kwento ka sa'yo."

Tumango si Jingfei. "Wo zhīdào. Nakapag-usap na din kami." Sagot niya. 'Di ko naintindihan 'yung una niyang sinabi. First time kong marinig 'yung word na 'yun. [Wo zhīdào - I know.]

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon