Chapter 27: LQ

2.4K 45 4
                                    

Bryan POV

"Sandali lang Jingfei, may tatawagan lang ako." Sabi ko tapos tumayo at lumabas.

Kinuha ko sa bulsa ko 'yung cellphone ko at tinawagan si Shanaia.

[Hello, Bryan? Nasa Beijing ka na?] Tanong niya.

"Oo. Kahapon pa." Sagot ko.

[Saan ka nag-s-stay ngayon?] Tanong ulit niya.

"Sa ospital kung saan naka-confine si Jingfei."

Sandaling natahimik 'yung kabilang linya. [Okay. Bakit ka tumawag?] Huh? Biglang nag-iba 'yung tono ng pananalita niya, parang nagalit yata.

"Nagseselos ka ba?" Tanong ko. Natahimik na naman 'yung kabilang linya. [Nope. Bakit naman ako magseselos?] Mataray na tanong niya sa'kin.

Tch. Hindi daw nagseselos, eh halata naman.

"Okay. Hindi ka pala nagseselos ha. 1 month nalang ako dito para mas maalaga-" Naputol 'yung sinasabi ko nang magsalita siya, [Tse! 'Pag 1 month ka diyan. Wala na tayo.]

O____O

"Wah! Okay! 1 week lang ako dito. 'Wag mo lang ako iiwan."

[Okay. Basta 1 week lang. Pag 2 weeks bago ka bumalik dito, sinasabi ko sa'yo...] Pananakot niya sa'kin. Magsasalita pa sana ako nang sumigaw si Jingfei, "Bryan! S-sumasakit na naman 'yung katawan ko. T-tulungan mo ako, please." Sigaw niya.

"O-okay, Jingfei!" Sigaw ko din. "Shan, ibababa ko muna 'to ha? Kailangan ako ni Jingfei ngayon, bye. I love you!"

[K.] 'Yun lang 'yung sinagot niya bago ako binabaan. Dali-dali akong bumalik sa kwarto ni Jingfei at nakita ko siya na nakangiti habnag nakatingin sa'kin.

"Anong masakit sa'yo, Jingfei?" Tanong ko. Ngumiti ulit siya bago sumagot, "Wala. Ang tagal mo kasi eh, akala ko iniwan mo na ako."

-____-

Gusto ko siyang sigawan pero hindi pwede kaya ngumiti nalang ako sa kanya at umupo sa upuan sa tabi niya.

"Nî yôu nû péngyôu ma?" Tanong niya sa'kin. Tumango lang ako habang nakatingin sa cellphone ko. [Nî yôu péngyôu ma - do you have a girlfriend?]

Tch. Akala ko pa naman may masakit talaga kay Jingfei. Tch. Naputol tuloy 'yung pag-uusap namin ni Shanaia.

Sa Saturday pa ako babalik sa Pilipinas. Sunday pa lang eh, kaya medyo matagal pa bago ko makita si Shanaia.

Nakapagpaalam na din ako sa school na mawawala ako for 1 week. Hindi kay Shanaia dahil hindi naman siya 'yung incharge sa school nila.

"Bryan?" Narinig kong tawag ni Jingfei sa'kin kaya napatingin ako sa kanya. "Okay ka lang?" Tanong niya. Tumango ako. "Sigurado ka? Bakit parang malalim 'yung iniisip mo?"

Umiling ako. "May iniisip lang ako."

"Shénme?" [Shénme - what?]

"Yung girlfriend ko." Sagot ko. Biglang nagbago 'yung ekspresiyon ng mukha niya, parang nagalit na hindi mo maintindihan.

Nag-cellphone nalang ulit ako dahil wala na yatang sasabihin si Jingfei.

__________________

Shanaia POV

Apat na araw na mula nung umalis si Bryan. Ibig sabihin, tatlong araw nalang at makikita ko na ulit siya.

Hindi ko sinasagot 'yung mga tawag niya. Mga text lang niya. Minsan, kapag nag-e-enjoy na ako sa conversation namin, mapuputol 'yun dahil kailangan daw siya nung kaibigan niya.

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon