Chapter 31: Headache

2.3K 41 0
                                    

Bryan POV

Hindi pwede, gusto ko din alagaan si Shanaia.

"U-uh. L-lola Da-hae, pwede po ba ako dito matulog? Gusto ko din po kasing alagaan si Shanaia." Sabi ko kay Lola Da-hae. Umaasa na sana pumayag siya.

Mukhang nag-isip muna sandali si Lola Da-hae bago sumagot, "Okay. Basta wala kang gagawing masama sa apo ko ha? Papayagan kita na dito matulog. 'Wag lang sa tabi ni Shan." Sabi niya.

Yes! Pumayag siya.

Tumango ako. "Sige po. Matutulog nalang po ako sa couch dito sa loob ng kwarto." Sagot ko. Tumango si Lola Da-hae. "Sige. Kumuha ka muna ng damit sa guest room at magpalit. Bibihisan ko din itong si Shanaia." Sabi niya.

Tumango ako at dali-daling lumabas ng kwarto ni Shanaia. Dumiretso ako sa guest room na tinulugan ko dati at kumuha ng damit. Pumasok ako sa banyo at naligo.

Nung natapos na ako, nagbihis na ako at lumabas ulit. Pumunta ako sa tapat ng kwarto ni Shanaia.

Bubuksan ko na sana kaso naalala ko na binibihisan nga pala ni Lola Da-hae si Shanaia.

Naghintay muna ako saglit hanggang sa lumabas na si Lola Da-hae.

Tumingin siya sa'kin at nagsalita ulit, "Okay na. Doon ka nalang sa couch matulog ha?" Tumango ako at hinintay na makababa si Lola Da-hae bago pumasok sa kwarto ni Shanaia.

Nakasuot na siya ng pajama pero natutulog pa din siya. Umupo muna ulit ako sa side niya at tinitigan siya.

Maganda talaga si Shanaia. Ang haba ng pilikmata niya, ang tangos ng ilong, 'yung lips niya, medyo pink at malambot.

Alam ko na malambot dahil nahalikan ko na siya. Nung nagpanggap ako na nahimatay sa may pool area, 'yun din 'yung araw na sinagot niya ako.

Nung natapos na akong titigan si Shanaia, humiga na ako sa couch at natulog.

The next day
_________________

Nagising ako dahil may nararamdaman ako na kung ano sa buhok ko.

Pagdilat ko, si Shanaia pala. Nakangiti siya sa'kin habang sinusuklay 'yung buhok ko gamit 'yung kamay niya.

"Good morning, Bryan." Bati niya sa'kin. "Good morning din. Okay ka na ba?" Tanong ko habang umuupo.

"Medyo okay na ako. Pero ramdam ko na nanghihina parin ako kaya hindi muna ako papasok. Ikaw, kailangan mo pumasok." Sabi niya habang nakatingin sa mata ko.

Ngayon ko lang na-realize na ang ganda pala ng mata ni Shanaia, Hazel Brown.

"Huy."

"A-ano nga ulit?" Tanong ko. "Sabi ko, kailangan mong pumasok."

"Bakit?"

"Dahil marami na tayong ginagawa sa school. Hindi ka pwedeng mag-absent dahil baka may quiz, project, etc." Sabi niya sa'kin.

Ngumiti ako. "Okay lang. Basta makasama kita, kahit isang linggo akong hindi pumasok, okay lang."

Napansin kong namula na naman siya. Haha. Kinikilig si Shanaia.

Wait, naisip ko. Wala pala kaming tawagan ni Shanaia. Ang pangit kasing pakinggan kung couple kayo tapos pangalan lang 'yung tawag niyo sa isa't isa.

"Ano gusto mong tawagan natin?" Tanong ko. Tumingin siya sa'kin habang nanlalaki 'yung mata. "A-anong tawagan? As in endearment?" Tanong niya habang nanlalaki pa din 'yung mata.

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon