Shanaia POV
Kakatapos lang namin manood ng movie. Papunta na kami ngayon sa Picnic Grove sa Tagaytay.
"Okay ka lang?" Tanong ni Bryan sa'kin. Tumango ako. "Oo. Bakit?"
"Ang tahimik mo."
"Tahimik talaga ako. Wala naman akong sasabihin eh. Tsaka tahimik ka din naman." Sagot ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na sumimangot siya.
Natawa tuloy ako.
"Bakit ka tumawa?" Tanong niya ulit sa'kin. "Wala lang. Natatawa ako sa mukha mo eh."
"Pa'no mo makikita mukha ko? Eh nakatingin ka sa dinadaanan natin."
Tumingin ako sa kanya bago magsalita, "Dahil nakikita kita sa peripheral vision ko."
"Gusto mo bang pag-aralan natin 'yung nervous system?"
-____-
Bakit namin pag-aaralan 'yan?
"Anong trip mo?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot 'yung noo. "Peripheral eh. Diba sa nervous system 'yun?" Sagot niya.
-____-
"Ewan ko sa'yo." Sagot ko bago siya tinalikuran kaya nakaharap ako ngayon sa bintana ng kotse niya.
Maya-maya pa ay tumigil na 'yung kotse ni Bryan sa parking lot ng Picnic Grove.
Tinanggal ko na 'yung seatbelt ko at lumabas na ng kotse, hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pinto ni Bryan. Parang driver ko naman siya 'pag gano'n.
"Bakit 'di mo ako hinintay?" Tanong niya paglabas ko. "Parang driver kasi kita kapag hindi pinagbuksam mo pa ako ng pinto, magmumukha kang driver ko."
"Tch. Sa gwapo kong 'to? Driver? Mas gwapo pa nga ako sa mga driver eh." Tanong niya habang nakatingin sa'kin, buti hindi masama. Sasamaan ko rin siya ng tingin.
"Ang hangin pala dito 'no? Tatangayin na nga yata ako eh." Sarkastiko kong sabi. Nag-tch lang siya.
Binuksan niya 'yung trunk ng kotse niya at may kinuhang....picnic basket? Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makalapit na siya sa'kin.
"Tara na?" Tanong niya. Tumango lang ako at kinuha niya 'yung kamay ko para makipag-holding hands.
Nakarating na kami sa lugar kung saan maraming tao ang nag pi-picnic. Umupo kami sa damuhan at nilapag niya 'yung picnic basket.
"Kakain na ba tayo?" Tanong ko. "Ayaw mo pa?"
"Tingin mo?"
"Tch."
-____-
Nakaka-ano 'tong si Bryan. "Kumain na tayo." Sabi niya habang nilalabas 'yung mga pagkain sa picnic basket.
Tumango ako at tinulungan siya na ilabas 'yung mga pagkain sa picnic basket nang may maamoy ako.
Bakit parang amoy Porksteak? Tumingin ako kay Bryan habang nakakunot 'yung noo. "Ikaw ba 'yung amoy Porksteak?" Tanong ko.
Tiningnan niya din ako tapos kumunot 'yung noo. "Tingin mo ako 'yon? Kaka-pabango ko nga lang ulit kanina eh." Sagot niya.
"Yung Porksteak na niluto ko 'yung nangangamoy." Dagdag niya.
O____O
OMG! Weh? Nagluto siya ng Porksteak? 'Yung pinaka-favorite na pagkain ko?
Ngumiti ako sa kanya. "Talaga, baby? Nagluto ka ng Porksteak?"
BINABASA MO ANG
Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]
TeenfikcePaano kung magkakilala ang isang taong cold at tahimik? Ano ang magiging trato nila sa isa't isa? Will they find LOVE? Date started: June 21, 2015 Date ended: October 29, 2015 Book cover by: Boydon_Jillianne